Chapter 10
Nakayuko ako buong byahe pauwi sa inuupahan naming bahay. Nagkaroon kami ng sagutan kanina dahil dumepensa ako ngunit mas lalo lang siyang nagalit sa akin. Maybe his right, dilikado yung ginawa ko dahil wala akong matinong plano sa pagkilos kong iyun. Gusto ko lang naman makatulong sa kanya.
Sumulyap ako sa kanya, I feel so bad right now. Na disappointed ko siya at hindi iyun excuse. His looking furious at the road, his eyes were dark and his brows furrowed. His jaw is clenching at ang mga kamao niya at panay ang kuyom.
"I'm sorry... Again." Nahihiya kong sabi.
"You should be." Malamig niyang sabi. Galit na galit talaga siya.
Pagkadating naming bahay ay agad siyang lumabas ng sasakyan at umikot upang mapagbuksan ako ngunit nanalitiling siyang tahimik. Tuloy tuloy ang lakad niya papasok ng bahay matapos niyang e lock ang sasakyan. I'm just looking at his very move, lumingon siya sa akin ng napansing hindi ako sumunod sa kanya kaya nagmadali akong tumungo sa pintuan. Pinapasok niya ako bago siya, hinagis niya ang susi ng sasakyan sa center table at marahas na huminga. His now looking at me intently.
"Hindi ka pwedeng makita ng mga kasamahang pulis ni Ana. Ano nalang ang iisipin nila kapag nakita ka nilang pagalagala dito sa Solana? Sinasabutahe mo ang sarili mong plano!" Matigas niyang sabi at naggigitgitan pa yung ngipin niya sa gigil akin.
At dahil sa sinabi niya ay ngayon ko lang naisip nga ganoon nga. Bakit ba ako nagpadalosdalos? Ang tanga ko talaga! Wala talaga akong alam sa mga ganito, I'm so reckless. Kaya pala ang layo nitong inuupahan naming bahay. I'm so guilty, alright.
Hindi ako makatingin sa kanya, I'm so dam guilty. Imbis na makatulong ako at sakit pa sa ulo ang ginawa ko.
"I'm sorry, I won't do it again." Mahina kong sabi.
"Talagang hindi na." Sabi niya bago tumungo sa kusina at kumuha ng tubig sa ref.
"Paano mo nalamang... nandoon ako sa..." Hindi ko matapos tapos ang sasabihin ko dahil sa natalim niyang titig habang sumisimsim ng tubig sa baso.
He glared at me,my heart jumped and just wanna stay away from him. He look really pissed.
Syempre nakauwi na marahil siya kaya nalaman niyang wala ako sa bahay.
Padarag niyang ibinaba ang baso sa mesa nang di ako tinantanan ng titig niya, nagsitayuan tuloy ang balihibo ko sa katawan.
"The next time you'll sneak, I swear I'll punish you." Banta niya.Yun lang ang sinabi niya saka pumasok sa kwarto niya. Para akong kinuryente sa sinabi niya.
Iniisip ko pa lang na paparusahan niya ako ay nag aalab na yung takot ko. Naiimagine ko Kung paano nagpaparusa ang mga sundalo ay natatakot na ako. I won't do it again, I'll promise to myself that.
Niligpit ko ang ginamit niyang baso at pitsil saka pumasok sa silid na ginagamit. Hindi ako nakatulog ng maayos, para akong binabangungut na Ewan o balisa lang talaga ako.
I heard him get up early, naligo siya at nag boxing sa likod bahay. I sigh,wala tuloy akong gana mag insayo ngayon dahil sa nagawa ko kagabi. I take a bath early and prepare our breakfast in silence. Tyempo naman na pagkatapos kong mag luto ay pumasok siya gamit and back door, nagkatinginan kami, ako ang unang umiwas. His intense look made me shivers this early, gosh!
"Maghahain lang ako para makakain na tayo." Sabi ko at dali daling kumuha ng mga kubyertos saka nilapag sa hapag.
He wash his hands before he sit opposite to mine. Tahimik kaming kumain hanggang sa natapos. Habang nagliligpit ako ng tira naming ulam ay naghugas naman siya ng pinggan.