Chapter 27Nakakapanghina ang alalahanin ang lahat. Tama nga si Tita Ging, dapat ay hindi ko nalang iyun pinagkainterisan. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit nagkapalit kami ng gusto ni Ana. Naintindihan ko kung bakit naiba ang gusto ko, nilihis nila ako sa karahasan. Ginaya lahat ni Ana ang gusto ko, dahil ba ito kay Brandon? Kaya naging sila?
Kung balikan ko ang mga panagyayari sa pagitan namin ni Brandon dati alam kong may nararamdaman kami pareho ngunit dahil sa mga bata pa kami ay hindi iyun nabigyan pansin, o ako lang ba? The way he cares and treated me I can say that I'm special.
Magkamukha kami ni Ana kaya madaling maibaling niya doon ang nararamdaman niya?
Hindi ko man sadyain ay nasaktan ako. Karibal ko pala si Ana mula pa noon hanggang ngayon. Ang pagkaiba lang ay ako na naman itong pilit pumagitna sa kanila. Kaya pala naiinis siya kapag magkasama kami.
Sana makakalimot nalang ako ulit dahil mas lalo lang lumalim ang nararamdaman ko sa kanya sa naalala ko at ang dumi ko para isipin pa iyun.
Dumidilim na ang paligid ay hindi pa ako umahon, nilalamig na ako ngunit wala akong plano magbihis. Gusto kong tanggalin yung balat ko, mahapdi na ito sa paghilod ko at halos nagkakasugat na. My tears won't stop falling for I am hurting and disgusting. Pabalik-balik kong hinilod yung paa,hita,braso at leeg ko. I just feel so dirty. Anim na taong gulang lang ako noon at nahawakan na ako at nahalikan sa mga parting yun na hindi ko gusto. Ang hayop nila, wala silang awa.
I'm wondering where they are now. Gusto ko silang paghigantihan at saktan. Gusto kong ibalik sa kanila itong sakit at duming nararamdaman ko ngayon. Mga demonyo sila.
Gaano man ako namumuhi ay wala parin akong nagawa kundi ang humikbi nalang. Hikbing halos hindi kana makahinga. Gusto kong parusahan ang sarili ko pero bakit? Ako ang biktima dito.
Humilig ako sa bato na tila pagod na pagod. Mahapdi na ang namumula kong balat, may gasgas na ang ibang bahagi ng aking hita at braso. May mumunting dugo ring lumabas doon.
I feel nothing but disgust. Ang dumi ng iniwan nila sa akin at feeling ko ay madadala ko ito sa mahabang panahon habang ako'y nabubuhay.
Kailangan ko si Doctor Feliciano para maibsan ko itong nararamdaman ko, tama siya kakailanganin ko siya pag nakaalala na ako.
"Mona!" A hard baritone voice echoed around, napalingon agad ako.
Brandon's hard face and dark eyes doted on me. Na kahit medyo madilim na ay Kita ko ang nag aapoy niyang mga mata. Binundol ng kaba ang aking puso, kabang nanabik sa kanya at kaba sa nag aapoy niyang mga mata.
Agad kong pinulupot ang aking braso sa aking dibdib na nakalantad at pinagtabi ang mga hita't umupo upang maitago ang ka hubdan. Ang nanlalamig kong katawan ngayon ay nag aapoy lalo na ang mukha ko. For the second time he saw me naked. Nagwawala na yung puso ko na ang sakit na.
Nakakahiya man pero pinangarap kong sundan niya ako dito sa Solana. Pero dahil sa alaalang nagbalik ay nawala ito sa isip ko kaya nasurprisa ako at sa ganito pa talagang kalagayan.
Hinubad niya ang suot na jacket at agad lumusong sa tubig. I also heard him cursed.
The disgusting thing pop up my mind and it ruines the moment.
"Don't go near me!" Agap ko.
Napahinto siya sa paglapit sa akin at mas lalong nagalit ang tingin sa akin.
"What the hell are you doing,huh?" Singhal niya. "Paano kung may makakita sayo sa ganyang ayos?" Galit niyang sabi.
Alam kong posibli nga ngunit ang pangamba sa ganoong ideya ay hindi sumagi sa isip ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/122898054-288-k446059.jpg)