Kim Mingyu
• Active Now11:15AM
Mingyu: Vanilla
11:21AM
Mingyu: Pansinin mo ako
Vanilla: . . .
Vanilla: Baka ma-confiscate phone ko
Mingyu: Teka lang
Mingyu: Hindi mo ako maloloko kasi nasa meeting lahat ng teachers ng Grade 10
Mingyu: Kaya nga ako nakakapag-chat sa'yo ngayon e
Vanilla: Mingyu 'wag mo na akong kausapin
Vanilla: Nabasa mo naman siguro ang sinabi ni Joshua sa gc tama?
Vanilla: Ang sama sama ng ugali ko, baka mahawa ka pa
Mingyu: Totoo ba ang sinabi niya?
Mingyu: Ikaw ba talaga ang may gawa noon kay Mina?
Mingyu: Naalala ko ang pangyayaring 'yon noong JS Prom last year e
Vanilla: May maniniwala ba kapag sinabi kong hindi?
Mingyu: . . .
Mingyu: Ako
Mingyu: Maniniwala ako
Vanilla: Sinasabi mo lang 'yan para gumaan ang pakiramdam ko
Mingyu: Totoo nga
Vanilla: Bakit ka naman maniniwala?
Mingyu: Kasi alam ko namang hindi ka ganoon kasama
Vanilla: Paano mo naman nasabi 'yan e halos araw-araw mong nasasaksihan ang kasungitan ko?
Mingyu: Ang dami mong tanong
Vanilla: Kasi hindi naman kapanipaniwala ang mga pinagsasabi mo e
Mingyu: Tunay nga kasi
Mingyu: Kapag sinasagot-sagot mo sila nakikita ko sa mata mo na hindi mo naman talaga gustong sabihin ang mga 'yon
Mingyu: Kumbaga gumaganti ka lang talaga sa kanila kahit ayaw mo kasi hindi mo gustong magpatalo
11:33AM
Mingyu: Ano nand'yan ka pa ba?
Vanilla: Nandito pa ko
Vanilla: Hay
Vanilla: Ayoko kasing magmukhang mahina
Mingyu: Hindi naman masamang magmukhang mahina paminsan-minsan
Vanilla: Ayoko
Vanilla: Tapos sasaktan na naman ako ng mga tao sa paligid ko?
Mingyu: Bakit kasi hindi niyo subukang mag-usap?
Mingyu: Malay niyo misunderstanding lang pala lahat?
Vanilla: Mingyu 'wag ka nang mag-abala
Vanilla: Wala na din naman akong magagawa
Mingyu: Pero kaibigan mo sila 'di ba?
Vanilla: Right haha
Vanilla: I invested all my time for them kaya ngayong nagkawatak-watak na kami, I have no other friends
Mingyu: Hindi mo pa ba ako kaibigan?
Vanilla: Bakit ka mag-aaksaya ng oras sa kagaya ko? Marami ka namang kaibigan d'yan
Vanilla: Vernon and Wonwoo right? Lagi ko kayong nakikitang magkakasama
Vanilla: Maswerte ka
Mingyu: They have each other, tapos ikaw wala
Mingyu: Hindi naman siguro masama kung sasamahan muna kita 'di ba?
Mingyu: Kaya sasabayan mo akong mag-lunch ngayon
Vanilla: . . .
Vanilla: You're unbelievable
Mingyu: I know right? Sobrang gwapo ko kasi
Vanilla: Nawalan ako ng gana
Mingyu: Bilis na! Lilibre kitang strawberry milk
11:45AM
Vanilla: Paborito namin yun ni Seungcheol hahaha
Mingyu: Edi chocolate milk na lang
Mingyu: Ako na siguro ang maalala mo sa chocolate tama?
Vanilla: HAHAHAHAHA
Vanilla: Tara na nga
BINABASA MO ANG
VANILLA / mingyu
FanfictionIn which the presidents from six different sections are caught between a clash and since all of them acts so competitive, expect this fight to not end so soon V A N I L L A ㅡTzuGyu Epistolary © 2017 SALTYPASTRY