Pwede bang sumayaw nalang ng Heart Shaker sa defense hehehehe jusq help
--
Mina's POV
' Mina buksan mo tong pinto '
Gulat akong napadilat sabay tanggal nung suot kong eyemask. Nananaginip ba ako o boses talaga yun ni Mingyu ?
Napatingin naman ako sa wall clock na nakasabit sa dingding ko. 4 o'clock palang ng umaga. Bat naman sya pupunta dito ng ganitong kaaga ?
Sinuot ko ulit yung eye mask ko at matutulog na sana ulit kaso nakarinig na naman ako ng isang boses.
' Mina pagbuksan mo kami please '
Napabangon ako bigla nang marinig yung boses ni Seungcheol. Puta akala ko nananaginip lang ako. Agad akong bumangon at sinuot yung tsinelas ko bago tumakbo papunta sa pinto.
Bumungad sakin si Vanilla, Mingyu, Seungcheol at Nayeon na malungkot na nakatingin sakin. Nagtataka ko silang tiningnan.
' Anong meron ? '- naguguluhang tanong ko.
Lumapit sakin si Nayeon at hinawakan ako sa magkabilang balikat.
' Mina aalis na si Joshua ng bansa kaya kailangan mo syang pigilan '- sabi nya.
Aalis ? Si Joshua ?
Nabalik yung tingin ko kila Seungcheol. Marahan lang silang tumango. Sandali kaming natahimik pero agad din naman akong nagsalita nang mag-sink in sakin yung sinabi ni Nayeon.
' Ang OA nyo. Baka naman magbabakasyon lang yung tao '- kalmadong sabi ko sa kanila kahit na deep inside ay kinakabahan na din ako.
' Yan din ang akala namin pero permanente na pala talaga syang titira sa LA '- sabi ni Vanilla.
' A-Ano ? '- hindi makapaniwalang tanong ko.
Akala ko nagbibiro lang sila kaso nagsimulang umiyak si Vanilla na pinakalma naman ni Mingyu. Si Seungcheol at Nayeon naman ay malungkot lang na nakatingin sakin.
Bakit parang biglaan naman ?
' May oras ka pang pigilan sya Mina. 5:30 am pa ang flight nya '- sabi sakin ni Seungcheol.
Napatingin ako sa oras ng cellphone ko at nakita kong malapit nang mag 4:30. Mabilis akong pumasok ng bahay para magsuot ng jacket at kuhanin yung wallet ko. Nakasuot pa ako ng pantulog pero wala akong pakialam.
Kailangan kong makita si Joshua.
Pagkalabas ko ay agad naman kaming sumakay dun sa taxi na nirentahan yata nila. Hinayaan nila akong maupo sa passenger seat habang silang apat naman ay nagsisikan sa likod.
Buong biyahe ay hindi ako mapakali. May kalayuan din kasi dito yung airport. Idagdag mo pa na kahit madaling araw palang ay traffic na sa dinaanan namin. Holiday season kasi at maraming magbabakasyon.
Napatingin ako sa relo ko. Malapit nang mag-5 am. Sobrang daming tanong sa isip ko. Bakit kailangan nyang umalis ? Bakit hindi man lang sya nagpaalam ? Joshua, maabutan pa naman kita diba ?
Nang tumigil yung taxi ay handa na sana akong tumakbo papasok sa airport kaso lumingon muna ako kila Vanilla.
' Guys .. '
' Sige Mina, hanapin mo na si Joshua. Wag mo na kaming isipin. Dito lang kami '- sabi ni Mingyu.
Ngumiti naman ako sa kanila bago tuluyang pumasok ng airport.
Nagpalinga-linga ako sa paligid but still, no sign of Joshua. Nagtanong na din ako sa mga tao kaso ang hirap i-explain dahil hindi ko alam kung anong suot nya.

BINABASA MO ANG
VANILLA / mingyu
FanfictionIn which the presidents from six different sections are caught between a clash and since all of them acts so competitive, expect this fight to not end so soon V A N I L L A ㅡTzuGyu Epistolary © 2017 SALTYPASTRY