082

1.9K 129 174
                                    

Gulatin nyo naman ako sa Valentine's Day para ma-surprise ako kahit papaano AHAHAHA

--

Vanilla's POV

Unang gabi kong matutulog mag-isa dito sa kwarto namin ng girls. Ang lungkot pala kapag mag-isa lang. Wala akong naririnig na mahinang pagkanta ni Nayeon at yung mga ballet songs na laging pinapatugtog ni Mina bago matulog.

Napangiti nalang ako sa sarili ko nang maalala yung mga pag-uusap namin ni Mingyu kanina pati na din yung pagkain namin ng sabay sa kusina. Kinikilig ba ako ? Malala ka na talaga Vanilla.

Napalingon ako dun sa bintana kasi biglang tumunog. Ang lakas pala ng hangin sa labas. Umuulan din. Tumayo ako mula sa pagkakahiga para isara yung bintana.

Napalingon ako nang may naramdaman akong parang may dumaan sa likod ko.

Teka, akala ko ba fanfiction ang category ng story na to ?! Bat may anggulong horror ?!

Bumalik nalang ako sa kama ko at nagtalukbong ng kumot bago pinilit matulog. Pero bakit hindi ako makatulog ?

Inis na inis kong ginulo ang buhok ko. Kinuha ko yung cellphone ko na nakapatong sa nightstand at binuksan yung flashlight. Hinila ko din pataas yung sleeves ng suot kong malaking t-shirt kasi dumudulas sa balikat ko. Ganito kasi talaga ang suot ko kapag matutulog, mas komportable kasi.

Sobrang dilim pagkalabas ko. Hindi ko mahanap yung mga switch ng ilaw kaya dahan-dahan nalang akong naglakad. Mahirap na at baka madapa ako edi bawas ganda yun.

Nang makarating na ako sa harap ng pinto ng kwarto ng boys ay nagdalawang isip pa ako kung bubuksan ko ba yun. Kaso nakaramdam ako bigla ng malamig na dumampi sa balat ko kaya agad-agad naman akong pumasok at sinara yung pinto.

Nakita ko si Mingyu na mahimbing na natutulog at balot na balot pa ng kumot. Nagpabalik-balik yung tingin ko sa kama ni Joshua at Seungcheol na nasa magkabilang dulo ng kwarto at parehas nasa tabi ng bintana. Iniisip ko kung saan sa dalawang kama ako matutulog.

Napatili ako nang biglang kumulog ng malakas kaya napatakip naman ako ng bibig ko. Tangina, nagliwanag sandali yung kwarto dahil sa lakas ng kidlat. Ayokong matulog sa tabi ng bintana !

' V-Vanilla ? '

Napatingin ako kay Mingyu na ngayon ay nakaupo na pala sa kama nya at nagtatakang nakatingin sakin.

' A-Ah hehe . . . ano kasi . . . '

Putspa anong sasabihin ko ? Na natatakot akong matulog mag-isa ? Baka mamaya tawanan pa ako nito.

' Natatakot kang matulog mag-isa no ? '- nakangising tanong nya sakin kaya wala na akong nagawa kundi tumango.

Pumikit ako at hinanda yung sarili ko sa pang-aasar nya pero imbis na yung malakas na tawa nya ay yung malumanay na boses nya ang marinig ko.

' Halika dito '

Nagulat ako sa sinabi nya. Buong akala ko ay tatawanan nya ako pero hindi pala. Pinalapit nya ako sa pwesto nya bago sya umusod sa kabilang side ng kama, giving me a lot of space para higaan.

' T-Teka, baka hindi ka komportable na magkatabi tayo . . . '- nahihiyang sabi ko sa kanya.

' Hindi ba ako dapat ang nagtatanong sayo nyan ? Tsaka mas komportable nga ako kung malapit ka sakin e. Alam ko kasing safe ka '- sabi nya.

Naramdaman kong nag-init yung pisngi ko. Kahit kailan talaga hindi pumalya ang negrong to na pakiligin ako.

Biglang kumulog ulit ng malakas kaya agad naman akong umakyat sa kama at nagtalukbong ng kumot. Sandali kaming natahimik parehas pero nang tingnan ko sya ay hindi pa naman sya tulog.

' Mingyu . . . '

Tumingin sya sakin at ngumiti. Bakit ba kailangan pa nyang ngumiti ? Respeto naman sa puso kong kanina pa nagwawala dito.

' Hmm ? Di ka pa ba matutulog ? '- mahinang tanong nya sakin.

' M-May itatanong lang ako . . . '- medyo nagdadalawang isip na sabi ko. Kanina ko pa gustong sabihin to habang kumakain kami kaso masyado akong nahihiya.

Umayos sya ng pwesto at humarap sakin na para bang interesadong interesado sya sa itatanong ko. Kahit madilim ay kitang-kita ko parin ang mga magagandang mata nya na nakatitig sakin.

' G-Gusto mo parin ba talaga akong ligawan ? '- nahihiyang tanong ko.

Nagulat ako kasi bigla syang natawa. May nakakatawa ba sa sinabi ko ? May sakit na ata to sa utak.

' Ang kulit mo no ? Oo nga sabi. Bakit ba parang di ka mapakali ? '- natatawang tanong nya sakin.

Napakamot ako ng ulo ko.

' Ewan ko ba. Ganito narin ako dati pa kay Seungcheol. Lagi ko syang kinukulit at tinatanong kung sigurado talaga sya na ligawan ako. Pakiramdam ko kasi, hindi ako worth it. Masyado akong . . . sira ? I have too many flaws. I think I'm not deserving enough para sa pagmamahal mo '- sabi ko bago umiwas ng tingin.

Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang mga kamay ni Mingyu na umakyat papunta sa mukha ko.

' Bakit ba ang cute mo padin kahit lagi mong dina-down ang sarili mo ? '- natatawang sabi nya bago pinisil yung pisngi ko na wala man lang kalaman-laman dahil sa kapayatan ko.

' Walang taong perpekto Vanilla. Yung mga pagkakamali sayo ? Pwede mo namang baguhin yan o kaya tanggapin nalang. Pero in my case, hindi ako nagrereklamo about them. Your flaws are perfect. It makes you more 'you'. Dahil sa mga yan, ikaw si Vanilla Chou. Ikaw yung taong gusto ko '- seryosong sabi ni Mingyu.

Natulala ako sa kanya. Hindi ako makapaniwala sa lahat ng sinabi nya.

Lord bakit ganito ? Pagkain lang naman ang hinihingi ko pero bakit buong buffet ang binigay nyo ? Ano bang kabaitan ang nagawa ko para pagpalain ako ng sobra ?

Kim Mingyu is just too good to be true. Ibibigay nyo ba talaga sya sakin ?

' Stop sulking. Mas gusto ko pang sungitan mo nalang ako maghapon kesa makita kang malungkot '- sabi nya bago ako pinitik sa noo.

Dahil sa pinaghalong hiya at kilig na nararamdaman ko ay tinakpan ko yung mukha ko gamit ang unan. Ano bang ginagawa sakin ng lalaking to ? Nababaliw na ata ako.

' K-Kaya mo bang maghintay ? '- tanong ko. My voice sounds muffled, obviously dahil sa unan.

' I'm willing to wait kahit gaano pa katagal yan Vanilla. You're worth it anyway. Mahalin mo muna ang sarili mo bago ako '- sabi nya kaya napangiti ako.

Dahan-dahan kong tinanggal yung unan na nakatakip sa mukha ko para tingnan sya. There I saw him, still staring dreamily at me.

Ang ganda talaga ng mga mata nya. I think I just found my new favorite color.

' Pero sige, ipakita mo lang sakin yung mga bagay na hindi mo gusto sa sarili mo para alam ko kung saan ako mag-uumpisang gustuhin ka '- sabi nya tapos marahan nyang sinuklay ng paulit-ulit yung buhok ko gamit ang kamay nya.

Ang sarap sa pakiramdam. Ang gaan ng kamay nya. Hindi ako magsasawa kung ganito kaming dalawa palagi.

Naramdaman kong medyo bumibigat na yung mga mata ko. Idagdag mo pa yung pagbuhos ng ulan at yung lamig ng aircon kaya nakaka-antok talaga.

' Diba sabi mo sakin noon nagsusulat ka ng tula ? Parinig naman ng isa. I'm sure maganda yan '- rinig kong sabi nya bago ako tuluyang pumikit.

Natawa ako ng mahina bago sumagot.

' You're already a masterpiece Mingyu. None of my written works can be compared to you '

VANILLA / mingyuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon