Chapter 1Zombie do exist.
Kasi feeling ko nagiging zombie na ako sa manhid ng nararamdaman ko. Seeing my sister coffin breaks my world. Isang bronsing kabaong na may watawat sa ibabaw nito ang sumalubong sa akin pag uwi ko galing France. What happen to the promise we made? Wala nalang ba iyun? Ang sabi niya walang masamang manyayari sa kanya pero ano 'to? Ni hindi niya nasabi sa akin ang misyon niyang ito.
Walang luha ang dumaloy sa aking mga mata dahil ubos na ito noong nasa France palang ako. Kinailangan ko pang ma confine ng isang araw dahil hinika ako. Until I saw the coffin, pilit kong iniisip na pranks lang ito ni Ana. But then again the nightmare came to real. She is lying helpless on her coffin.
Nagkalat ang mga pulis sa paligid, babae man o lalaki na kasamahan niya. Lahat sila ay nakatutuk sa mugto kong mata, ang iba ay namangha at karamihan ay awa ang nakikita ko sa kanilang reaksyon.
Habang naglalakad palapit sa kabaong niya ay para akong lumulutang. I can't feel my body anymore, it's giving up. Tita Ging never leave my side para alalayan ako.
Pagkakitang ko palang sa mukha niya kahit hindi pa ako nakalapit ay nawalan na naman ako ng malay.
"I told you to ready the medics!!!" I heard Tita Ging scream.
I didn't really passed out ngunit gusto ko naring pumikit katulad niya. Habang may ginagawa sila sa katawan ay para namang hinahati ang puso ko sa sakit. Kaisaisahan kong kapatid kinuha pa sa akin dahil lang sa lintik na propesyon na yan!! Gusto Kong magwala ngunit wala na akong lakas pa para gawin iyun. Tulad niya ay para akong nawalan ng buhay. Totoo nga ang sabi sabi ng iba na magkadugtong ang buhay ng kambal dahil para narin akong patay sa lagay na ito.
Kung sino pa ang mahina ay siya pa ang natira, nakakatawa.
Tulala. Yan lang ang pwede kong magagawa sa ngayon. Si Tita at ang pamilya niya ay panay ang pukaw sa akin ngunit wala akong mabuting reaksyon na naibigay sa kanila.
Tita Ging sat beside me in front of Ana's coffin. She grab my hand and squeezed it.
"Nandito lang kami, alam namin ang pinagdadaanan mo dahil maging kami-"
"Walang may alam ng nararamdaman ko ngayon, Wala sa kalingkingan ninyo ang pagluluksa ko." Malamig at matabang Kong sabi. At sa wakas ay tumulo na naman ang aking luha. Siguro dahil nakakainom naman ako ng tubig kahit walang kain.
"Wag mong sabihin yan, Mona. Pamilya din kami." Humihikbi niyang sabi. Alam kong nasasaktan din siya ngunit masyadong okupado ng sariling sakit.
"Bakit naisip niyo rin ba kahit minsan lang na sana ay katabi ko hanggang sa kabaong na yan ang kapatid ko? Her death is like my ending too, I felt worthless..." Pumiyok Kong sabi.
"Hindi nakasalalay kay Ana ang buhay mo-"
"Pero sa kanya umiikot ang buhay ko! Alam mo yan, Tita kahit malayo ako sa kaya!" Pilit Kong nilalabas natitira kong boses upang maiparating sa kanya kung gaano ito kasakit sa akin.
Niyakap niya ako, sobrang higpit.
"There is life ahead of you,iha. Be strong, you still have yours para tuparin Kong ano man ang napag usapan niyo."
Naiinis ako sa sinabi niya. Ganoon nalang ba kadali yun? Sa tingin niya mag eenjoy akong gawin yun mag isa habang wala siya? Habang kaming dalawa ang nagplano noon?
"Hayaan mo muna ako, Tita." Tangi ko nalang nasabi.
Hindi naman tumutol si Tita at iniwan ako ngunit sa di kalayuan lang umupo.