046

1.8K 128 42
                                    

Vanilla's POV

' Ano to ? '- galit na bungad ng dean habang may inaabot sakin na papel.

Nanlaki ang mata ko habang binabasa ang mga nakasulat dun sa papel na inabot sakin ng dean.

A-Answer key nung math competition ?

' I'm so disappointed in you Ms. Chou. Isa ka pa naman sa mga pinakamatalino sa school na ito. You're one of the school's pride. Pero hindi ko alam na ganyan ka pala kababa para mandaya pa sa isang school-based competition '- sabi nya.

Naramdaman kong bumilis yung tibok ng puso ko at pinagpawisan ako bigla.

' H-Hindi po sakin to '- mabilis na sagot ko bago nilapag sa harap nya yung papel.

' One of the students reported na nakita daw nya itong nalaglag mula sa locker mo. Care to explain that Ms. Chou ? '- madiin na sabi ng dean.

Putangina.

Ang dami kong gustong sabihin pero hindi ako makapagsalita. Asan ang ebidensya nila ? Asan yung estudyanteng sinasabi nila na nakitang nahulog yun sa locker ko ?

' Eh hindi nga po kasi sakin yan '- sabi ko.

' I'm giving you a chance to tell the truth. Paano mo nakuha tong answer key ? You could tell me your accomplice para mas gumaan ang parusa mo. Sino sa math club ang nagbigay sayo nito ? '- seryosong sabi sakin ng dean.

Aba putangina ? Bakit ba gumagawa sya ng kwento e wala naman syang sapat na proof ?

Hindi ako sumagot at kinuyom nalang yung palad ko.

' I could expell you right now Vanilla. Alam mong major offense ang cheating. Pero since first time mo palang naman, kailangan mong mag-community service for a week at tatanggalan na din kita ng posisyon sa klase nyo. As for your medal, akin na yan .. '

Wala na akong nagawa. Mukhang desidido na sya.

Nanginginig kong inabot sa kanya yung medal na lukot-lukot na yung lace dahil sa mahigpit na pagkakahawak ko.

' Ms. Myoui deserves this award more. Since second place naman sya, sa kanya ko na to ibibigay. You may go '

In an instant, biglang kumulo ang dugo ko. Dali-dali akong lumabas ng office habang mainit ang ulo.

Nadatnan ko sila Mingyu sa labas at nakaupo na para bang hinihintay ako. Lumapit sya sakin para yata itanong kung anong nangyari sa loob pero hindi ko sya pinansin.

Instead, kay Mina ako lumapit.

' V-Vanilla ? A-Anongㅡ '

Sinampal ko sya.

' Shit naman Mina ! Ganito ka ba talaga kababa ?! Pinlano mo to e. Pinlano mo to lahat ! Ikaw yung naglagay ng answer key sa locker ko at sinadya mo pang matalo sakin kanina sa competition ! Para saan Mina ? Para saan ?! '- galit na sabi ko.

Agad-agad na lumapit sa likod ko si Mingyu at Nayeon tapos sa likod naman ni Mina si Seungcheol at Joshua.

Napayuko lang si Mina at umiyak.

Nanginginig ako. Naramdaman ko ding malapit nang tumulo yung mga luha sa mata ko.

' Alam mo ? Kagabi pa ako nagdadalawang isip kung makikipag-ayos na ako sayo o hindi e. Pero sa nangyari ngayon ? Mas lalo mo lang akong binigyan ng dahilan para ipagpatuloy tong away sa pagitan natin '- sabi ko.

Hindi sya nagsalita at nagpatuloy lang sa pag-iyak. Marahas kong tinanggal yung pagkakahawak sakin ni Mingyu at Nayeon bago ako naglakad palayo.

Nang makasigurado akong hindi na nila ako nakikita ay saka lang ako umiyak.

Tanginang buhay to.

VANILLA / mingyuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon