MINA's
"WALANG PASOOOOOOOOKㅡ aray tangina bakit mo ako binato ng sapatos?!"
"Ingay mo gago"
Napatakip na lang ako ng unan sa mukha at nagtalukbong ng kumot. Umagang-umaga ang ingay ni Mingyu at Seungcheol sa kabilang kwarto.
Rinig na rinig ko rin ang malakas na buhos ng ulan mula sa labas. Wala ulit pasok? Buti naman.
Hanggang ngayon binabagabag pa rin ako noong mga sinabi sa akin ni Joshua sa chat nung isang araw.
Kasi naman, sino bang hindi magtatampo sa ginawa niya?
Alam niyang importante sa akin 'yon. Kung may pakialam talaga siya sa akin edi sana hindi siya naging makasarili.
Tapos dumagdag pa ang sinabi niya kahapon na bakit daw ba ayaw ko siyang hayaan na ipagtanggol ako. Na-trauma na ata ako sa bagay na 'yon.
Dahil sa gulong naidulot ng pagtatanggol sa akin ni Seungcheol noon, pinangako ko sa sarili ko na magiging malakas na ako para hindi ko na kailanganing humingi ng tulong mula sa ibang tao.
I don't want to create another mess again. Hindi pa nga nalilinis 'tong ngayon e.
Bumangon na ako sa pagkakahiga ko kasi hindi na naman ako makakatulog pa ulit dahil sa kung ano-anong iniisip ko. Dumeretso na lang ako sa kusina para magtimpla ng kape.
Naabutan ko si Joshua doon na kumakain ng almusal. Tumingin siya sa akin pero agad din naman siyang umiwas.
"Pakibaba ang bestida mo" mahinang sabi niya.
Nanlaki naman ang mata ko bago napatingin sa suot ko. Oo nga, medyo tumaas nga siya. Agad ko namang binaba 'yon pero ramdam ko pa rin na mainit ang pisngi ko.
Dumiretso ako sa kitchen counter at kinuha ang mga gagamitin ko. Nag-init na din ako ng tubig.
"P-Pwede bang ipagtimpla mo din ako? Nami-miss ko na kasi ang . . ."
Lumingon ako kay Joshua kasi naputol ang sinasabi niya. Nakita ko namang nakayuko lang siya.
Wala pa rin siyang pinagbago. Mahiyain pa rin siya.
I really don't get him. Minsan sobrang palaban at palamura pero minsan naman parang hindi makabasag pinggan. Hindi ko alam kung sino ba talaga siya at ano ba ang intensyon nuya. Ang hirap magtiwala ulit kung lagi siyang ganito.
"Okay " sagot ko na lang bago ako kumuha ng isa pang mug.
Napatingin naman siya sa akin habang nakangiti. Agad din naman akong tumalikod at pinagpatuloy ang ginagawa ko.
Tsk. Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko? Masama 'to.
Nang matapos akong magtimpla ay inabot ko sa kanya 'yung isang mug. Bago ako tuluyang makalabas ng kusina ay may narinig akong binulong niya.
"Sorry"
BINABASA MO ANG
VANILLA / mingyu
FanfictionIn which the presidents from six different sections are caught between a clash and since all of them acts so competitive, expect this fight to not end so soon V A N I L L A ㅡTzuGyu Epistolary © 2017 SALTYPASTRY