028

3.3K 170 54
                                    

VANILLA's

"Putangina Kim Mingyu!" sabi ko kasi may ginawa siyang move na nakabawas ng malaki sa buhay ng tao ko sa Tekken.

"Weak ka lang talaga HAHAHAHA" sabi niya kaya mas ginalingan ko ang paglalaro.

Nandito kaming lahat ngayon sa Timezone. Ewan ko kung saan napadpad 'yung iba. Basta hinila ko na lang kung sino man ang pinakamalapit sa akin kanina nang makakita ako ng Tekken na arcade game.

Buti na lang at si Mingyu ang nahila ko. Eto kami ngayon, Lars Alexandersson vs. Alisa Bosconovitch. Infairness, magaling siya. 1:1 na kami at kung sino man ang matatalo sa huling laro na 'to ay manlilibre ng singkwenta pesos na tokens.

"Ha, talo ka!" tuwang-tuwang sabi ko nang matalo ko siya. Duh, basic. Mapapakinabangan ko din pala ang skills ko dito sa Tekken.

"Paano ba 'yan, nanalo ako ? Bilhan mo na ako ng tokㅡ Hoy Mingyu nakikinig ka ba?" sabi ko kasi parang gago siyang nakatititig sakin.

Agad naman siyang umiwas ng tingin at napatawa ng mahina. May sira na ba sa utak 'to?

"Ngayon lang kita nakita na ganyan kasaya" sabi niya.

Napangiti na lang ako bago siya hinila sa counter. Oo nga, parang ngayon na lang ulit ako nakapag-enjoy ng ganito matapos kaming mag-away na apat.

"Magaling ka pala sa Tekken?" sabi ni Mingyu pagkatapos naming makabili ng tokens.

"Oo naman! Saulo ko pa ang full name ng lahat ng characters! Alam mo bang ako ang pinaka-weak noon saming apat ? Pero tinuruan ako ni Seungcheol kayaㅡ"

Napatigil ako sa pagsasalita kaya napatingin siya sa akin. Hay, bakit ba lumabas sa bibig ko 'yon.

"Wala pala. Tara doon tayo sa mga claw machine!" sabi ko na lang.

Lumapit ako doon sa pink na claw machine na may mga rilakkuma stuffed toys sa loob.

"May napanood akong hack sa Youtube e. Ganito ang ginawa niya . . . ." sabi ni Mingyu tapos may ginawa siyang kung ano-ano doon sa joystick at buttons. Secret code ata?

"Ayan, try natin kung gagana. Parang code daw 'yon para akalain ng machine na crew ka at gagawa ka lang ng maintenance. Ano bang gusto mo d'yan?" sabi niya.

Tinuro ko naman yung rilakkuma na kulay brown

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tinuro ko naman yung rilakkuma na kulay brown.

"Ayaw mo ng pink?" tanong ni Mingyu.

"Mukha kasing strawberry flavor. Maaalala ko lang si Seungcheol d'yan" sabi ko.

Tiningnan niya naman ako ng nakakaloko kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Kaya pala 'yung brown pinili mo kasi chocolate. Maalala mo ako" sabi ni Mingyu.

"No choice na kasi! Kita mong dalawang kulay lang naman 'yan" sabi ko na ikinatawa naman niya.

Parang gago 'to. Hindi naman siya ganoong kaitim. Pero aaminin ko, mas dark nga ang complexion naming dalawa kesa sa mga kasama namin sa bahay.

Sinakto niya ang claw doon sa brown na rilakkuma at nanlaki ang mata ko nang makuha niya 'yon. Legit nga 'yung hack na ginawa niya.

"Hala ang galing!" tuwang-tuwang sabi ko pagkaabot niya sa akin noong stuffed toy.

"Ang angas 'di ba? Kuha pa akong isa para tig-isa tayo" sabi niya tapos kumuha pa siya ng isa.

Napansin kong may nakatingin sa amin na isang crew hindi kalayuan. Agad naman akong umiwas ng tingin at nagkunwaring walang nakita.

"Bawal ba 'to?" takang tanong ko kay Mingyu.

"Oo ata? 'Yung napanood ko sa Youtube pinalabas ng arcade e. Binawi pa ang mga nakuha niya" sagot niya.

Hala gago.

"Tangina nakatingin sa atin 'yung isang crew" bulong ko kay Mingyu.

"Act natural" sabi niya tapos sumipol pa.

"Paanong act natural e papalapit na sa atin?!" medyo nagpapanic na sabi ko.

Nagulat ako nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko at hinila ako palabas ng Timezone.

Nang medyo makalayo na kami ay saka ko lang napansin na kanina pa pala ako nakangiti.

Nababaliw na ba ako?

VANILLA / mingyuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon