038

1.9K 131 20
                                    

Joshua Hong
• Active Now

8:06PM

Joshua: Ano 'yung sinasabi ni Vanilla na nang-agaw ka daw ng boyfriend?

Joshua: Mina naman

Joshua: Ano ba kasi talaga ang nangyari sa inyong tatlo?

Mina: Ano namang pakialam mo

Joshua: May pakialam nga sabi ako sa'yo

Joshua: Hindi man lang kita madepensahan kasi hindi ko alam ang side mo

Mina: . . .

Mina: Gabi noon at pauwi ako galing sa mall. Kinabukasan 'yon ng JS Prom kaya gumala na lang ako mag-isa para makalimot kahit papaano sa nangayari

Mina: Naglalakad ako mag-isa and I ran through a couple of guys na lasing. Ayaw nila akong padaanin. Tinatanong din nila ako kung ano bang pangalan ko tsaka kung ano daw ang number ko

Mina: Takot na takot ako noon, seryoso

Joshua: Tangina may nangyari palang ganyan sa'yo tapos wala akong kaalam-alam?

Joshua: Mag-ingat ka naman sa susunod

Mina: . . .

Mina: Nagulat na lang ako nang may lalaking umakbay sa akin. Akala ko isa sa kanila pero nakahinga ako nang maluwag nang makitang si Seungcheol lang pala

Mina: Hindi ko alam kung bakit nandoon siya pero sobrang laki ng pasasalamat ko dahil sa coincidence na 'yon

Mina: Hindi siya nakipagsuntukan doon sa mga lalaki kung 'yon ang iniisip mo. Kinausap niya lang sila nang mahinahon. Sinabi niyang tigilan na daw nila ako kasi nakakabastos na sila

Mina: Tinanong siya noong mga lalaki kung sino daw ba siya at bakit siya nangingialam. Nagulat ako kasi sinabi ni Seungcheol na girlfriend niya daw ako

Mina: Alam ko, sinabi niya lang 'yon para tumigil na sila. Pero ayaw maniwala noong mga lalaki at nagulat ako sa sunod na ginawa ni Seungcheol

Mina: Hinalikan niya ako

Joshua: . . .

Mina: Doon na naniwala 'yung mga lalaki. Nag-sorry sila tapos umalis na

Mina: Akala ko tapos na kaso hindi pa pala. Vanilla saw the kiss. May date pala kasi dapat sila ni Seungcheol noon at malapit lang sa lugar ang meeting place nila

Mina: Sinubukan ni Seungcheol na magpaliwanag pero hindi siya pinakinggan ni Vanilla. Sinugod niya pa ako at sinampal

Joshua: Fuck

Joshua: Vanilla actually did that?

Mina: Masakit 'yung sampal oo, pero mas masakit isipin na wala siyang tiwala sa qkin. Sinabihan pa niya ako na malandi

Mina: Sa totoo lang awang-awa ako kay Seungcheol noong gabing 'yon. Kasi tinulungan lang naman niya ako tapos siya pa 'tong nagmukhang masama

Mina: Kaya minsan naiisip ko na ako ang may kasalanan kung bakit nangyari 'to sa amin

Joshua: Huwag mong sabihin 'yan

8:21PM

Joshua: Umiiyak ka alam ko

Mina: Sorry

Mina: Sobrang iyakin ko talaga

Joshua: Pero alam mo bang medyo masaya ako?

Joshua: Kasi you actually opened up to me

Mina: Wala akong choice kasi sobrang kailangan ko ng makakausap ngayon

Mina: Buti na lang nandyan ka

Joshua: . . .

Joshua: Labas ka sandali

Joshua: Nandito ako

Joshua: Maglakad-lakad muna tayo sa campus

Joshua: Gaya ng ginagawa natin dati

VANILLA / mingyuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon