055

2.1K 147 118
                                    

Vanilla: Mingyu

Vanilla: Sorry

Vanilla: Sorry sa mga nasabi ko sayo nung nakaraang araw

Vanilla: Nahihiya tuloy ako sayo ngayon

Kim Mingyu is typing

Mingyu: Ayos lang yun

Mingyu: Alam mo namang hindi kita matitiis diba ?

Vanilla: Mingyu bakit ka ba ganyan ? Ang bait mo masyado

Vanilla: I don't deserve you

Vanilla: Pati na rin sila Mina. Grabe yung nagawa ko sa kanilang lahat

Mingyu: Napatawad ka na nila. Ikaw nalang naman yung hinihintay nila e

Mingyu: Nandyan lang naman sila mula noon pa. Ikaw lang naman yung pilit na nilalayo yung sarili mo

Vanilla Chou is typing

Vanilla: Sa kagustuhan kong wag akong masaktan, sila naman yung nasaktan ko. Si Mina na bestfriend ko, si Seungcheol na handa akong tanggapin kahit ano pa ako at si Joshua na laging nandyan para sakin; lahat sila tinalikuran ko para lang sa sarili ko

Vanilla: Ngayon ko lang na-realize na sobrang selfish ko nga talaga to the point na uunahin ko yung sarili ko bago sila

Kim Mingyu is typing

Mingyu: Sorry pala dun sa mga nasabi ko sayo nung isang araw

Mingyu: Masyado akong naging harsh

Vanilla: Ayos lang Mingyu, hindi mo kailangang mag-sorry. Deserve ko naman yun e. Dahil sa mga sinabi mo sakin, mas naintindihan ko ang mga bagay-bagay

Mingyu: Yung about pala sa kanina, anong meron at bigla mo nalang niyakap si Mina ? Tapos bigla kang tumakbo paalis nang wala man lang sinasabi

Vanilla: Ayun ba ? Umalis ako agad kasi masyado kasi akong nahiya

Vanilla: Pagkatapos ng lahat ng ginawa ko, parang wala na akong mukhang maihaharap sa inyo

Vanilla Chou is typing

Vanilla: Nakasalubong ko si Bona na umiiyak tapos nag-sorry sya sakin ng paulit-ulit

Vanilla: Nagtataka ako kung anong meron tapos inamin nya sakin na sya yung naglagay nung answer sheet sa locker ko. Sinabi nya din sakin yung mga ginawa nyo sa kanya

Vanilla: Sa puntong yon wala na akong pakialam na sya ang gumawa sakin non. Basta ang alam ko, kailangan ko kayong pasalamatan

Vanilla: Kaya Mingyu, eto ako ngayon at humihingi ng tawad sayo. Pati na din sa kanila. Sorry for causing you too much trouble

Mingyu: Ayos nga lang sabi diba ? Masaya ako kasi may natutunan ka kahit papaano

Vanilla: To be honest, sobrang dami

Vanilla: Natutunan ko kung gaano kahirap nang mag-isa lang at walang mapagsabihan ng mga problema. Kung gaano kahirap magpanggap na malakas kahit sa totoo lang, sobrang hina ko

Vanilla: Natutunan ko rin na magpatawad at humingi ng tawad. Hindi masamang aminin na ikaw yung mali paminsan-minsan

Vanilla: At higit sa lahat, natutunan ko kung gaano kaimportante ang mga kaibigan

Mingyu: Masaya akong marinig mula sayo yan :--)

Vanilla: Pero alam mo ba, may isa pa akong na-realize

Mingyu: Ano ?

Vanilla Chou is typing

Vanilla: Sayang pala kami ni Seungcheol

Seen ✔

Mingyu: Mahal mo pa ba sya ?

Vanilla: To be honest

Vanilla: Oo

Seen ✔

Vanilla: cHAROT LANG AHAHAHA

Vanilla: Hindi na, alam ko yun sa sarili ko

Vanilla: But still, sayang padin to think na kami pa sana ngayon kung nakinig lang ako sa explanation nila ni Mina dati

Kim Mingyu is typing

Mingyu: May dahilan kaya hindi ka hinayaan ng tadhana na malaman ang totoo noon

Vanilla: Ang corny mo ha

Vanilla: Pero ano namang dahilan ? Para turuan ako ng leksyon ? Hay nako Mingyu sinasabi ko sayo, sobrang dami ko nang natutunan

Mingyu: Hindi kasi yon !1!1

Vanilla: E ano ?

Mingyu: Makikilala mo kasi ako

Vanilla: Oh tapos ?

Mingyu: Alam mo na yun !

Vanilla: Anong alam ko ?

Mingyu: Tangina wag na nga lang !1!

Vanilla: AHAHAHA

Vanilla: Inaasar lang kita gago

Vanilla: Pero

Vanilla: Seryoso ka ba dun sa sinabi mo sakin ?

Mingyu: Anong sinabi ?

Vanilla: Yung sinabi mo sakin noong tinawagan mo ko

Mingyu: Ang dami-dami kong sinabi sayo, alin doon ?

Vanilla: Yung ano, yung dahilan mo

Mingyu: Anong dahilan ?

Vanilla: Tangina wag na nga lang !1!1

Mingyu: AHAHAHA

Mingyu: Oh diba quits na tayo

Vanilla: Tse

Kim Mingyu is typing

Mingyu: Pero Vanilla

Mingyu: Seryoso akong gusto kita

Mingyu: At hindi naman ako nagmamadali

Mingyu: Gusto kong i-enjoy muna natin ang kung anong meron sating dalawa ngayon

Mingyu: Hanggang sa handa ka na

Vanilla Chou is typing

Vanilla: pAKSHET

VANILLA / mingyuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon