024

2.9K 154 9
                                    

VANILLA's

Nauna akong umuwi sa dorm kasi wala na naman akong ibang mapuntahan. Si Mingyu may practice game ata ng basketball. Si Seungcheol malamang nandoon din. Team captain 'yon e.

'Yung tatlo naman ewan ko kung nasaan at wala rin naman akong pakialam.

Medyo naiinis pa nga rin ako doon sa sinabi ni Joshua kaninang umaga sa groupchat. Wala naman kasi siyang alam tapos ang lakas ng loob na pagbintangan ako.

Nasa kalagitnaan ako ng paggawa ng assignment nang biglang dumating si Mina. Dire-diretso lang siya papunta sa kwarto naming mga babae.

Umiiyak ba siya?

Sunod namang dumating si Joshua. Sanay na akong seryoso lagi ang mukha niya simula nopoung nag-away kami pero kakaiba ngayon. Mukhang malungkot siya.

Nagkibit balikat na lang ako bago pinagpatuloy ang paggawa ng assignment ko at hindi sila pinansin.

Nakaka-miss lang 'yung mga panahong paunahan kami ni Joshua na magsagot ng assignment kasi grade conscious kami parehas.

Sunod-sunod namang pumasok ng dorm si Seungcheol, Mingyu at Nayeon. Naka-jersey pa ang dalawang lalaki tapos may bitbit na water bottle si Nayeon. Binato niya 'yon kay Seungcheol at nasambot naman niya.

Wow close sila?

Napairap na lang ako at sinimulan ko nang iligpit ang mga gamit ko. Buti na lang tapos na ako.

"Selos ka naman?"

Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang magsalita si Mingyu na nasa tabi ko na pala.

"Anong selos pinagsasabi mo d'yan?" naiiritang sabi ko.

"Hindi ka pa nakaka-move on kay Seungcheol hyung 'no? Halata naman e" sabi niya.

Napatingin ako kay Seungcheol na nakikipag-usap kay Nayeon sa isang tabi.

Hindi pa nga ba?

Tumigil ka nga Vanilla. Matapos ka niyang saktan ngayon ka pa magdadalawang isip?

May kakaiba noong hapunan noong gabing 'yon. Parang may mabigat na tensyon sa pagitan ni Mina at Joshua. Si Seungcheol at Nayeon naman ay parang naging close bigla. Nag-uusap kasi sila.

"Kawawa naman 'yung Hanwoo" sabi sa akin ni Mingyu kaya napatingin ako sa plato ko.

Hindi ko napansin na sobrang liit na pala noong mga hiniwa ko at parang tinadtad ng pinong-pino.

"Hindi ka nga nagseselos" natatawang bulong niya.

Inirapan ko na lang siya. Ang kulit talaga nito.

Nakakainis lang kasi noong isang araw naghahabol si Seungcheol sa akin at sinasabing pakinggan ko daw ang explanation niya.

Kung desidido talaga siyang makipag-ayos, hindi siya titigil agad. Tapos ngayon naman aakto siyang ganyan ka-close kay Nayeon.

Ganito ba talaga ang mga lalaki?

VANILLA / mingyuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon