Nog is calling ..
Accept | Declineㅡ
[V-Vanilla ?]
' ... '
[Umiiyak ka ba ?]
' ... '
[S-Sige umiyak ka muna nang umiyak. Nandito lang ako]
' ... '
[...]
' A-Ayos na ako M-Mingyu .. '
[Ano bang nangyari kanina sa dean's office ?]
' M-May nakita daw silang answer sheet nung math competition na nahulog daw mula sa locker ko. H-Hindi akin yon. Alam mong sobrang nag-aral talaga ako kaya ako nanalo. Naniniwala ka naman sakin diba, Mingyu ? '
[Naniniwala ako sayo. Tapos ?]
' Ayaw makinig ng dean sa paliwanag ko. S-Sabi pa nya, tatanggalan na daw nya ako ng pwesto sa klase. Wala naman syang ebidensya diba ? B-Bakit ganito ? '
[...]
' S-Si Mina. Si Mina ang may gawa nito. Alam kong sya ang naglagay nun sa locker ko. S-Sinadya nya ding magpatalo sa math competition para ako ang manalo at para akalain ng lahat na nandaya nga ako '
[...]
' M-Mingyu. Mingyu, napakasama nya. Nung kinausap mo ako tungkol sa pakikipag-ayos sa kanya, aaminin kong magdamag akong hindi nakatulog dahil pinag-iisipan ko talaga kung makikipagbati na ako. K-Kaso sya na mismo ang gumagawa ng dahilan para hindi ako makipag-ayos '
[...]
' Mingyu ? N-Nandyan ka pa ba ? '
[Vanilla, ikaw na mismo ang nagsabi na walang ebidensya ang dean na nandaya ka nga. E ikaw, may ebidensya ka ba na si Mina nga ang naglagay nun sa locker mo ?]
' ... '
[Tsk]
' A-Ayan ka na naman e. Kinakampihan mo na naman sya '
[Hindi ko sya kinakampihan Vanilla. Sinasabi ko lang na mali yung judgements mo. Bakit ba lagi mong iniisip na kumakampi ako kay Mina ?]
' ... '
[S-Sorry. Hindi ko intensyong maging harsh dun sa sinabi ko]
' A-Ayos lang Mingyu. Siguro nga tama ka '
[...]
' Ibababa ko na to. S-Siguro mas makakabuti kung wag mo nalang akong kausapin pero salamat padin sa pakikinig '
[Teka !]
' ... '
[Bakit mo naman nasabi yan ?]
' K-Kasi pakiramdam ko wala na akong nagawang tama. Parang sakin lagi nag-uumpisa yung gulo. Layuan mo nalang din kaya ako ? B-Baka kasi sa susunod madamay ka pa '
[Vanilla ..]
' ... '
[Sa tingin mo ba kaya ko ?]
' H-Ha ? '
[Sa tingin mo ba kaya kong lumayo sayo ?]
' M-Mingyu, a-anongㅡ '
[Ang hirap makita kang malungkot. Di mo man pinapahalata sa kanila dahil pinipilit mong maging matapang sa harap nila, ako napapansin ko. Mahina ka rin. Naaapektuhan ka rin]
' ... '
[Ayoko nang makita kang gumagawa ng maling desisyon kasi ayokong nakakasakit ka. At mas lalo nang ayokong nasasaktan ka. Kaya please Vanilla, ayusin mo na ang buhay mo]
' ... '
[Please]
' Bakit ka ganyan Mingyu ? '
[H-Ha ?]
' Bakit nandito ka padin sa tabi ko kahit sobrang hirap kong pakisamahan ? Bakit pinagtitiisan mo padin ako kahit ako mismo hindi ko maintindihan yung sarili ko ? '
[...]
' Bakit nandyan ka padin kahit sobrang daming dahilan para iwan ako ? '
[Gaano man karaming dahilan yan, may isang rason ako para manatili]
' M-May rason ka ? '
[Mahalaga pa bang malaman mo kung ano ? Ang importante hindi kita iiwan]
' ... '
[O-Oy teka bat umiiyak ka na naman ?!]
' M-Mingyu .. salamat .. '
[Shh tahan na. Sabi ko naman kasi sayo diba nandito lang ako ? Kaya wag ka nang umiyak]
' S-Sino ba naman kasi ang hindi maiiyak dahil sa mga sinabi mo ? H-Hindi ko inakalang may tao pa palang nag-aalala para sakin '
[Ako, at kahit kailan hinding-hindi mawawala. Kaya ngumiti ka na okay ? Para sakin ..]
' ... '
[.. kasi nalulungkot din ako kapag nalulungkot ka]
' Nakangiti na. Salamat sa lahat-lahat Mingyu '
[Matulog ka na. Sa dami ng nangyari ngayong araw, alam kong pagod ka. Maaayos din to lahat, tiwala lang]
' Goodnight Mingyu '
[Goodnight Vanilla]
ㅡ
Call ended
00:09:43
BINABASA MO ANG
VANILLA / mingyu
FanfictionIn which the presidents from six different sections are caught between a clash and since all of them acts so competitive, expect this fight to not end so soon V A N I L L A ㅡTzuGyu Epistolary © 2017 SALTYPASTRY