chapter 12

10.6K 378 16
                                    

Chapter 12

Babalik ako sa lugar na iyun mag isa!

Hindi na ako bumalik sa pagligo kanina pagkatapos naming kumain, Tama na yun naibsan na naman ang sakit ko sa katawan yung nga lang ay nanghinayang ako sa ganda ng tubig at lugar.

Hindi na rin kami nagtagal, bumalik kaming bahay na panay ang sulyap niya sa akin habang ako ay di makatingin. My heart won't stop hammering inside my chest. Gosh! This is sick!

"Are you okay?" He asked me before taking off the car.

Wag mo nalang akong kausapin Brandon! I'm trying very hard to hold on this crazy feelings, please! Your killing me.

"Yeah, I'm ... Ahm.. mauna na ako sa banyo." Susme, Ultimo sa pagsagot nagkandarapa! Ano ba!

Nagmamadali akong pumasok dahil uminit yung mukha ko kapag katitigan siya o kahit man lang ang tinggan ito.

Nang magtanghalian ay inabala ko ang sarili ko sa paghahanda ng lunch. Paubos na pala ang groceries namin, magpapaalam nalang ako mamaya para pumuntang palengke o sa may puregold sa bayan. I just have to be very careful.

"May ipapakita ako sayo pagkatapos nating kumain." Sabi niya na parang may pinipigilang galit. Walang bahid ng tuwa o ngiti man lang sa kanyang mukha. Para akong kinalabit ng takot at kaba. May problema kaya?

Matapos non ay wala na siyang sinabi pa. Nang pagmasdan ko ang galaw niya ay panay ang tiim ng kanyang bagang at kuyum ng kanyang kamao. There is something bothering him and it's really serious. He looks pissed and angry.

Bumalik siya sa laptop niya at doon sa envelope na dala niya kanina matapos kumain. Minadali ko ang pagliligpit at paghuhugas ng pinggan para makiusisa sa kanya. Yung kaba ko naman ay kakaiba din, panay ang tindig ng mga balahibo ko sa braso.

"May ipapakita ka?" May distansya Kong tanong dito.

Tumingala siya sa akin at tumango ng seryuso. Tinapik niya ang gilid ng kanyang kinauupuan at ibinalik ang mga mata sa mga papel saka inayos ang pagkalat nito.

Nagdalawang isip pa akong tumabi dito ngunit para wala lang naman iyun sa kanya kaya tumabi narin ako.

Binigay niya agad sa akin ang mga inayos na papel, may nakita ako doong mga mukha ng mga lalaking naka uniporming pulis.

"Sila ang kasama ni Ana sa misyon dito. Ang isang yan ay missing sa ngayon." Turo niya sa isang lalaki na may mabait na mukha.

"Ang dalawang yan.." tukoy niya sa dalawang nasa middle thirties ang tantya ko."nandito pa ang mga iyan, sila ang nagpatuloy sa surveilance na hindi naman ginagawa dahil kunsabo naman nila ang mga target... May dalawang nadagdag ngunit pareho din, ito sila." May ipinakita siya sa kanyang laptop.

Isinaulo ko ang mga mukha nila, anger arise inside my system. Gusto kong punitin ang mga mukha nila. Parang piniga ang puso ko ng maisip si Ana. Ano Kaya ang pinagdaanan ng kapatid ko sa kamay ng mga demonyong ito.

My eyes turned red in anger and it clouded by my tears.

"May nabayaran ako sa crime lab upang halungkatin ang autopsy ni Ana."

Marahas akong tumingin sa kanya.

"Autopsy? Wala namang sinabi sa amin na  ni autopsy siya ah." Sabi ko dahil yun ang pagkakaalam ko, may nakuhang dalawang bala sa dibdib niya na sobrang lapit sa puso at ang isa ay sa kanyang tiyan. Umabot pa ng ospital ang kapatid ko at sa operasyon na siya nalagutan ng buhay dahil nag internal bleed ito.

"Hindi pwedeng walang autopsy,Mona. SOP yan lalo na at pulis siya na namatay sa misyon niya. Maaring hindi nila sinabi dahil hindi naman kayo namilit. At isa pa ay nananatiling confidential ang kaso niya hanggang ngayon... Yung pulis na nawawala ay yun ang nakakaalam ng lahat, wala mang ebidensya ay nasabi lahat ni Ana sa kanya. Sana lang ay buhay siya at nagtatago lang dahil kung pinatay din siya ay wala na tayong magagawa pa sa kanya."

Monachica [Solana Series#2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon