065

2.2K 147 229
                                    

Nayeon's POV

' Dito ! Maganda yung background at lighting ! Shua pakikuhanan ulit si Nayeon ng picture '- sabi ni Mina.

Napatawa ako ng mahina nang makitang napakamot si Joshua ng ulo nya. Hindi ko rin alam kung pang-ilang beses na yang nasabi ni Mina ngayon araw e.

' Mag-pose ka Nayeonnie. Gusto ko yung medyo fierce. Lagay mo yung kamay mo sa bewang mo para maganda '- rinig kong sabi ni Mina kaya sinunod ko naman.

' Grabe ka Mina. Kabado na nga si Nayeon para sa performance pine-pressure mo pa '- rinig kong sabi ni Vanilla sa gilid habang kinukuhanan ako ni Joshua ng picture.

Ayos lang naman sakin. Medyo nadi-distract ako kaya parang nawawala panandalian yung kaba ko.

Pagkatapos ay lumapit kaming lahat kay Joshua para tingnan yung picture.

' Ang corny naman. Masyadong simple. Dapat tumingin ka sa side tapos medyo i-step mo sa unahan yung isang paa mo para magmukhang mahaba yung legs mo '- sabi ni Mingyu kaya napatingin kami sa kanya.

' Nakuha mo Mingyu ! Ang galing mo ha, you could be my consultant ! Isa pa ulit Nayeon '- sabi ni Mina kaya pumwesto ulit ako.

Ginawa ko naman yung sinabi ni Mingyu. Pagkatapos ay lumapit ulit kami kay Joshua para tingnan kung maayos ba yung kuha.

' Hala ang ganda ! Bagay na bagay sa blog ko ! Thank you Nayeon and Joshua ! '- tuwang-tuwang sabi ni Mina tapos niyakap nya kaming dalawa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

' Hala ang ganda ! Bagay na bagay sa blog ko ! Thank you Nayeon and Joshua ! '- tuwang-tuwang sabi ni Mina tapos niyakap nya kaming dalawa. Humiwalay din naman ako agad kaya in the end ay si Mina at Joshua nalang ang magkayakap haha.

' Oh umalis lang ako sandali may nangyari nang yakapan dito '- sabi ni Seungcheol habang palapit sakin.

' Goodluck '- sabi nya habang nakangiti.

Sa isang salitang yon ay awtomatikong nabuo na agad ang araw ko. Iba talaga ang epekto ng lalaking to sakin.

' Punta na tayo sa grounds para sa unahan tayo nakaupo '- sabi ni Vanilla dun sa iba.

' Sus, hindi na kailangan magmadali. Sungitan mo lang yung mga nakaupo doon aalis na agad yon e AHAHAHA '- sabi ni Mingyu.

Ayun, nagbangayan na naman yung dalawa. Hindi na talaga ako magtataka kung balang-araw magkatuluyan sila e.

Pagdating namin doon ay sinamahan muna nila ako sandali sa backstage.

' Vanilla paabot naman nung lipstick. I-retouch ko lang si Nayeon '- sabi ni Mina.

' Wag kang kakabahan Nayeon ha ? Enjoy lang dapat ! '- sabi ni Joshua.

' Manalo o matalo, susuportahan ka padin namin ! '- sabi ni Mingyu.

' Kayang-kaya mo to Nayeon. Basic lang sayo yan '- sabi ni Vanilla.

Napangiti naman ako dahil sa suportang pinapakita nila sakin. Ang swerte ko talaga at nagkaroon ako ng mga kaibigan na kagaya nila.

VANILLA / mingyuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon