090

1.3K 94 28
                                    

Kim Mingyu
• Active Now

11:03PM

Vanilla: Hoy hindi pa rin ako convinced

Vanilla: Bakit ka nga hindi namamansin bigla-bigla?

Mingyu: Wala nga lang ako sa mood

Vanilla: Nawawala ka rin sa mood dati pero namamansin ka pa rin naman

Vanilla: Don't me!

Mingyu: Parang tanga lang 'yung reason

Mingyu: 'Wag mo nang alamin

Vanilla: Dali na, hindi ko sasabihin sa kanila

Vanilla: Makikinig ako kung may problema ka man

Mingyu: . . .

Mingyu: Pakiramdam ko kasi hindi ako belong sa inyo

Mingyu: 'Yun bang parang ako ang blackhole ng grupo?

Vanilla: Paano mo naman nasabi 'yan?

Mingyu: Kasi tignan mo naman, lahat kayo matatalino. Lahat din kayo talented

Mingyu: Si Seungcheol hyung team captain ng varsity. Si Joshua hyung photographer. Si Mina naman model. Ikaw may potential na maging doctor. Si Nayeon, magaling kumanta

Mingyu: Samantalang ako wala man lang maipagmalaki. Babagsakin na nga, wala pang patutunguhan sa buhay

Mingyu: Tapos lahat ng section niyo maayos na ngayon kahit papaano. Pero ang section ko? Wala. Sobrang baba pa rin ng tingin ng lahat sa 4F

Mingyu: Wala kasi akong kwentang presidente. Bad influence pa

Mingyu: Hindi ko naman kayo sinadyang layuan kahapon. Talagang nagfocus lang ako sa section ko, kaya nga halos kami ang nangunguna sa lahat ng activities

Mingyu: Gusto ko lang naman kasi na may maipagmalaki sa inyo kahit papaano

Vanilla: . . .

Vanilla: Hindi ko akalain na may pinagdadaanan ka palang ganyan

Mingyu: Parang tanga lang 'di ba?

Mingyu: 'Wag mo na lang sigurong isipin

Vanilla: Mingyu makinig ka sa akin

Vanilla: Una pa lang na pinagsama-sama tayong anim sa iisang bubong ay pinapasok ka na rin namin sa buhay namin

Vanilla: Hindi kami makukumpleto kung wala ka. You're a part of us and you will always be

Vanilla: You were more than just a guy na 'babagsakin at walang patutunguhan sa buhay' gaya ng sabi mo dahil ibang-iba ang nakikita naming lima

Vanilla: We see a boy na gagawin ang lahat para lang mapangiti kami kahit nagmumukha na siyang tanga

Vanilla: A boy na handa kaming ipagluto ng kahit anong gusto namin at sisiguraduhing lahat kami ay kumakain ng tama

Vanilla: And a boy na handang makinig at damayan kami sa mga problema namin kahit na siya rin mismo ay maraming dinadala

Vanilla: These are just a few examples of the little things that makes you more 'you' and we love you for that

Vanilla: Wala kang dapat patunayan sa amin kasi tanggap namin kahit ano ka pa

Vanilla: Kasi ikaw si Kim Mingyu

Mingyu: . . .

Mingyu: Wow

Mingyu: Hindi ko alam kung anong sasabihin ko

Vanilla: Kung iniisip mo na wala kang kwenta, dito ka sa akin

Vanilla: Papahalagahan kita ng sobra

Mingyu: Puta kinikilig ako teka lang naman!

Vanilla: At 'wag mo rin isipin na walang nagmamahal sa'yo kasi naiinsulto ako

Mingyu: So ibig mo bang sabihin na

Mingyu: Mahal mo rin ako?

Vanilla: . . .

Vanilla: Tinatawag na tayo nila Nayeon, nasa dalampasigan sila ngayon

Mingyu: Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko

Vanilla: The answer is very obvious Mingyu 'wag ka nang magtanong

Mingyu: Pero gusto kong manggaling mismo sa'yo hehehe

Vanilla: Mahal kita

Vanilla: Kaya 'wag ka nang malungkot, okay?

Mingyu: Basta kasama kita, wala sa bokabularyo ko ang salitang 'lungkot'

Mingyu: Tara na prinsesa

Mingyu: Mahal din kita

VANILLA / mingyuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon