Mingyu: Vanilla ?
Mingyu: Akala ko lalabas tayo kaso bigla kang nawala
Mingyu: Nasaan ka ba ? Gumagabi na hindi ka padin bumabalik
Mingyu: Hindi mo sinasagot yung mga tawag ko, nag-aalala na ko
Seen ✔
Kim Mingyu is typing
Mingyu: Sa wakas online ka na !
Mingyu: Tatawagan kita ulit, please sagutin mo na
ㅡ
Nog is calling ..
Accept | Declineㅡ
[Hello ? Nasaan ka ba ?]
' ... '
[Susunduin kita Vanilla. Uuwi na tayo]
' A-Ano bang pakialam mo kung nasaan ako '
[Umiiyak ka na naman ?]
' ... '
[...]
' ... '
[V-Vanilla ? Anong problema ?]
' Mingyu .. a-alam ko na yung dahilan mo kung bakit hindi m-mo ako iniiwan .. '
[A-Ano ?]
' Para masabi kay Mina lahat ng mga sinasabi ko sayo, h-hindi ba ? '
[...]
' Sabi na nga ba '
[P-Paanoㅡ]
' Hindi na importante kung paano ko nalaman Mingyu. P-Paano mo to nagawa ? Niloloko mo lang pala ako ? '
[V-Vanilla .. h-hindiㅡ]
' A-Akala ko .. akala ko iba ka sa kanila. Akala ko hindi mo ako lolokohin gaya ng g-ginawa nilang tatlo sakin .. '
[Vanilla makinig ka naman ..]
' Kaso tangina nagkamali na naman ako. Kagaya ka lang din nila Mingyu. G-Ganun ba talaga kadali para sa inyo na lokohin ako ? Bakitㅡ]
[Oo na ! Inaamin ko na ! Lumapit lang ako sayo dahil inutusan ako ni Mina na kaibiganin ka at sabihin sa kanya lahat ng hinanakit mo !]
' ... '
[Pero hindi yan ang dahilan kaya hindi ako umaalis sa tabi mo ! Gusto kㅡ]
' W-Wag mo nang ituloy yang sasabihin mo kasi alam kong kasinungalingan lang din naman yan '
[Tangina naman Vanilla. Sana man lang alamin mo din kung bakit ko ba to ginagawa !]
' Bakit ? Para malaman ni Mina na mahina lang din naman pala ako ?! Para mas dumami yung mga panlaban nya sakin ?! '
[Inutusan nya ako para malaman nya yung side mo at nang maintindihan nya kung gaano din kahirap para sayo lahat ng nangyayari !]
' ... '
[Kahit na sinaktan mo sya, yung kapakanan mo padin ang iniisip nya ! Gusto nyang alamin yung mga iniisip mo para malaman nya kung paano sya hihingi ng tawad sayo kahit wala naman talaga syang kasalanan !]
' H-Hindi totoo yang mga sinasabi mo '
[Nakikita mo ba tong ginagawa mo Vanilla ? Makasarili ka. Hindi ka nakikinig sa kanila kasi ayaw mong malaman yung totoo. Sarili mo lang ang iniisip mo. Papayag ka na masaktan sila para lang hindi masaktan yung sarili mo ?]
' Mingyu wala kang alam sa nangyari samin ni Seungcheol at Mina. Hindi mo alaㅡ '
[Alam na alam ko Vanilla. Nagkukunwari lang ako na walang alam pag kausap kita. Ikaw ang totoong walang alam dahil hindi mo sila binigyan ng pagkakataon na mag-paliwanag sayo !]
' ... '
[Nabastos yung bestfriend mo. Salamat nalang talaga at dumating si Seungcheol hyung nung gabing yon at niligtas sya ! Hindi mo alam ang buong istorya at basta-basta ka gumawa ng conclusion sa isip mo base lang dun sa nasaksihan mong hinalikan sya ni hyung]
' ... '
[Wala kang alam Vanilla. Gabi-gabi kong kausap palagi si Mina at gabi-gabi din syang umiiyak dahil sa mga bintang mo sa kanya na hindi naman totoo. Bakit ba hindi mo matanggap na ikaw yung mali ?]
' ... '
[Ganito ka ba talaga Vanilla ?]
' ... '
[Ganito ba talaga yung babaeng nagustuhan ko ?]
' M-Mingyu .. tama na '
ㅡ
Call Ended
00:05:21
BINABASA MO ANG
VANILLA / mingyu
FanfictionIn which the presidents from six different sections are caught between a clash and since all of them acts so competitive, expect this fight to not end so soon V A N I L L A ㅡTzuGyu Epistolary © 2017 SALTYPASTRY