062

2K 147 184
                                    

Nayeon's POV

Napatingin ako sa wall clock ng classroom ng 4E at nakita kong isang oras nalang ay mag-uumpisa na yung practice match nila Seungcheol.

Sunod akong napatingin sa classroom namin na sobrang kalat. Hindi ko pwedeng i-lock to ng madumi. Lagot ako sa adviser namin.

' Sorry talaga Pres ha ? Alam mo namang may practice game kami kaya hindi kami makakapaglinis '- nang-aasar na sabi sakin ni Minghao sabay hagis sa lapag nung ininuman nyang juice box.

' Oo nga. Tutal sobrang palaban ka namang maging president, try mo na din maging janitress. Bagay naman sayo e '- sabi ni Jeonghan tapos sinadya nyang itapon yung laman ng tubigan nya sa sahig.

Napapikit nalang ako habang pinipigilan yung galit ko. Ayokong mag-eskandalo dito pero pinupuno na nila yung pasensya ko.

' Paiyak na sya oh AHAHAHA. Grabe kayo '- rinig kong sabi ni Wonwoo.

Hindi ko nalang sila pinansin at kumuha nalang ako ng walis para walisin yung mga kalat. Mabilis ko namang pinunasan yung luha na tumulo sa mata ko.

Kahit kailan talaga napakahina ko.

' Kung manggagago lang din naman pala kayo, bakit hindi sa ka-level nyo ? Mga duwag '

Boses yun ni Mingyu.

Napalingon ako sa may pinto at nakita ko silang lahat pwera kay Seungcheol na nakatayo doon habang ang sama-sama ng tingin sa grupo nila Jeonghan.

' At talagang sa babae pa kayo pumapatol ha ? Ano kaya ang magiging reaksyon ng buong school kung malalaman nila na yung pinipilahan at tinitilian nilang mga heartthrob kuno ay ganito pala ang trato sa mga babae ? '- sabi ni Vanilla.

Walang nasabi yung mga kaklase ko. Kinuha lang nila yung mga gamit nila at dali-daling naghandang lumabas ng classroom.

' Jerks. Pinapatawag na kayo sa gym. At asahan nyong makakarating sa captain nyo lahat ng pinaggagagawa nyo '- sabi ni Mina.

Nang makaalis na sila Jeonghan ay agad naman akong nilapitan nila Vanilla. Ako naman ay tuluyan nang napaiyak. Bakit ba hindi ko magawang ipagtanggol man lang yung sarili ko kahit minsan lang ?

' Lagi ka ba nilang ginaganito ? '- tanong sakin ni Joshua habang kumukuha na din ng walis para tulungan ako.

Tumango lang ako. Naramdaman ko namang hinagod ni Mina yung likod ko.

' Hindi ka naman nila sinasaktan physically ? '- tanong sakin ni Vanilla habang inaayos yung mga upuan.

' S-Sana nga yun nalang ang gawin nila sakin. Kasi ilang araw lang naman mawawala rin yung mga sugat at latay. P-Pero yung masasakit na sinasabi nila sakin, dadalhin ko yun nang matagal '- umiiyak na sabi ko.

Agad naman silang lumapit sakin para yakapin ako.

Nakakairita. Hindi ko dapat sila iniiyakan pero hindi ko mapigilan yung sarili ko. Masyado akong mahina.

' Bwisit yung mga lalaking yon. Sayang gwapo pa naman '- sabi ni Mina.

' Alin doon ? '- tanong ni Joshua.

' Yung Jeonghan ba yon ? Basta yon '- sagot ni Mina bago nagpatuloy sa pagwawalis.

' Tss. Parehas din naman kaming J non '- sabi ni Joshua.

Nagpunas ako ng luha bago bumalik sa paglilinis. Tinanong pa ako ni Vanilla kung ayos na ba ako at ngumiti lang ako bilang tugon.

' Paparating dito si Seungcheol hyung '- sabi ni Mingyu na galing sa labas kasi tinapon ata nya yung laman ng dustpan.

' H-Ha ? Shet teka lang '- natatarantang sabi ko bago ko pinunasan yung mukha ko. Silang apat naman ay takang-taka na nakatingin sakin.

' Ayos na ba ? Hindi na ba halatang umiyak ako ? Hindi pwedeng malaman ni Seungcheol nㅡ '

Napatigil ako sa pagsasalita nang biglang pumasok ng classroom si Seungcheol.

' Oh bat nandito pa kayo ? Malapit na mag-umpisa yung practice match. May pina-reserve na akong pwesto dun para sa inyo '- sabi nya.

Nagkatinginan lang kaming lima. Nagsisikuhan pa sila kung sino ang magsasalita.

' A-Ano susunod nalang kami doon '- sabi ni Joshua.

' Oo nga. Tutulungan pa kasi namin si Nayeon na maglinis '- sabi ni Vanilla.

Napapigil ako ng hininga nang biglang lumapit sakin si Seungcheol. Mas nagulat ako nang hawakan nya yung baba ko at inangat para mas makita nya yung mukha ko.

' Umiyak ka ba ? '- tanong nya sakin.

Nanlaki yung mata ko. Laking pasasalamat ko nalang talaga at bigla akong inakbayan ni Mina kaya naalis yung pagkakahawak sakin ni Seungcheol.

' Actually, papunta na talaga kami sa gym e. Tara na guys. I-lock na natin tong room ng 4E '- sabi ni Mina habang nakangiti ng pilit.

Palihim akong inabutan ni Joshua ng panyo habang dini-distract si Seungcheol palabas. Napangiti nalang ako habang pinupunasan yung luha ko. Mapapagkatiwalaan naman pala sila.

Sinubukan kong gawing cheerful yung aura ko habang naglalakad kaming lahat papunta sa gym kasi nasanay naman silang ganun ako. Huwag lang sanang makahalata si Seungcheol na nagpapanggap lang ako.

Ayoko kasing problemahin pa nya ako. Kahit practice game lang to, alam kong malaking bagay parin sa kanya to bilang team captain. Ayokong ma-distract sya.

' Wala man lang goodluck ? '- tanong nya nang makarating na kami sa gym. Ang daming tao. Parang totoong match na tuloy to at hindi isang practice game lang.

' Goodluck '- sabi ko kahit na alam kong hindi na nya yun kailangan kasi magaling naman talaga sya.

' Goodluck hyung ! Woooh ! '- sabi ni Mingyu habang may hawak pang karatula. Natawa naman si Seungcheol bago sya magpaalam samin.

' Oo nga pala Gyu, bat hindi ka kasali dyan ? '- tanong ni Vanilla kay Mingyu.

' Ang sakit ng katawan ko e. Hello ? Ikaw ba naman ang pagbuhatin ng sandamakmak na kahon kahapon habang naglilinis tayo ng conference room '- sabi nya.

Halos hindi ko na marinig yung pinag-uusapan nila kasi buong laro ay nakatingin lang ako kay Seungcheol. Sinusubukan kong gawing mukhang masaya yung itsura ko sa tuwing mapapatingin sya sa gawi namin para hindi sya maghinala.

Gaya ng sinabi ko, ayokong problemahin pa nya ako. Hindi nya naman kasi ako obligasyon. Ayokong maging pabigat.

Ang dami kong naririnig na nagtitilian at nagsisigawan pero mas nabibingi ako sa mga iniisip koㅡ lahat ng mga taong hindi nagtitiwala sa kakayanan ko, lahat ng mga taong minamaliit ako at lahat ng mga taong sinaktan ako.

Yumuko ako at pinunasan yung luhang kumawala sa mata ko. Napaka-wrong timing. Dapat ay sumisigaw ako ngayon habang may hawak na banner para suportahan si Seungcheol pero eto ako ngayon at umiiyak.

Hindi na ako nagpaalam kila Vanilla at basta-basta nalang akong umalis doon ng walang paalam. Mukhang hindi rin naman nila napansin, sakto kasing natapos yung oras at nagsigawan ulit ang mga tao doon.

Malamang naka-score na naman ang team nila Seungcheol. Napangiti nalang ako habang umiiyak parin bago ako tuluyanng tumakbo papunta sa dorm namin. Nagpunta ako sa kwarto namin at saktong pagkahiga ko sa kama ko ay sunod-sunod na namang naglabasan yung mga luha ko.

Buong hapon lang akong umiyak doon habang walang nakakakita sakin gaya ng lagi kong ginagawa.

Hindi ba sila nagtataka kung bakit madalas akong magpaiwan dito ?

--

Happy birthday Joshua ! Sana maka-move on ka na sakin kasi masaya na kami ni Jeonghan :--)

VANILLA / mingyuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon