063

1.9K 136 137
                                    

Gilagid is calling
Accept | Decline

' S-Seungcheol ? Madaling araw na ah ? Bat ka napatawag ? '

[Tingnan mo call log at inbox mo]

' Teka .. '

[...]

' 69 missed calls ? 96 messages ? Bat ang dami naman ? '

[Bigla ka nalang nawala sa game kanina. Hinanap ka namin kaso hindi ka namin makita]

' ... '

[Naka-lock yung room nyo ng girls pag-uwi namin dito sa dorm kaya napanatag kami. Hindi na kami nag-abalang gisingin ka kasi baka pagod ka]

' Hala, di ko namalayang nakatulog na pala ako. Nasaan si Mina at Vanilla ? Saan sila natutulog ? '

[Nandun silang dalawa sa kama ko. Ako naman ay tumabi muna kay Joshua]

' A-Ah pasensya na. Masyado lang akong maraming iniisip kanina. Congrats nga pala '

[Salamat]

' ... '

[Ano bang nangyari sayo ? Bakit ka biglang nawala ? Huling kita ko sayo na kasama ka pa nila, nakayuko ka. Umiiyak ka ba noon ?]

' ... '

[Nayeon sabihin mo na. Kanina pa ako hindi makatulog kakaisip sa kung anong problema mo. Baka mabaliw ako]

' Y-Yung mga kaibigan mo .. '

[Sinong kaibigan ?]

' Sila Jeonghan .. '

[Anong meron ?]

' Iilan lang sila sa mga taong hindi naniniwala sa kakayahan ko '

[...]

' H-Hindi ko alam Seungcheol. Nakakapagod nang patunayan yung sarili ko sa kanila. Lagi nalang yung mga pagkakamali nila yung nakikita ko. Lagi nalang nilang pinapamukha sakin na wala akong kwentang presidente '

[Simula kailan pa to nangyayari ?]

' Simula nung naging presidente ako. It turns out na kaya lang naman pala nila ako binoto dahil gusto nila akong i-pressure at pahirapan. L-Lagi akong umiiyak kapag gabi pati na din kapag naiiwan akong mag-isa dito sa dorm '

[...]

' N-Never akong nagalit sa kanila. Ginawa ko ng tama yung trabaho ko at araw-araw kong pinapakita sa kanila na worth it ako sa pwesto na yun hoping na magbago yung pakikitungo nila sakin pero walang nangyayari '

[...]

' Kada bubuksan ko yung groupchat ng klase namin, lagi kong nakikita na pinag-uusapan nila ako dun. Alam mo yung mas masakit ? Yung alam na nga nilang nandun ako, doon pa nila ako pag-uusapan. Parang pinapamukha talaga nila sa akin kung gaano ako kawalang-kwenta '

[Bakit ka naman kasi nagpapa-apekto sa mga sinasabi nila sayo ?]

' Sinubukan ko din namang hindi makinig sa kanila e. Kaso minsan sumusobra na sila. Ang hirap kasi mag-isa lang ako tapos madami sila. W-Wala man lang akong kakampi '

[Anong tawag mo sakin ? Kila Vanilla ? Kakampi mo kami Nayeon. Hinding-hindi kami aalis sa tabi mo. Hindi kita iiwan]

' ... '

[Hindi ko alam na ganito kalala na pala yung pinagdadaanan mo Nayeon. Pasensya na kasi wala akong nagawa]

' Pasensya na din kung hindi ko agad sinabi sa inyo. Ayoko kasing mag-alala kayo sakin. Ayokong isipin nyo pa ako. Hindi nyo naman kasi ako responsibilidad '

[Simula noong mag-chat tayo ay pinapasok na din kita sa buhay ko Nayeon. Una palang ay ramdam ko nang magiging mahalaga ka sakin]

' ... '

[Hindi mo lang alam pero palagi akong nag-aalala sayo. Umuwi ka lang ng late mag-iisip na kaagad ako ng kung ano-ano. Lagi kitang iniisip. Hindi mo lang alam]

' S-Seungcheol ? '

[Sobrang bait mo sakin. Ikaw yung nandyan noong mga panahong pakiramdam ko hindi na ulit kami maayos nila Vanilla. Lagi kang nakikinig sa mga problema ko kahit na minsan ang tanga tanga ko. Sobrang thanful ko kasi dumating ka sa buhay ko. I can't thank you enough kaya hindi mo dapat nararanasan ang lahat ng to ngayon]

' ... '

[Gusto kitang lapitan at yakapin ngayon. You don't deserve this. Hindi mo deserve masaktan. Masakit makitang nasasaktan yung taong nagpapasaya sakin]

' Seungcheol hindi ko alam kung anong sasabihin ko '

[A-Ayos lang]

' ... '

[Ang tatag mo. Kasi nakaya mong tiisin yan sa loob ng mahabang panahon. Pero hinihiling ko na mas maging matatag ka pa. Yung tipong hindi ka na magpapa-apekto sa kanila. Yung tipong hindi mo na sila hahayaan na masaktan ka]

' Susubukan ko Seungcheol. Salamat '

[Pero sa ngayon, pwedeng-pwede mo akong takbuhan sa tuwing may problema ka. Pwede kang magkwento sa akin ng kahit ano. Pangako, hinding-hindi ako magsasawang makinig. Pwede kang umiyak sakin at humugot ng lakas. Kasi ganyan din yung ginawa mo sakin noon]

' ... '

[Ngayong ako naman ang kailangan mo, ibabalik ko sayo lahat lahat. Hindi kita iiwan Nayeon]

' Salamat Seungcheol. H-Hindi ko alam kung paano ka papasalamatan pati na din sila Vanilla. Sobrang thankful ko kasi kahit na ang dami kong masasakit na naranasan this school year, may nangyari din namang maganda. Yun yung nakilala ko kayo '

[I'm glad to hear that]

' Una palang naman talaga ayos lang sakin na makasama kayo sa iisang dorm e. Tsaka yung mga pagsusungit na pinapakita ko noon ? Palabas lang yun para hindi ako magmukhang mahina sa klase ko. Ngayon, na-realize ko na they're not worth it. Ang mahalaga sakin ngayon ay kasama ko kayong lima '

[Fuck. Gusto na ata kita]

' H-Ha ? '

[A-Ah wala ! Haha]

' ... '

[...]

' A-Ang awkward bigla haha ' 

[Nayeon ?]

' Hmm ? '

[Pabukas naman ng pinto]

' ... '

[Payakap]

Call ended
00:09:36

VANILLA / mingyuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon