008

3.9K 203 31
                                    

THIRD PERSON's

Sabay-sabay na naglabasan mula sa kani-kanilang classrooms ang anim na presidente at dumiretso sa office habang hindi nagpapansinan.

As expected, nang makaupo na silang anim sa waiting area ay nagumpisa na naman silang magsagutan.

"Kasalanan mo 'to Mina. ang section mo ang sobra-sobrang gumastos tuwing may competitions!" sabi ni Vanilla.

Vanilla Chou. President ng 4B. Hindi natatakot magsalita basta maipaglaban lang ang section niya. Walang inuurungan kahit teachers pa man 'yan o ang dean mismo. Ipaglalaban niya talaga kung ano sa tingin niya ang tama.

"Oh really? Sino kaya ang gaya-gaya ng idea? Umamin ka na kasing nag-modern din ang section niyo dahil nakita niyo sa amin!" sabi ni Mina.

Myoui Mina. President ng 4A. Mayaman ang pamilya at handang gumastos ng kahit magkano para lang maipanalo ang kanyang section sa lahat ng sinasalihang competition. Prangka din at warfreak.

"Ano ba? Tumigil nga kayong dalawa!" suway sa kanila ni Mingyu.

Kim Mingyu. President ng 4F. He must be the sanest among them all. Siya lang ang hindi masyadong competitive at madalas tagaawat sa mga away. Pero minsan gusto na niyang makisali dahil naiinis siya sa pagmamarunong ng iba. Deep inside, gusto din niyang maipagmalaki ang section niya.

"Ikaw naman Joshua, kailan ka ba titigil sa laro mong 'yan? Nakita kitang kausap ang mga judges kanina!" sabi ni Seungcheol.

Choi Seungcheol. President ng 4D. May pagkastrikto at pagkaseryoso lalo na kung kapakanan ng section niya ang pinaguusapan. Siya ata ang pinaka nakakatakot magalit sa lahat.

"At least hindi ko pinapagod ng sobra ang section ko. Making them work from 7:30 am to 4:30 pm straight without breaks, really Seungcheol?" sabi ni Joshua.

Joshua Hong. President ng 4C. Sobrang galing mag-manipulate ng tao. Lahat ng gusto niya, nakukuha niya. Mahilig magpanggap. Mabait sa harap ng teachers at mga estudyante pero siya ata ang pinaka hindi mo dapat makalaban dahil hindi mo alam kung ano ba talagang intensyon niya.

"Guys ano ba?" suway ulit ni Mingyu.

"Ikaw naman Mingyu, pabibo ka rin e 'no? Malamang kaya kami nadamay dito dahil sa'yo. Ikaw ang pasimuno na huwag mag-participate ang section niyo!" sabi ni Nayeon.

Im Nayeon. President ng 4E. Palaban at mahilig makisali sa gulo. Ayaw na ayaw na napagiiwanan ang section niya kaya kahit hindi naman siya kasama sa away, makikisali pa rin siya para lang magmukhang superior.

"E bakit ka ba nangingialam? Section ko 'yon. Kesa naman pauwiin ko sila nang late kagaya mo para lang gumawa. 10:30 pm Nayeon? Seryoso ka ba?" sabi ni Mingyu.

Pero bakit nga ba magkakaaway si Vanilla, Mina, Joshua at Seungcheol?

Kung ano man ang tunay na dahilan ay walang nakakaalam. Basta kapag nagsagutan ang apat na 'yan, walang estudyante o teacher ang gugustuhing pumagitan sa away nila.

One thing's for sure, hindi lang 'to tungkol sa kung kaninong section ang mas angat at mas nararapat na tingalain.

There's more to that.

VANILLA / mingyuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon