NAYEON's
"Baka matunaw" sabi ko kay Seungcheol.
Nakatingin kasi siya kay Mingyu at Vanilla na naglalaro doon sa claw machine. May nakuha nga silang stuffed toy e. Mga ilang tokens kaya amg nagastos nila? Palibhasa mayayaman.
Hindi ako pinansin ni Seungcheol at nagpatuloy lang sa paglalaro habang nakatingin pa rin sa kanila. Parang gago lang 'no? Naka-high score siya nang hindi man lang tinitignan ang ginagawa niya.
Hindi ko alam kung anong tawag dito sa nilalaro niya e. Basta may hinahampas na kung ano-ano. 'Yung biglang may magpa-pop up tapos kailangan mong hampasin.
"Aray!" sabi niya nang kamay na niya pala ang nahampas niya.
See? Kung hindi ba naman kasi 'to isa't-kalahating tanga.
"Tsk. Patingin nga" sabi ko sabay hablot sa kamay niya.
Namumula. Kadalasan kasi malambot lang ang pinanghahampas doon sa larong 'yon tama? 'Yung dito kasi medyo mabigat.
"Pakibitawan na ang kamay ko at baka ma-in love ka pa" sabi ni Seungcheol.
Nginitian ko naman siya ng pilit bago pinisil nang mariin ang kamay niya. Ayon, nagtatalon sa sakit si gago. Haha.
"Bakit kasi d'yan mo pa nilalabas ang selos mo? Pwede ka namang mag-sorry kay Vanilla at sabihing gusto mong makipagbalikan. Tapos halikan mo, hindi na papalag 'yon" sabi ko.
"Sa tingin mo ba ganoon lang kadali 'yon? Masakit kayang manampal 'yan. Ayokong mabangasan na naman ang gwapo kong mukha" sabi niya.
Napailing na lang ako dahil sa kahanginan ng isang 'to.
Hindi ko din alam kung bakit parang ang gaan ng loob ko kay Seungcheol. Pero ayos na din siguro 'to, at least may nakakausap ako kahit papaano. Kung puro away lang sila sa dorm baka mabaliw ako.
Distraction na din siguro? Para hindi ko buksan ang gc ng Class 4E. Malamang kung ano-ano na namang pinagsasabi nila doon tapos iiyak na naman ako kapag nabasa ko.
"Putangina"
Nanlaki ang mata ko nang makitang susugod na sana si Seungcheol kay Mingyu kaya agad ko naman siyang pinigilan.
"Gago ka ba? Huwag kang gumawa ng eksena dito" sabi ko sa kanya.
"Puta bakit mo ako pinigilan?! Hinawakan niya ang kamay ni Vanilla tapos tinakbo siya palayo!" galit na sabi niya.
Ewan ko pero bigla akong natawa sa itsura ni Seungcheol ngayon. Isipin mo naman kasi, ang sobrang strict na presidente ng 4D at sobrang seryosong team captain ng varsity ay ganito pala magselos?
"Anong nakakatawa tangina ka" sabi niya sabay batok sa akin. Ginantihan ko naman siya.
"Wala! Ano ba kasi talagang nangyari sa inyo ni Vanilla?" tanong ko.
Sumandal si Seungcheol sa isa sa mga arcade games doon at napahalukipkip.
"May nangyari . . ." mahinang sabi niya.
Tinaasan ko siya ng kilay. Gaguhan ba?
"Basta. Kasalanan ko rin naman e" sabi pa niya.
"Kasalanan mo naman pala e bakit ka nag-iinarte d'yan" pabalang na sagot ko.
"Hindi naman totally kasalanan ko pero parang kasalanan ko nga talaga. Puta ang gulo. Basta 'yon!" frustrated na sabi nya.
"Sa susunod ko na lang sasabihin sa'yo" sabi niya tapos naglakad na papunta sa exit ng Timezone kaya wala akong nagawa kundi sumunod na lang.
Choi Seungcheol, why do I find you so fascinating?
BINABASA MO ANG
VANILLA / mingyu
FanfictionIn which the presidents from six different sections are caught between a clash and since all of them acts so competitive, expect this fight to not end so soon V A N I L L A ㅡTzuGyu Epistolary © 2017 SALTYPASTRY