Chapter 8
Nagising ako sa putok ng baril. Bumangon ako at nagmadaling sumilip sa bintana ng aking silid kasi naroon nagmula ang putok. Nasundan pa ito ng ilang sunod sunod na putok na ikinabahala ko. Nakayuko pa ako saka sumungaw sa kurtina ng French window nito.
I saw Brandon shooting. May mga lata sa unahan at yun ang target niya. To my surprise ay burol pala ang likuran nitong bahay Kaya pupwede siyang magpaputok dahil sa burol tumatama ang mga bala. Napaigtad ako sa ng muli niyang magpaputok.
Ang galing niya, nahulog lahat ng latang nakalatag sa kahoy na ginawa niyang patungan. Ang kanyang postura ay parang iyung nakikita ko sa mga pelikula.
Namula ako ng maalala ang nangyari kagabi. That was one of my embarrassing experience. Madali Kong tinapos ang pagshower ko at patakbong tumungo sa aking silid, nakita ko siya sa labas ng bahay at naninigarilyo sabay mura ng paulit ulit. Sumigaw lang ako na tapos na sa banyo at hindi na lumabas pang silid, hiyang hiya parin ako sa nangyari. Ano nalang Kaya yung iniisip niya, shit!
Alam kong may maipaglalaki naman akong katawan, malusog na dibdib at puwitan ngunit wala akong lakas ng loob upang ipagmayabang ito. Nakakahiya Kaya.
May mukha pa Kaya akong ihaharap Kay Brandon?
Kumulo ang tiyan ko Kaya napatingin ako sa oras sa aking cellphone. It's eight in the morning at gutom na ako. Hindi na ako muli nakarinig ng putok mula sa labas Kaya sumilip uli ako, Wala na siya roon. Pumasok na Kaya siya sa bahay? Pero ang baril na ginamit niya ay naroon pa sa mesa. Kumulog uli ang tiyan ko, gutom na talaga ako.
Kinuha ko ang tuwalya at naglakas loob na lumabas ng silid, Wala namang tao Kaya nagmadali ako sa lababo upang makapag toothbrush. Minadali ko talaga na parang akong nagnanakaw. Just when I'm done, he appeared from the back door.
"You're awake!" He said. Hindi ako makatingin sa kanya, yumuko ako at nag iwas ng deriksyon.
"Nakabili ako ng pang agahan at niluto ko, sabay na tayo." Sabi niya at nilagpasan ako upang makakuha ng mga kubyertos sa dish cabinet malapit lang sa akin.
Hindi parin ako nagsalita, pinagmasdan ko lang siyang naghanda ng mesa.
He glanced at me while putting those spoons and forks on the plates. My heart jumped to it's highest. Uminit din ang pisngi ko ng magtama ang aming paningin. Umiwas agad ako at narinig ko siyang humalakhak.
"What's funny?" Mataray kong sabi.
Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. It sent shivers down my spine.
Damn!
Although I'm wearing all pajamas feeling ko lumagpas ang tingin niya sa kabuuan ko. Uminit lalo yung mukha ko.
"Will you stop it!" Matalim ko siyang tiningnan.
He just shrugged and take his sit.
"Let's eat?"
I rolled my eyes, ano man ang nakita niya sa akin kagabi ay hindi ko na mababawi iyun. I should learn from it, locked the door next time.
We had an awkward breakfast, or maybe ako lang talaga ang na o-awkward dahil sa nangyari. Mukhang wala naman iyun sa kanya, of course he have seen a lot of bodies and taste them for sure. Umirap uli ako sa hangin.
"Hinanda ko na ang firing range... Ikaw, handa kana ba?"
Medyo nagulat ako doon, seryuso at walang halong kung ano sa kanyang tono at tingin.
"O-oo naman!"
Yes I'm ready, ginusto ko ito Kaya walang atrasan. Naalala ko Kung paano siya nagpaputok kanina, bihasa talaga siya and this time I will give him my full trust setting aside this foreign feelings. Nandito ako sa sitwasyong ito dahil sa paghahanap ng hustisya para Kay Ana. Kung napilitan man lang si Brandon na samahan ako,well problema na niya iyun, pwede naman siyang tumanggi kaya nandito nga kami.