chapter 15

10.2K 388 19
                                    


Chapter 15

Iniwan niya ako sa bar counter. Hinanda ko ang sarili ko, alam ko naman na nasa paligid lang siya. Hindi naman niya ako ipapahamak.

Nilagok ko ang baso ng alak at naramdaman ko agad ang init at pait nito sa aking lalamunan, it help actually, nakalma ako. Sa gilid ng aking mga mata ay nakita kong pumasok si Brandon sa men's room. Kumapit ako ng mahigpit sa baso at bumuga ng hangin.

Umorder ako muli ng alak at agad nilagok, just when I put down the glass someone is taking the sit beside me that is supposed be Brandon's.

"Hi, beautiful." CJ on his fancy smile.

"Hello." I smiled back.

"Pag aari ko ang bar na ito, ngayon lang yata kita nakita. Are you a tourist?" Sumenyas din siya sa bar tender ng inumin, tumalima naman agad ang lalaki at mukhang alam na nito ang inumin niya.

"Yeah," maikli kong sagot. Pag aari pala niya it pero wala ito sa nakalagay na properties nila, ipinangalan Kaya sa iba?

"Are you bored on your hotel room?" Nangilabot ako sa mukha niya, yung ngising aso na akala mo ay kilala ko na siya.

"Not really, just wanna hang out." Napalunok ako, uminit na yung batok ko sa pagmumukha niya. Ang manyak niya.

Sa lapit niya sa akin ay naamoy ko agad ang pabango niya, at alak.

"Good thing... I'm CJ." Inilahad niya ang kamay niya.

Tiningnan ko ito at nagdalawang isip na tanggapin ito. Fear is scorching inside me. Ang mga ngiti niya ay parang may dalang panganib.

"Chica.." sagot ko sa kanya pero hindi ko tinanggap ang kamay niya.

Tumawa siya, tawang may halong inis.

I smiled awkwardly.

"Nice name..." Nilapag noong bar tender ang inumin a niya. Kinuha niya agad ito at nilagok.

"You wanna go somewhere?" Ngumisi ito ng nakakaloko. Nanayo na ang mga balahibo ko sa batok.

"Ahm, actually im.. with someone." Medyo nanginig ko ng sabi.

He grabbed my wrist. My insides already in panicked. Anong klasing tao ba ito. Pilit kong inagaw ang kamay ko ngunit hinigpitan niya ito.

"Magagawan natin ng paraan yan, I have my men that can take care of that guy your with. After all, it's my bar and I am the rule here." I'm totally panicking, hindi ko mahagilap si Brandon. Nilalamon na ako ng takot.

"N-No, t-thanks." I tried really hard to compose myself.

"I don't take no for an answer, miss beautiful... You want to hang out,right? Its my pleasure to tour you around." Marahan niyang sabi ngunit nakakakilabot ang kanyang mga tingin.

Itinaas niya ang kabila niyang kamay bilang senyas sa kung sino, at tinuro ang kaninang kinaruruonan ni Brandon. Umahon na talaga ang kaba ko sa dibdib at hindi ko na mapigil iyun.

"I'm sorry, CJ. But I'm fine here. Please let me go." I'm shaking to death, fear is very visible in my face.

"Oh! don't be afraid, sweety. I'm a gentleman." Marahan niyang sabi. Naglibot ang paningin ko ngunit nagbubulungang mga tao at medyo dumistansya ito sa amin. Karamihan ay mga babaeng nakataas kilay at mga lalaking napapailing.

I can't really find Brandon, kahit saang anggulo ay wala talaga siya. Maraming bouncer doon malapit sa men's room. Sana ay mali ang hinala ko dahil kong tama hindi ko na alam ang iisipin pa. Nasusuka na ako sa kaba at takot.

Monachica [Solana Series#2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon