Vanilla's POV
Nandito ako sa kusina at kumakain ng meryenda habang hinihintay si Mingyu na maligo. Niyaya nya kasi akong lumabas tas libre nya daw, sino ba naman ako para tumanggi pa ?
Si Nayeon at Seungcheol, nasa meeting ng Math Club. Ewan ko ba dun kay Seungcheol, nabalitaan ko nalang na lumipat na pala sya ng club. So paano na yung basketball team nya ? Hahayaan nalang nya basta ? Tsk.
Si Mina at Joshua naman ewan ko kung saan nagpunta. Mukhang ayos na pala talaga sila. Hindi ko lang malaman kung kailan nag-umpisa.
Nasa kalagitnaan ako ng pagkain ng pancakes na niluto ni Mingyu nang maalala ko yung klase ko.
Simula ng nangyari sa dean's office, hindi na nila ako nirerespeto. Sabagay, hindi na pala nila ako presidente. Si Bona na vice president na ang pumalit sa pwesto ko. Pero kung ako ang tatanungin ? Naging magulo ang klase kahit isang araw palang syang namamahala.
Pero bahala sila dyan, ayoko na silang problemahin. Kaya lang naman ako giyang na giyang maging presidente nung una dahil presidente din yung tatlo. Ayokong magpatalo.
Natigil ako sa pag-iisip ng kung ano-ano nang may mag-vibrate na cellphone. Kay Mingyu pala. Iniwan nya kasi dito sa lamesa bago sya maligo.
Mina: Mingyu ano na ?
Mina: May sasabihin ka diba ?
Napakunot ang noo ko. Close pala sila ? E hindi ko naman sila nakikitang nagpapansinan dito sa dorm ah ?
Kahit kinakabahan ako na mahuli ako ni Mingyu na ginagalaw ko yung cellphone nya, hindi ko napigilan yung sarili ko na mag-reply.
Mingyu: Anong sasabihin ?
Agad na nag-reply si Mina.
Mina: Hay nako makakalimutin ka talaga
Mina: Diba sabi mo sasabihin mo sakin yung mga pinag-usapan nyo ni Vanilla kagabi ?
Napakunot ang noo ko. Bakit sasabihin ni Mingyu kay Mina yung mga napag-usapan namin ?
Kahit alam kong mali, nag-scroll up ako at binasa yung mga nauna nilang convo.
Hindi ako makapaniwala. Ang bilis ng tibok ng puso ko.
Kim Mingyu, ano ba talagang intensyon mo sakin ?

BINABASA MO ANG
VANILLA / mingyu
FanfictionIn which the presidents from six different sections are caught between a clash and since all of them acts so competitive, expect this fight to not end so soon V A N I L L A ㅡTzuGyu Epistolary © 2017 SALTYPASTRY