Choi Seungcheol
• Active Now7:23PM
Seungcheol: Mina
Seungcheol: Bakit ka ba ganyan?
Seungcheol: Akala ko ba magkakampi tayo?
Seungcheol: Bakit pati ako sinusungitan mo?
Mina: . . .
Mina: Tsk stupid
Mina: Sa tingin mo ba magkakaayos kayo ni Vanilla kung aakto pa rin tayong close?
Seungcheol: Maka-stupid naman 'to
Seungcheol: Pero sabagay tama ka naman
Mina: Baka mamaya sampalin na naman ako ng babaeng 'yon ha
Mina: Ang sakit kaya
Seungcheol: Wala ka bang balak makipag-ayos sa kanya?
Mina: Pagkatapos niya akong tawaging malandi dati?
Mina: No way haha
Seungcheol: Pero mag bestfriend kayo
Mina: Ex bestfriend
Mina: Tutal mukhang wala naman siyang tiwala sakin, what's the use of keeping her around?
Seungcheol: Mina kilala kita
Seungcheol: Mukha ka mang maarte at prangka ay ikaw naman ang pinakamadaling magpatawad sa ating apat
Mina: Hindi ibig sabihin noon na palagi na lang ako ang mag-aadjust
Seungcheol: Kilala mo ang best friend mo, she can be paranoid sometimes
Seungcheol: Alam mo namang masyadong marupok 'yon at mahilig mag-jump into conclusions
Mina: Hindi ko kasalanan kung wala talaga siyang tiwala sa'yo pati na rin sa akin
Mina: Sa ginawa niyang 'yon, imbis na tayong tatlo ang magkakampi laban kay Joshua ay tuluyan naman niyang sinira ang pagkakaibigan natin
7:39PM
Mina: Ikaw ba Seungcheol, hindi ka man lang ba magagalit sa kanya?
Seungcheol: Hindi ko kaya
Mina: Mahal mo pa nga
Seungcheol: Sobra
Seungcheol: Pero alam mo ba haha
Seungcheol: Sabi niya, kahit ilang buwan pa lang daw ang nakakalipas matapos tayong masirang apat ay sigurado siyang nakalimutan na niya ang nararamdaman niya sa akin
Mina: . . .
Mina: Sinabi niya 'yon? Nakausap mo siya?
Seungcheol: Oo
Seungcheol: Susubukan ko sanang makipag-ayos kaso wala namang nangyari
Mina: Hay
Mina: Look at the infamous Choi Seungcheol getting vulnerable dahil lang sa isang babae
Mina: Kung mababasa lang ng section mo 'tong chat natin ay malamang magugulat sila dahil hindi nila inaasahan na may tinatago palang ganitong side ang kanilang mahigpit na president
Seungcheol: Ganito naman kasi talaga ako
Seungcheol: Defense mechanism kuno ko lang ang pagiging strikto at nakakatakot
Seungcheol: Ikaw din naman ah, sobrang sungit mo sa iba pero deep inside mabait ka
Seungcheol: Why don't we just drop our guards and show the real us? Hindi ba parang mas madali 'yon?
Mina: No
Mina: Sa ganitong paraan, hindi nila tayo basta-basta masasaktan ulit
Seungcheol: Not gonna argue
Mina: . . .
Mina: Pero alam mo Seungcheol, siguro nga masyado tayong naging malapit sa isa't-isa to the point na iisipin na ng mga tao na may namamagitan sa ating dalawa
Mina: Kaya mas mabuti na rin siguro na ipagpatuloy ko ang pagsusungit ko at subukang ilayo ang loob ko sa'yo nang tuluyan
Mina: Kasi kapag malapit ka sa akin ay malapit din ang gulo sa'yo
BINABASA MO ANG
VANILLA / mingyu
Fiksi PenggemarIn which the presidents from six different sections are caught between a clash and since all of them acts so competitive, expect this fight to not end so soon V A N I L L A ㅡTzuGyu Epistolary © 2017 SALTYPASTRY