027

3K 161 103
                                    

VANILLA's

"These heels are killing me" rinig kong sabi ni Mina habang naglalakad kami.

Nandito na kami ngayon sa mall habang naglalakad papunta sa kung saan man. Huwag niyo nang itanong kung ano ang mga nangyari bago kami makapunta dito at naiirita lang ako.

Sobrang bagal maligo ni Mingyu. Malay ko ba kung anong kababalaghan ang ginagawa niya sa banyo.

"Pa-heels heels pa kasi e palibhasa pandak" sabi ko kay Mina na kanina pa nagrereklamo dahil daw ang sakit na ng paa niya.

"Excuse me?"

"Daan. Gusto mo itulak pa kita?" sabi ko habang nakangiti.

"Woah chill lang kayo mga bebe quoh" saabi ni Mingyu sabay akbay sa aming dalawa ni Mina.

Tinanggal ni Mina ng marahas ang braso ni Mingyu sa balikat niya. Sadista naman nito. Pero sabagay, ang feeling close naman kasi ng pating na 'yon.

"Kaya tayo nandito ay para magkaayos naman kayong lahat kahit papaano" sabi ni Mingyu.

Napabuntong hininga na lang ako. As if.

"You're being delusional again Kim Mingyu" sabat sa amin ni Joshua.

"Hindi ko naintindihan kung ano ang sinabi mo pero syempre bago ang lahat, kumain muna tayo. Saan niyo gusto?" tanong samin ni Mingyu.

"Mc Donalds tayo" sabi ko.

"Corny. Greenwich na lang" sabi ni Joshua.

"Bahala kayo basta ako KFC" sabi ni Mina.

"Wendy's!" sabi ni Nayeon.

"Shakey's na lang gago" sabi ni Seungcheol.

"Putangina pati kakainan pag-aawayan niyo mga tanga? Jollibee tayo!" sabi ni Mingyu at nagsimula na siyang maglakad papunta sa Jollibee. Wala na kaming nagawa kundi sumunod na lang.

And that's how I end up ordering burger and sundae for lunch.

Teka, bakit parang may nalimutan ako?

Napatingin ako kay Mingyu na kumakain sa tabi ko at nakitang may hawak siyang large fries. Bwisit, fries pala. Bakit sa lahat ng makakalimutan ko 'yon pa?

Napansin naman niyang nakatingin ako sa hawak niya kaya inalok niya ako. Wala ng hiya hiya 'to.

Kumuha ako ng isa tapos sinawsaw ko 'yon sa sundae ko at kinain. Weird man pero paborito ko 'to. Mukhang nagulat naman si Mingyu dahil sa ginawa ko.

"Masarap?" takang tanong niya.

Tumango naman ako at inalok ang sundae ko para ma-try niya. Sinubukan naman niya at sinabing masarap nga daw.

Nakita ko namang nanghingi din si Mina ng fries kay Joshua. Nakalimutan niya din atang bumili kaya gaya naming dalawa ni Mingyu ay naghati na lang sila.

Napangisi ako nang mapansin ko kung paano tumitig si Joshua kay Mina habang kumakain. Sa dami ng nangyari naming apat, mukhang may isang hindi nagbago.

Si Seungcheol at Nayeon naman ay nagtatakang nakatingin lang sa aming lahat. Malamang nagtataka si Seungcheol kung bakit parang magkakasundo kami at nagtataka naman si Nayeon kung masarap ba 'yung sinawsaw na fries sa sundae.

Sa huli ay ginaya na lang din nila kami. At sa sandaling 'yon, masasabi kong parang bumalik kami sa dati (plus Nayeon and Mingyu). Wala man lang nag-aaway at wala man lang nagsasagutan. Basta nage-enjoy lang kami sa pagkain.

Paborito kasi naming apat 'to. Minsan nga nilalagyan pa namin ng fries 'yung loob ng burger.

Ang panandaliang katahimikan naming lahat ay nawala matapos naming maubos ang kanya-kanya naming pagkain.

"Hoy tahong, inubos mo ang sundae ko!"

"Ikaw nga d'yan ang grabe makahingi ng fries!"

"Puta naman Nayeon mas madami ka pang nakain sa akin?"

"Excuse you, halos ikaw din ang umubos ng sundae ko!"

Hay. Hindi ko rin alam kung paano ko natitiis na makasama sa iisang bubong ang mga 'to.

Humarap ako kay Mingyu, who seem to be the sanest person among them all.

"Ikaw naman Mingyuㅡ"

"Ano na naman ? Konti lang naman hiningi kong sundae ah" kinakabahang sabi niya.

Bakit ba ang OA ng mga tao ngayon?

"Magte-thank you lang ako sa fries tanga defensive ka masyado" sabi ko sabay hampas ng mahina sa braso niya.

Nagulat na lang ako kasi bigla niya akong inakbayan.

"Napasarap ka naman? May amos ka pa" sabi niya sabay punas ng tissue sa gilid ng labi ko.

Nanlaki ang mata ko. Ano 'to? Close na ba kami? Bakit ang touchy masyado ng Mingew na 'to?

Nakarinig kami ng binagsak na kutsara't tinidor kaya napatingin kami sa gawi ni Seungcheol.

"Tara na" sabi niya bago sya naunang lumabas ng Jollibee.

Okay?

VANILLA / mingyuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon