VANILLA's
"Salamat Mingyu" nakangiting sabi ko nang abutan ako ni Mingyu ng lunch na niluto niya pa talaga para sa akin.
"Oh bakit ako wala?" sabi ni Nayeon pagkalapag niya ng bag niya sa upuan. Lunch break nga pala ngayon at nandito kaming lahat sa usual place namin sa canteen.
"Sa jowa mo ikaw humingi ng pagkain. Kita mong ang yaman-yaman niyan e" sabi ni Mingyu habang nakanguso kay Seungcheol.
Teka, kulang pala kami. Wala pa si Mina. Si Joshua naman ay hindi rin alam kung nasaan siya.
Saan kaya nagsusuot ang babaeng 'yon?
Habang kumakain ay hindi nakaligtas sa paningin ko ang mga estudyanteng may mga bitbit na kung ano-anong art materials na nagpapaikot-ikot sa cafeteria. Next week na kasi ang foundation week at abala ang lahat na ayusin ang kanya-kanyang booth na naka-assign sa bawat room.
Humigop ako sa strawberry milk ko. Wala na akong pakialam sa mga ganyan ngayon. Hinayaan ko na lang na ang klase ko naman ang mamahala. I've done enough.
Oras naman siguro para magpahinga ang mga presidente at mukhang ganyan din ang iniisip nila Seungcheol.
"Bakit ngayon ka lang?" tanong ni Mingyu kay Mina na kakadating lang. May bahid pa ng pintura ang suot nito at may iilan pang piraso ng confetti sa buhok.
"Hindi ko kasi maiwanan ang room namin at baka kung ano-ano ang gawin ng mga kaklase ko" sagot nuya bago naupo sa tabi ni Joshua sabay kuha sa kinakain nitong fries.
"Ayos ka ah. Bumili ka nga ng sa'yo" madamot na sabi ni Joshua.
"Oh bakit bawal humingi?!" sabi sa kanya ni Mina.
"Syempre joke lang hehe. Free para sa'yo babe. Oh kuha ka pa" sabi ni Joshua at halos isupalpal na kay Mina ang fries niya.
Natawa naman ako ng mahina. Kahit kailan talaga ang dalawang 'to.
"Alam mo kasi Mina, 'wag mo na masyadong isipin ang room niyo. Tignan mo kaming lima chill lang" sabi ni Nayeon.
"Oo nga. Pinaubaya na lang namin sa mga vice president 'yon" sabi ni Seungcheol bago humigop sa hawak nyang Milkis.
"Sorry naman, nakasanayan lang. Para namang hindi kayo ganito dati" sabi ni Mina.
Sabagay, totoo naman. Kapag naiisip ko 'yung mga panahong 'yon, natatawa na lang ako. Mga isip-bata talaga kami.
"Pero aminin niyo na talagang magaling talaga ang 4B" sabi ko sa kanila.
"Luh, 4A kaya" sabi ni Mina.
"Aba aba, baka naman 4C ang pinag-uusapan natin dito" sabi ni Joshua.
"Hoy 'wag kayong feeling. 4D kasi talaga" sabi ni Seungcheol.
"Ehem. Mahiya naman kayo sa 4E" sabi ni Nayeon.
"Baka nakakalimutan niyong palaban na rin ang 4F?" sabi ni Mingyu.
Nagtawanan naman kaming lahat dahil sa pinagsasabi namin. Nakakapagod rin pala kapag puro pakikipag-kompitensya ang iniisip 'no? Buti na lang naka-graduate na kami sa phase na 'yan.
"Wow ha? Sino kaya d'yan ang nagnanakaw ng idea?"
Napatigil kaming anim sa pagkain at nagkatinginan bago napalingon.
There we saw Taeyeon, Joshua's vice president, na nakikipagsagutan sa limang kasama niya.
"So ako pa ang pinagbibintangan mo ngayon? Isang tingin pa nga lang halata nang kami ang original e" sagot ni Baekhyun, ang vice president ko na pumalit kay Bona.
Anong nangyayari?
"Hoy ikaw naman Jeon Wonwoo akala mo hindi ko nakita? Sinira ng isang classmate mo 'yung streamers na nakasabit sa labas ng room namin!" iritang sabi ni Momo, ang vice president ni Seungcheol.
"Ang pangit kasi. Concerned na nga ako at baka matalo kayo tapos ikaw pa 'tong galit" nakangising sagot ni Wonwoo, ang vice president ni Nayeon.
Siniko ko si Seungcheol na katabi ko para sabihin na awatin niya pero hindi siya gumalaw.
"Hah at least hindi kami gumagastos ng sobra-sobra gaya ng iba d'yan" sabi ni Seulgi, ang vice president ni Mingyu.
"Ako ba pinariringgan mo? Kesa naman magmukhang basura ang gawa namim gaya ng inyo" sagot ni Jimin, ang vice president ni Mina.
Patuloy lang silang anim sa pagsasagutan at nakukuha na nila ang atensyon ng lahat ng tao dito sa cafeteria. Kahit ang pag-usad ng pila ay mistulang bumagal dahil lahat ng tao ay nanonood na sa kanilang anim.
"All of you, proceed to the my office now!"
Nagulat ang lahat nang biglang sumulpot ang dean. Silang anim naman na nag-aaway ay aangal pa sana pero sa huli ay walang nagawa kundi sumunod na lang.
Nagkatinginan kaming anim nila Mina at sabay-sabay na nagtawanan.
"What just happened?" hindi makapaniwalang tanong ko.
"Looks like may magpapatuloy ng legacy" natatawang sabi ni Joshua.
"Grabe, ganyan pala itsura natin dati ano?" sabi ni Mina na sinangayunan naman namin.
Bumalik na lang kaming anim sa pagkain at sa pagke-kwentuhan habang walang pakialam sa mangyayaring competition.
Hindi na rin namin inisip ang mga vice presidents namin na malamang sa malamang ay kasalukuyan nang pinagsasabihan ng dean.
History repeats itself nga naman.

BINABASA MO ANG
VANILLA / mingyu
FanfictionIn which the presidents from six different sections are caught between a clash and since all of them acts so competitive, expect this fight to not end so soon V A N I L L A ㅡTzuGyu Epistolary © 2017 SALTYPASTRY