014

3.2K 174 16
                                    

VANILLA CHOU's

Nakakapagtaka dahil tahimik lang kaming anim habang kumakain. Pero ayos na rin siguro to, hindi naman ata magandang tignan kung nagaaway kami sa hapag kainan.

Pwesto namin? Nasa harap ko si Mingyu at nasa magkabilang side niya si Mina at Joshua. Napapagitnaan naman ako ni Seungcheol at Nayeon.

Naramdaman kong may sumipa sa paa ko kaya tumingin ako sa kanilang lahat habang masama ang tingin. Napako naman ang tingin ko kay Mingyu na sumesenyas sa akin na tumingin daw sa gilid ko.

Nag-chat lang kami ng isang beses feeling naman nito close na kami.

Pero dahil curious ako sa kung ano ang tinuturo niya, tumingin ako sa gilid ko.

Nakita ko si Seungcheol na nakatitig sa akin pero agad din naman siyang umiwas nang magtama ang paningin namin.

Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy na lang sa pagkain. In fairness, masarap naman pala talagang magluto si Mingyu.

Napatingin ulit ako kay Mingyu at ngumiti naman siya ng nakakaloko sa akin. Confirmed, may sakit nga ata talaga sa utak ang isang 'to.

Matapos kaming kumain, as expected nagtalo na naman kami kung sino ang maghuhugas ng mga pinggan.

Dahil parang bigla akong nawala sa mood na makipagsagutan, hinugasan ko na lang ang sarili kong pinagkainan bago bumalik sa kwarto naming mga babae. Pakialam ko naman sa kanila?

Isang araw pa lang kaming magkakasama dito pero pakiramdam ko sobrang tagal na agad. Hay.

VANILLA / mingyuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon