chapter 6

13.1K 420 35
                                    


Chapter 6

Nagpaalam ako kina Tito at Kay Tita na rin upang hindi sila mag alala. Ang sabi ko ay magbabakasyon ako kasama ang isang kaibigan sa highschool. Hinayaan nila ako.

"Buti nalang naisipan mo yan. Please Mona, let your sister rest in peace." Tawag sa akin ni Tita Ging.

Napapikit ako, it still hurts ngunit unti unti ko na ring natatanggap. Gaano man ako magluksa hindi rin naman sila maibabalik pa, at para narin sa ikakatahimik nila. Siguro nga ay ganoon ang buhay, unfair.

Nagpakitang gilas ako sa huling araw ko sa martial arts school na pinasukan ko, nakapagpaalam na ako at nanghihinayang sila. Hindi pa raw naituro lahat sa akin ay aalis na ako, ang importante ay marunong na akong ipangtanggol ang sarili ko sa oras ng kagipitan. Lahat ng natutunan ko sa kanila ay ginawa ko ng maayus and it is well done, pumalakpak sila sa akin na ikinangiti ko.

"Wag kang magmayabang, Wala pa sa kalahati ang natutunan mo dito... Mag ingat ka parin." Sabi noong instructor namin. Humalakhak lang ako dahil tama siya, self defense palang ang natutunan ko sa loob ng isang buwan. Ganoon ka hirap ang pinasok ko, hindi naman kasi ito ang filled ko.

Madaling araw kami tumulak ni Brandon kung kaya ay hindi nila nakita na si Brandon ang sumundo at kasama ko. Isang Ford  pick up ang gamit namin ngayon, hindi iyung kotse na dala niya noong dinner namin. And it seems ang dami niyang dala, kahon kahon.

"Ang dami mo yatang dala?"

Palabas na kami ng village nang magtanong ako.

"Kakailanganin natin yan." Sagot niya.

Sumulyap ako muli sa mga dala niya, kadalasan ay color fatigue ang bag.

Inayus ko ang envelope na hawak ko dahil nadudulas sa aking hita. Nag research ako kagabi tungkol sa Solana, actually it's Poblacion Solana. Ang daming malalawak na farm doon at mga paliguang springs. Sagana ang pamumuhay ng mga tao ngunit nahahati naman sa mayaman at mahirap. May mga mayayaman dahil sa naglalawakang farms at ang mga taong lumad doon ay tumatandang tauhan ng may mga Kaya. May mga building naman ngunit hindi kasing tayog ng maynila ngunit pwede ding maging city sa lawak ng sakop ng Solana. Nangungunang krimen sa kanila ay murder. Ilang kaso ang hindi nalulutas dahil walang witnesses at ebidensya, sigurado akong ito yung misyon ni Ana.

Nag research din ako sa pamilyang iyun sa lugar ngunit ang ipinagtaka ko ay hindi sila doon naka basi talaga. May bahay lang silang sobrang laki at maraming pumapasok na pera sa account nila ngunit tatatlo lang naman ang business nila sa Solana at wala pa silang farm. Ibig sabihin hindi talaga sila taga doon, may mga assets sila sa ibang bansa ngunit walang legal na negosyong nakarehistro. Imposibli namang sa tatlong jewelry shop lang sila kumikita gawong hindi naman masyadong matao ang Poblacion Solana. So kung wala silang legal malamang illegal meron at yun ang target ni Ana.

Inabot ako ng madaling araw sa pagkalap ng mga impormasyon na iyan Kaya napahikab ako.

"Pwede kang matulog, malayo pa ang biyahe natin." Nagulat ako sa sinabi niya. Sinulyapan ko siya, he is so fresh with his white V neck shirt and a fatigue pants. With his broad shoulders and the abs, o my Ghad! Bumakat sa tshrt niya. Namula ako at umiwas ng tingin, bakit ba ang hilig kong mamuna sa kanya? Damn it!

"Are you okay?"

Shit!

"Ahm, yeah...I'm thinking about... How's your wounds?" Oo nga, kumusta na yung sugat niya. Bakit ba ako ganito?

"Okay na, daplis lang naman." He said while his attention is on the road.

I felt relieved, hindi dahil okay na ang sugat niya kundi hindi niya namalayan ang pagiging balisa ko.

Monachica [Solana Series#2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon