009

4.1K 194 69
                                    

VANILLA's

Magsasagutan pa sana sila kaso lumabas na ang student assistant at tuluyan na kaming pinapasok sa office. Naupo kaming lahat sa harap ng dean at nanahimik.

May kinuha siyang papel tapos sinuot ang salamin niya bago isa-isang binasa ang mga nakasulat doon.

"Hmm, let's see. Myoui Mina, Class 4A. Too much expenses"

I'm not surprised. Dati pa lang talaga ay maluho na si Mina. Inaasahan kong sasagot siya sa dean pero nakakagulat at tahimik lang siyang nakaupo.

"Vanilla Chou, Class 4B. Stealing ideas? Tsk tsk"

Hindi na ako nagreklamo pa. Oo aaminin ko na, nagpadala ako ng isa sa section ko para mag-spy sa ginagawa nila Mina at magsabi sa akin ng mga impormasyon.

Going modern seems like a great idea kaya dapat gawin din namin.

"Joshua Hong, Class 4C. Bribery. Ayos ah, fourth year pa lang may nangyayari nang ganito"

Tss. Joshua and his dirty games. Kung tutuusin, isa 'yan sa mga dahilan kung bakit nagaway kaming apat. Pero ayoko nang pagusapan pa 'yon. Mas gugustuhin ko pang kalimutan na lang lahat.

"Choi Seungcheol, Class 4D. Overworking his section. Hindi ka man lang ba naawa sa kanila Mr. Choi?"

Tulad ng iba ay nanahimik lang si Seungcheol. Ordering people around is his specialty. Sobrang strict kasi niyan at nakakatakot magalit. Hindi ko nga din alam kung bakit pati ako minsan na nkyang nagawang ilagay under his wing.

"Im Nayeon, Class 4E. Risking her section's safety. May magagawa ka ba Ms. Im kung may nangyaring masama sa kanila dahil pinauwi mo sila nang late?"

Umiling si Nayeon. I don't even know why she's acting so competitive. Pilit siyang nakikisali sa away naming apat na dapat hindi naman talaga siya kasali.

Gusto niyang umangat ang section niya? Sa tingin ko may iba pang rason. Pero kung ano man 'yon, wala na akong pakialam. Masyado siyang nagbibida-bidahan.

"Kim Mingyu, Class 4F. Not participating in the competition? At bakit Mr. Kim?"

"Ma'am, ayoko kasing makisali sa gulo nila e. Halos magpatayan na ang limang presidente na 'yan para lang manalo. Gusto ko chill lang kami ng section ko" sabi ni Mingyu.

Minsan hindi ko alam kung may tama ba 'to sa ulo o ano e.

"Buti pinaalala mo Mr. Kim. Ano ba kasi talaga ang meron sa inyong lima at lagi kayong nagaaway? You're the class presidents, dapat kayo ang mag-set ng magandang example sa section niyo. Aba, paano kayo uunlad niyan kung mismong ang mga presidente ang nagbabangayan?" sabi samin ng dean.

Tumingin saming lima si Mingyu pero wala man lang nagtangkang sumagot.

"Anyone who can enlighten me? Ano bang pinag-aawayan niyo?" tanong ulit ng dean.

Muli, wala na namang nagsalita.

"Wala talagang magsasalita? Okay then, may naisip akong idea para magkasundo na kayong lahat. Titira kayong anim sa iisang dorm para mas makilala niyo pa ang isa't-isa at magkabati-bati na kayo. Magandang idea, hindi ba?" nakangiting sabi ng dean.

"What?!" sabay-sabay na react namin.

"Kasama din ako Ma'am?" gulat na tanong ni Mingyu.

"Yes, to balance everything. Para in case magkapisikalan, may aawat" sabi ng dean.

She's clearly enjoying this. Well, Im not.

Para mas makilala pa ang isa't-isa? Kung meron man ditong magkakakilala ng lubos, kaming apat 'yon.

I don't know much about Nayeon though. Ang alam ko lang atribida siya. Mingyu? Ang alam ko lang maluwag ang turnilyo niya sa utak.

"Hindi po ba nasa university rule na hindi pwedeng magkasama ang babae at lalaki sa isang dorm?" tanong ko sa dean.

Ayoko talagang makasama sila sa iisang bubong lalo na sila Mina, Joshua at Seungcheol kaya ipaglalaban ko talaga.

"You can all be an exception para sa rehabilitation kuno na 'to. Besides, hindi na kayo mga bata. I'm sure you know what I mean" sagot ng dean.

"Have you brought this up to the principal? Papayag naman kaya siya?" maarteng tanong ni Mina.

"Ms. Myoui, I'm in charge of counseling and disciplining students. My job is to give advices and make sure that the students are well-educated. Once na nag-decide ako regarding sa ethics ng mga estudyante, wala nang magagawa ang principal dahil ako ang masusunod sa ganitong issues. This is my expertise" sagot ulit ng dean.

Natahimik naman kaming lahat. Mukhang wala na talaga kaming magagawa. Sobrang desidido na ng dean na ipagpatuloy 'to.

"By the way, disqualified kayong lahat sa competition"

Ano?!

Kanya-kanya kaming react. May mga nagsasabing unfair daw dahil hindi naman gaanong mabigat ang nagawa nila. May mga nagsasabing sayang naman daw ang pinaghirapan ng buong section nila.

Nanahimik na lang ako kasi kahit ano namang sabihin ko, wala na akong magagawa. Nakapag-decide na ang dean.

"No buts. Magpaalam na kayo sa mga roommates niyo dahil simula bukas, magsasama-sama na kayo sa iisang bubong. You may now go"

Nakakapanghinayang. Sayang ang hirap at pagod na ginawa ng section ko.

Umalis na kami sa office at nagkanya-kanya na ulit. Sobrang sama ng loob ko, at alam kong sila din. Narinig ko pa ang mga side comments ng iba na ayaw daw nilang makasama ang isa't-isa. The feeling is mutual.

Magpaalam sa roommates? Hindi ko na ata kailangang gawin 'yon. Hindi naman kami close ng roommates ko. Ang tanging tinuring ko lang naman na kaibigan ko dito ay si Mina, Joshua at Seungcheol.

Hay nako. Kung ano-ano na naman ang pinagsasabi ko. Matagal na nilang kinalimutan yung pinagsamahan naming apat kaya dapat ko na din kalimutan 'yon.

I should not be vulnerable again.

VANILLA / mingyuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon