chapter 23

10.2K 356 7
                                    


Chapter 23

Amnesia?

Kay hirap paniwalaan ang sinabi ni doctora. Bakit naman ako magkaka amnesia? Hindi naman ako naaksidente, Wala akong injury at peklat sa ulo upang palatandaan ng aksidenti. Ngunit ang sabi ng doctor ay hindi ito dahil sa aksidente, marami daw ang pwedeng dahilan ng amnesia bukod sa head injury. And in my case ay trauma ang dahilan ng amnesia ko.

"Doc, bakit tumagal ang amnesia niya ng ganito katagal?" Brandon interrupted.

"Marahil ay inilayo siya ng pamilya niya sa pwedeng mag trigger dito."

Trigger.

Di Kaya ang nangyari sa bar noon sa Solana yun ang trigger? Hindi ako kailanman nasangkot sa gulo o anong karahasan. So napatrouble ako noong bata pa ako?

"Doc, ano ba talaga ang nangyari sa akin dati?" Ayoko ko ng manghula pa,nakakabobo at nakakalito.

Nagkatinginan sila ni Brandon, para bang nag uusap sa pamamagitan ng mata. Alam Kaya ni Brandon ang nangyari sa akin? Sinabi Kaya ni Ana?

Nagagalit ako sa ideyang pinag uusapan nila ako sa likod ko. Alam nila ang tungkol sa akin ngunit ako ay walang ideya, para akong tinatraydor.

"Hindi ko pwedeng pangunahan ang alala mo,Mona. Alam Kong mature kana sa bagay na ito ngunit sensetibo ito para sabihin ko sayo. Hayaan mong maalala mo ang lahat sa tamang panahon. Wag mo nalang pilitin at kung gusto mo talaga ay dapat may magtrigger ng isip mo...ahm, don't you have nightmares?"

Naalala ko yung batang lalaki na pilit pumapasok sa isip ko noong nagkaggulo sa bar ngunit hindi ko parin mahanap sa nakaraan ko kung saan ko ito nakita.

"Lately po may batang lalaki po akong napapanaginipan, mula noong gulo sa bar... Batang lalaking binubugbug ng mas matatanda sa kanya. Pero hindi malinaw ang lahat."

Muli ay nagkatinginan sila ni Brandon.

May palagay talaga akong alam ni Brandon ang nangyari sa akin.

He looked away and sighed.

Isinulat ni Doctora ang mga sinabi ko sa isang folder, it's my record kasi may nakalagay doon na pangalan ko.

Matutulungan niya akong maovercome ang takot ko kung sakaling bumalik ang alala ko kaya binigyan niya ako ng calling card. Anytime daw ay matatawagan ko siya in case my problema. At yung pagkalimot ko sa nangyari kahapon ay parte iyun ng kondisyon ko. Sabi niya unti-unti na daw'ng bumabalik ang alala ko.

Sa totoo lang beyond six years old ay wala akong maalala ngunit hindi ko napansin iyun dahil pinupuno ng pamilya ko ang mga nawalang panahon. Kinikwentuhan nila ako ng mga bagay na akala ko ay nakaligtaan ko lang. So possible na kaibigan ko na si Brandon dati.

Marami akong gustong itanong sa kanya mamaya kapag kami nalang dalawa. And I want an honest answer.

Nagpaalam kami Kay doctora na hindi kontento sa session ngayon, ang dami ko tuloy doubts sa sarili ko.

Tahimik kami pareho sa kotse niya, Pina andar na niya ngunit di pa naman pinausad.

"Magkakilala na ba tayo dati?" Tanong ko ng di siya tiningnan.

Sa gilid ng aking mata ay nakita kong pagod nya akong tiningnan.

"Oo." Simpling sagot niya.

Pumikit ako ng mariin, ano ba talaga ang nangyari?

"I-ikaw ba...yung batang lalaki sa panaginip ko?" Kinakabahan ako sa maaaring sagot niya, dahil kung siya nga yun ang brutal ng sinapit niya.

Nagkatinginan kami, namumungay ang kanyang mga mata at marahang tumango.

Monachica [Solana Series#2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon