Chapter 9The next day, sabay kaming nag jogging bago mag iinsayo sa pamamaril. Nilibot namin ang flower farm doon at nadiskubre ang spring sa pinakala dulo ng farm. Ang sabi ay sakop ito sa lupain ng nagmamay ari ng flower farm ngunit hindi dinivelop upang pagkakakitaan. Maliit lang ang espasyo at medyo liblib nga, sa unahan ay sapa patungo sa mas dinadayong paliguan.
"Ang ganda kahit hindi naman inayos, natural lang." Mangha kong sabi.
Napalibutan ng malalaking bato at nagmistulang jacuzzi na kakasya ng hindi aabot sa sampung tao ang spring na iyun. Dalawangng ganoon kalalaking paliguan ang nagdugtong-dugtong.
"Medyo makipot nga lamang at walang space para sa cottage kung sakaling gawing resort." Sa likod ng mga bato ay burol na kasi at gubat naman sa kabila.
May dalawang binatilyo ang naliligo at dalawang mga dalagita, nag date yata.
"Hi, libre lang ba maligo dito?" Paniniguro ko kahit obvious naman.
Tumayo ang isang dalagitang may maiksing buhok.
"Oo, ate. Hindi naman ito pinagdadamot ng may ari kaso kapag hapon ay madilim talaga walang ilaw. Swerte na Kung bilog ang buwan." Nakangiti niyang sabi.
"Madalas kami lang dito, marami kasing mas maganda sa ibang panig ng Solana." Sambat noong binatilyo.
"E, bakit kayo nandito?"
Mukhang nahiya naman ang dalagita sa tanong ko at yumuko. Ngumisi naman ang lalaki.
"Malayo sa amin..." Makahulugan niyang sabi.
Napaawang labi ko ng mapagtanto ang kanyang sagot. Malayo sa mga magulang upang hindi masita, ganoon. Naku ang mga kabataan talaga ngayon.
I like the water, yumukod ako upang madama ang tubig at ang lamig nito.
"You wanna swim?" Brandon asked.
Tumayo ako at ngumiti.
"Maybe next time." Sagot ko at nagpatiunang lumabas roon.
"You like it there? Balik tayo mamaya, I'm sure uuwi na nag mga yun." Habol nito sa akin.
"Kung babalik man ako doon, ako lang. Di ka kasama." Nakanguso kong sabi.
"What?... No way." Mangha niyang sabi.
Umirap ako, nahihiya sa larawan kasama siya maliligo doon. Naalala ko na naman yung nangyari sa banyo.
"Wala ka ng maililihim sa akin nakita ko na lahat yan. Kaya kahit maghubad ka uli hindi na ako magugulat." He chuckled.
Uminit yung pisngi ko sa sinabi niya. Pinaalala pa talaga niya.
"Bastos! Anong tingin mo sa akin porn star! Pervert!" Singhal ko dito at inunahan na siya sa pagtakbo. Pulang pula yung mukha ko sa hiya.
Narinig ko nalang siyang nakasunod at humalakhak pa ng mas malakas.
Walangya!!!!
The whole time na nag insayo ako sa pagbaril ay nakangisi lang si Brandon habang nakabusangot naman yung mukha ko. Wala tuloy akong natamaan ni isang lata. Sumuko ako at nag boxing nalang, may ginawa siyang punching bag na pinong buhangin ang laman, hindi ko alam kong saan niya nakuha ito. Ibinuhos ko doon ang lahat ng inis ko, iniisip kong mukha ni Brandon iyung pinagsusuntok ko.
Nang tanghalian ay nagluto ako ng makakain namin habang siya ay busy sa kanyang laptop at may mga tumatawag din sa kanyang cellphone. Nakahinga ako noong kumain na kami dahil naging seryuso na siya at mukhang may problema sa kanyang negosyo. I wash the dishes habang siya ay may tatapusin daw sa kanyang laptop.