089

1.2K 88 12
                                    

VANILLA's

Lumipas ang kalahating araw at hindi pa rin kami kinikibo ni Mingyu. Akala ko sadyang wala lang siya sa mood kahapon pero nang hindi niya ulit kami pansinin ngayon ay nahalata ko nang may problema.

Kailangan kong alamin.

Halos wala rin akong kasama maghapon dahil syempre, busy sila Mina sa kanya-kanya nilang section. Ang 4B naman ay pinaubaya ko muna kay Baekhyun dahil hindi ako mapakali gawa ni Mingyu.

Nakakapagtaka lang talaga, nangunguna ang 4F sa lahat ng team building activities. Nasaan na ang chill and unbothered 4F na kilala ng lahat?

Ngayon naman ay kasalukuyan kaming nasa loob ng chapel nitong beach house na 'to. Malawak ito at sapat na para magkasya ang anim na section sa loob. Hindi rin naman kumpleto ang batch namin dahil syempre, may mga hindi pinayagang sumama.

"Huy gaga ka! Bakit mo pinupunit!"

Nagulat ako sa biglang pagsigaw sa akin ni Nayeon kaya napatingin naman ako sa ginagawa ko. Punit-punit na pala ang mga papel na hawak ko.

Teka, bakit ako nagkaroon nito? At bakit hindi ko namalayang pinupunit ko pala? Lutang nga talaga ako.

"Pustahan iniisip niyan si Mingyu kaya ganyan" sabi ni Joshua.

"Nagtataka na nga rin ako e. Ano ba kasi talagang meron kay Mingyu?" tanong ni Mina.

"Mamaya na natin isipin 'yon. Tapusin muna natin ang activity" sabi ni Seungcheol bago niya ako inabutan ng panibagong mga papel.

Ano bang gagawin? Hindi kasi ako nakikinig kanina pa.

"Ibibigay ang white strip sa taong gusto niyong hingan ng tawad, black naman sa taong kinaiinisan niyo at ang red naman sa taong hinahangaan niyo" rinig kong sabi ng adviser namin.

"Ang main objective of this activity ay makapagpasalamat tayo, mailabas ang mga saloobin at mapagusapan ang mga bagay na hindi natin gusto sa kapwa natin. Sabi nga nila, communication is the key" sabi naman ng adviser ng 4C.

Ayon lang naman pala. Basic.

Hinati ko sa tatlo ang hawak kong white strip at binigay 'yon kay Mina, Joshua at Seungcheol. Sabi nila dapat sa isang tao lang daw pero alam ko sa sarili ko na para sa kanilang tatlo 'yon.

Yung black na strip naman ay tinago ko sa bulsa ko. Weird man pakinggan pero naiinis ako sa sarili ko. I always make wrong decisions at kung tutuusin, ako ang isa sa mga pangunahing dahilan kaya kami nagkagulo.

Natira sa akin ang red strip at iisang tao lang ang pumasok sa isip ko kung kanino ibibigay 'yon. Nagpalinga-linga ako sa paligid para hanapin siya kaso hindi ko siya makita.

"Ako ba hinahanap mo?"

Napalingon ako nang marinig ko ang boses niya. Nakita ko si Mingyu na nakangiti habang nakatingin sa akin.

Bumilis ang tibok ng puso ko.

Hinawakan niya ang kamay ko at dinala ako sa dalampasigan. Nakatingin lang siya sa malayo kaya napagaya na rin ako. Inilibot ko ang tingin ko sa kabuuan ng dagat. Napapikit ako habang dinadama ang malamig na simoy ng hangin.

"Ang ganda 'no?" sabi ni Mingyu kaya napatingin ako sa kanya. Tumango naman ako.

Alam kong ang dagat ang ibig sabihin niya but I'm looking at someone more beautiful than the view.

Mga ilang minutong walang nagsasalita sa amin pero nabasag din naman 'yon nang iabot niya sa akin ang mga papel na hawak niya.

"White at red?" takang tanong ko.

VANILLA / mingyuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon