060

2.2K 127 62
                                    

Nayeon's POV

' Ano yung mga dahon dun ? Marunong ba talaga kayong mag-walis ? '- sabi samin ni Draco na nakaupo lang sa isang gilid at kumakain ng chichirya habang pinapanood kaming maglinis.

Assistant secretary sya ng Student Council at sya ata ang naka-assign na magbantay sa amin ngayon. Ayos lang naman, at least may pakinabang sya. Ngayon ko nga lang nakita to e.

Ngayon na ang simula ng community service ni Vanilla. Since hindi na nga inurong ng dean ang parusa at masyado kaming mabait para ipasa to kay Bona, kaming anim nalang ang gagawa.

' Oh sige ikaw na mag-walis tutal mas marunong ka naman ata '- rinig kong bulong ni Seungcheol kaya agad ko syang siniko.

Gago ba to ? Gusto pa atang madagdagan yung parusa ni Vanilla.

Pinigilan ko yung tawa ko kasi naalala ko kung gaano sya katakot kahapon sa ipis tapos ngayon naman ang sungit-sungit AHAHAHA.

' May sinasabi ba yang kaibigan mo Nayeonnie ? '- tanong sakin ni Draco kaya agad-agad naman akong umiling at ngumiti.

' Aba at talagang nakuha ka pang landiin ?! '- gigil na sabi ni Seungcheol kaya marahan ko syang hinampas ng dustpan sa may tagiliran.

' Hayaan mo na nga. Bat ba ang init ng ulo mo ? '- tanong ko sa kanya.

' Wala. Maupo ka na nga lang doon at ako na muna ang magpapatuloy dito '- sabi nya sakin sabay agaw nung dustpan.

Sinunod ko naman sya kasi sa totoo lang, pagod na pagod na ako. Hindi talaga ako sanay na nakabilad sa araw ng matagal. Feeling ko anytime mahihimatay ako.

Pinagmasdan ko si Mingyu at Vanilla na magkatulong na nililinis yung fountain. Pero kung titingnan mong mabuti, naglalandian lang sila. Hay nako.

Si Mina at Joshua naman ay nagdidilig ng mga halaman at nag-aayos ng mga flower pots. Nakita ko pang gumawa si Joshua ng bracelet na santan at binigay yun kay Mina.

Hay nako. Kami lang ba talaga ni Seungcheol ang matino dito ?

Gusto ko nang matapos to. Pero sabagay, ayos lang din naman na magtagal kami kasi excused naman kami sa klase.

Nagulat ako nang maramdaman kong may malamig na dumampi sa pisngi ko. Pagtingin ko ay mineral water pala yun na hawak-hawak ni Seungcheol.

' Inumin mo muna to. Namumutla ka na '- sabi nya sakin.

' Salamat. Bakit ang bait mo yata ngayon ? '- tanong ko sa kanya pagkatapos kong abutin yon.

Ngumiti lang sya sakin at nagpatuloy na sa pagwawalis. Maya-maya pa ay tumayo na ulit ako para tulungan sya. Malapit na rin naman kaming matapos.

' Oh bat nyo nililinis tong garden ? '- tanong samin ni Yna na mukhang napadaan lang. Nakasuot pa sya ng salamin at may bitbit na sandamakmak na papel.

' Sabi ni Draco ito daw yung ni-assign samin ng dean '- sagot sa kanya ni Joshua.

' Sinong Draco ? '- nagtatakang tanong ni Yna.

' Duh ? Assistant secretary mo hindi mo kilala ? '- sabi ko sa kanya. Ang tanga naman nito.

Tinaasan lang kami ng kilay ni Yna. Mukhang naguguluhan sya and at the same time ay natatawa. In short, mukha syang tanga.

' Yung cafeteria ang naka-assign sa inyo. Atsaka wala akong assistant secretary '- sabi nya sabay alis.

Nagkatinginan kaming anim bago sabay-sabay na napatingin sa bench kung saan nakaupo si Draco kani-kanina lang.

Putangina nasaan yon ?!

--

Hi dracocc

VANILLA / mingyuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon