054

2.3K 145 148
                                    

Mina's POV

' Sino-sino lang ba ang may copy ng answer sheet ? '- tanong ni Joshua kay Nayeon.

Kasalukuyan kaming nandito ngayon sa cafeteria. Lunch break na at kanina pa kami pinagtitinginan ng mga estudyanteng dumadaan sa may gawi namin. Marahil, nagtataka sila kasi magkakasundo kami.

Hindi ko maipaliwanag kung gaano ako kasaya ngayon. Hindi ko akalaing aabot kami sa puntong ito. Pero hindi pa dito natatapos ang lahat. Kulang pa kami.

' Lahat kaming officers ng Math Club merong kopya non. Yung akin picture lang sa phone kaso wala naman akong pakialam kaya dinelete ko nalang '- sagot ni Nayeon.

' Tangina ang hirap naman nito '- sabi ni Seungcheol sabay dukdok ng ulo nya sa lamesa.

' Teka, diba required na lahat ng officers ay mag-facilitate nung math competition ? May naaalala ka bang wala doon sa venue ? '- tanong ni Mingyu kay Nayeon.

Tama. Matalino din naman pala to si Mingyu.

Napaisip si Nayeon. Maya-maya ay biglang nanlaki ang mata nya at napahampas sya bigla sa lamesa.

' Si Bona. Wala sya noon. Hinahanap ko kasi sya dahil may sasabihin sana ako kaso sabi nung ibang officers, bigla nalang daw syang nawala '- sabi ni Nayeon.

' Si Bona ? Diba sya na ang bagong presidente ng 4B ? '- tanong ko sa kanila.

Mukha namang may nabuong idea sa utak nilang lahat.

' Are you guys thinking what I'm thinking ? '- tanong samin ni Joshua.

' Pero teka, hindi tayo pwedeng magbintang agad nang wala namang ebidensya '- sabi ni Seungcheol. May point naman sya.

Kailangan kong mag-isip. Kailangan nang matapos to.

' Nasa loob ng rooms ang mga lockers diba ? Naka-lock ang lahat ng room noon dahil may culminating activity. Bawal mag-stay sa loob ang students dahil required na mag-participate sila '- sabi ko.

' So paano mailalagay ng culprit yung answer sheet sa locker ni Vanilla kung naka-lock yung rooms ? Ibig sabihin may susi sya '- sabi ni Mingyu.

' At ang mga may susi lang ay ang mga presidents at .. '- napatigil si Nayeon sa sasabihin nya at mukhang may na-realize.

' Vice President ! '- sabay-sabay na sabi namin.

' So si Bona nga ?! '- gulat na sabi ni Joshua kaya nasiko ko naman sya ng mahina at sinenyasang manahimik.

' May alam akong makakatulong satin para patunayan kung totoo nga yan '- sabi ni Seungcheol.

--

' E hindi nyo nga kasi pwedeng basta-basta makita yung mga CCTV footage '- sabi ni Yna habang prenteng nakaupo sa swivel chair nya at kumakain ng french fries dito sa opisina ng dean.

Sya ang student secretary ng dean at madalas sya dito lalo na tuwing free time nya. Tama nga naman si Seungcheol, may access si Yna sa lahat ng CCTV cameras sa bawat sulok ng school.

' Sige na Yna maganda ka naman e '- sabi ni Joshua.

' Psh. Basic knowledge na yan '- sabi ni Yna at nagpatuloy lang sa paglalaro ng Criminal Case sa phone nya.

' Isang footage lang talaga. Yung camera malapit sa room ng 4B. Noong may culminating activity for math week. Around 12 pm '- sabi ni Nayeon at pinagdikit pa yung dalawang kamay na parang nagmamakaawa.

VANILLA / mingyuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon