Hello Sassy👋🐕Chapter 17
Buong magdamag akong hindi nakatulog. Babangon, hihiga uli, babangon naman sabay sulyap sa napakahimbing na si Brandon. He sleep soundly, hindi naman maingay pero dahil mulat ako ay nakakainggit ang kahimbingan niya. Hindi naman ako inantok pero gusto kong umidlip dahil nakoconscious ako sa ideyang may lalaki akong kasama sa isang silid.
Uhg!
Paangat na ang araw saka pa lang ako nakatulog.
"Tahan na, makakatakas din tayo dito. Parating na yung mga magulang natin." Pagtatahan ng isang batang lalaki, pilit niyang kinakalas ang tali na lubid sa kanyang mga kamay.
Sa tantya ko ay mas matanda ito ng ilang taon sa akin. Isang kalabog sa pinto ang narinig namin at tatlong kalalakihan ang pumasok.
"Ako ang mauuna,pare. Hindi pa ako nakakatikim ng ganyan ka bata!" Sabi noong naunang mukhang si Paquito Diaz.
Nakangising aso ang isang lalaki at dumila pa, nangilabot ako sa ginawa niya.
Hinawakan ako ng pangatlong lalaki at padarag na itinayo.
"Bitawan niyo siya!!!" Sigaw ng batang lalaking nakatali na pilit paring binuhol ang tali sa kanyang kamay upang makatakas.
My breath is hitching so bad, my heart is hammering inside my chest. Ano ang gagawin nila sa akin? Para akong mamatay sa takot ng iharap nila ako Kay Paquito Diaz. Hinaplos niya ang pisngi ko at sininghot niya ang amoy ko.
"Ahhh!!!" Narinig Kong sigaw ng batang lalaki at singod ang mga lalaking gustong manamantala sa akin. Natanggal na ang lubid sa kangyang kamay at sinapak ang mga lalaki.
Nasipa niya ang unang lalaki kaya tumilapon ito.
"Anak ng-" Paquito Diaz gritted his teeth in anger. "Gulpihin yan!" Sigaw niya at hinatak ako at tinapon sa gilid upang makisali siya sa panggugulpi noong bata.
I shouted and cried out my lungs sa ginawa nila sa batang lalaki. Walang kalaban-laban ang batang lalaki na halos mangisay na sa bugbug ng tatlong lalaki.
I shout for his name.
"Mona!!"
Napakalakas na sigaw ni Brandon ang pumukaw sa akin.
Napabalikwas ako sa pagbangon at ang nag alalang mukha nito ang bumungad sa akin. "Huh?"
"You scare me to death, Mona!" Ang matalim niyang tingin ay naghalo ang pag aalala, pagsisisi at galit.
"Anong nangyayari?" Naitanong ko ngunit para naman akong hinabol ng kabayo sa bilis ng paghinga ko. Yung puso mo ay naghihisterya na. Basa din ang magkabilang pisngi ko sa luha.
"You need to see a doctor." Pinal niyang sabi at inalalayan ako sa pag upo saka pinainom ng tubig.
Tiningnan ko siya, mataman lang niya akong tinitigan at nakapamaywang. His dark eyes looks so vicious. Umiwas ako ng tingin at inalala ko ang panaginip ko.
Kung ako talaga ang batang babaeng iyun bakit hindi ko naalalang nangyari iyun sa akin? At ang batang lalaki ay hindi ko na maklaro ang mukha niya. Ang linaw naman noon sa panaginip ko ngunit ngayon ay hindi ko na mailarawan. Isisigaw ko sana ang pangalan niya ngunit nagising na ako.
"Yung batang lalaki..." Naisatinig ko. Natakip ko yung kamay ko sa aking bibig at tumingala Kay Brandon. Pumikit siya at tumingala.
"We're going back to Manila as soon as possible, kailangan mong magpacheck sa doctor."
Nagulat ako sa sinabi niya.
Tumayo ako sa inis.
"Ano akala mo sa akin nababaliw? Brandon, natakot lang ako ng husto doon sa nangyari sa bar dahil kailanman ay hindi naman ako nasangkot sa gulo. At yung kanina? It's just a nightmare!" Hiningal pa ako sa bilis ng pagkasabi ko.
Nangunot ang noo niya sa akin sandali ngunit nakabawi naman agad.
"Get ready, aalis tayo in 30 mins. Kumain kana rin, tanghali na. I'll be right back." Sabi niya at tinalikuran na ako saka lumabas ng silid. Magpoprotesta sana ako ng kumulo ang tyan ko. Oops.
"Tanghali na?" Napatingin ako sa aking wrist watch.
"11:13?" Gulantang kong sabi.
"Oh well, umaga na rin naman ako nakatulog." Sagot ko sa aking sarili. Napatingin ako sa round table doon. May pagkain,juice at tubig doon. Naroon din sa silya ang ang bag ko. Siguro maliligo nalang muna ako ng madalian saka na kakain. Mamaya lilinawin ko kay Brandon na okay lang ako. Binangungut lang ako, yun lang yun! Ang OA niya.
But then naisip kong mukhang hindi. Parang nandoon ako mismo sa pangyayari Kaya pinilit kong inisip kong kailan iyun nangyari sa akin. Sumidhi ang kidlat na sakit sa aking ulo. Sobrang sakit Kaya napa impit ako. Nagflash namang muli ang panaginip ko sa aking isip. Sinikap kong labanan ang sakit at idiniin ko ang aking mga palad sa aking ulo upang mapigilan ito. Gusto kong klaruhin ang mga pangyayari at kumpirmahing kung sa akin ba talaga ito.
Ngunit nawala na itong parang bula at tanging ang sakit sa aking ulo ang naiwan.
I run for the water in the table and drink it. Unti unti namang humupa ang sakit sa aking ulo. Umupo ako sa silya at hinilig ang ulo sa dingding.
"What was that?"
May nabuong konklusyon sa aking isip ngunit ayaw kong pabulaan. It's impossible.
Nauna akong kumain bago naligo. Nasa harap ko na kasi ang pagkain at kumulo na naman ang tiyan ko.
Wala pang trenta minutos ay natapos na ako. May kirot pa kasi sa ulo ko, natakot naman akong lumala kaya hindi na ako nagtagal pa sa shower.
Niready ko ang gamit ko upang pagdating ni Brandon ay aalis na kami. Makikiusap din ako sa kanya na wag na muna kaming pumuntang doctor. Saka nalang kapag natapos na ang misyon namin dito. Abala na kasi kung kukunsintihin ko itong nararamdaman ko. Normal lang naman ito. At yung panaginip ay baka nakita ko lang yun sa mga palabas na nakalimutan ko. Hindi ko nalang muna iisipin ito.
"Mona! Nasundan tayo kaya magmadali ka!" Bungad niya sa akin sa pintuan. Nanigas ako, a familiar fear is again hitting me.
Not now please! Ayokong pabigat!
Nagamamadali kaming bumaba ng building. Nagpahila ako sa kanya dahil kung hindi ay naiiwan ako. While fighting for my own fear Brandon curses countless times. He is so frustrated.
"Ba-bakit tayo nasundan?" Tanong ko ng nasa elevator kami.
"Marami siyang tauhan at narecognized nila ang sasakyan ko." Matigas niyang sabi. Binitawan niya ako at kinuha ang cellphone sa bulsa hawak naman niya sa kabila ang bag ko.
Inilagay niya sa tenga ang cellphone at may kinausap. "Magkita tayo sa susunod na bayan." Yun lang at pinatay na niya ang tawag.
Nagwawala na naman sa kaba ang loob ko pero hindi ko ito ipinapakita sa kanya. Gusto ko ding lumaban. Muli ay hinawakan niya kamay ko, napatingin agad siya s akin ng maramdaman na nanlalamig na yung kamay ko.
"Okay lang ako, Brandon. Wag mo akong alalahanin." I assured him.
Alam kong sa tingin niya ay hindi siya naniniwala ngunit pinaninindigan ko ang sinabi ko.
❤ LibRanz01
Greetings!
Merry Christmas in advance,hahaha.
elleahmarie, aquin5, assiralcdimple29, ArlynAnonuevo, hyancinth1979, ImRassel22, frenzyluz, lhene_panopio...👋👋