chapter 4

13.4K 445 9
                                    


Chapter 4

Every other day dumadaan ako sa opisina ni Ana hoping for new improvements sa kaso niya at doon sa hinawakan niya, but I just failed as always.

"Wala ba talagang balita o itinatago niyo lang sa akin? May I remind you officer! I'm the sister here!" Galit na talaga ako sa palagi nilang sagot sa akin. Baluktot nga talaga ang batas dito sa Pilipinas.

"Miss Momville, we clearly are transparent to you kung anoman ang usad ng kaso. As you see malayo ang Solana dito at masyadong secured ang pamilyang target natin dito!" Namumula na ang leeg ng police na kausap ko, I bet he is not just a police kundi may rangko talaga dahil hindi na siya nakaunipormi. And that's it, dahil sa kakulitan ko he slipped a words on me.

Nanlaki ang mga mata niya ng marealized siguro ang pagkakamali.

I smirked. Wala ngang balita pero may nakuha naman akong impormasyon. One day I won't be needing your help! Huh! Kaya siguro napahamak ang kapatid ko dahil sa bagal ng kanilang pagresponde.

I smirked leaving the building samantalang iniwan ko ang kawawang pulis na parang basang sisiw.

SOLANA.

I need trace on that place. Pag aaralan ko ang mga nalaman ko, hindi man sa propesyonal na paraan ngunit sa paraang alam ko.

Halos isang buwan na ako sa martial arts class ko, at masasabi kong hindi naman ako kulelat at kahit ako sa sarili ko ay hindi ako makapaniwala na nagagawa ko ang ganito. Siguro nga may mga bagay na nakatago lang sa sarili mo na kailangan mong pukawin para magamit mo ito sa mga pagkakataon ganito. Syempre pamilya ako ng mga pulis kaya posibling may tapang din naman ako na pinangungunahan ko lang ng takot.

Surely fear can make you weak and I don't wanna be weak anymore, it's for my sister... And probably for myself. Ang dami kong natutunan sa martial arts, hindi lang pisikal na pakikipaglaban kundi pati sa mental ability at sensitivity. Marami pang iba, nakikipag usap din ako sa mga Trainor's namin doon upang makilala ang iba't ibang klasi ng tao.

That day I decided to insert my practice in guns. Nakahanap na ako ng firing range at susubukan ko ito bukas total nakapag adjust na yung katawan ko sa martial arts. Believe sila sa kapursigudo ko, ang dali ko daw natutu. Ang totoo ay hindi naman ngunit pinilit ko ang sarili and thankful naman ako dahil nagbunga ang lahat. Hindi paman ako gaano ka sanay ngunit sapat ng may alam ako kahit papaano, to protect myself.

I woke up early and have a jog, eat breakfast and prepare myself to fire.

Nang dumating ako sa lugar ay handa ako. Try out ko lang naman muna ito,I want to observed first. Pinili kong weekdays ako pupunta rito upang kunti lang ang tao, ayun kasi sa research ko ay marami ang nagpupunta dito kapag weekends.

Binati ako ng receptionist pagkadating ko. Nagtanong agad siya at sinagot ko naman. He offered me a promo try out. May freebies at favors. Nag isip muna ako at sinabing magmamasid muna. Pumayag naman ito at tumango. May sumabay sa akin na crew at pinakita sa akin ang mga kagamitan nila. Naglibot at nag ikot kami, manghang mangha naman ako sa galing magpaputok ng ilan. At masasabi kong madali lang.

"I wanna try." I informed the crew beside me.

"Sige po ma'am, dito po." Sagot niya.

Iginiya niya ako sa isang cubicle, I put my things in the table. Hiningi muna niya ang ID ko at ibang information at pinapapirma. At dahil baguhan ako, I need to be attentive. Ginamit ko ang safety goggles at headphones, tinuro niya sa akin ang tamang postura at paghawak ng baril. In fairness mabigat pala, bakit ang easy nilang tinggnan kung ganito pala ito. Kung titingnan mo mukha lang laruan yun pala hindi bito ang bagay na ito.

Monachica [Solana Series#2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon