037

1.8K 128 31
                                    

Choi Seungcheol
• Active Now

7:32PM

Nayeon: HALA

Nayeon: Ganoon nga ang nangyari?!

Nayeon: Wala talaga kayong secret affair ni Mina at pinagtanggol mo lang siya noong gabing nahuli kayo ni Vanilla?!

Seungcheol: Oo

Seungcheol: Ang dami mong sinabi

Nayeon: Bakit ayaw mong sabihin kay Vanilla na misunderstanding lang pala ang lahat?

Seungcheol: Ayaw nga niyang makinig sa akin 'di ba?

Seungcheol: Kaya kailangan ko ng tulong mo

Nayeon: . . .

Nayeon: Ganito

Nayeon: Magprisinta ka na tutulungan mo si Vanilla na mag-review para sa math quiz bee

Seungcheol: Tapos?

Nayeon: Dalhin mo siya sa isang coffee shop tapos doon mo siya turuan

Seungcheol: Sasama naman kaya 'yon?

Nayeon: Kaladkarin mo

Nayeon: Tangina tignan natin kung makaarte pa siya

Seungcheol: Gaga ka talaga

Nayeon: Pagkatapos mo siyang turuan, mag-sorry ka na

Nayeon: Tapos pag-usapan niyo na ang mga nangyari at makipag-ayos ka na

Seungcheol: . . .

Seungcheol: Parang ang dali lang 'no?

Seungcheol: Sana nga ganyan lang kasimple

Seungcheol: Pero hindi e

Nayeon: Subukan mo lang. Kung wala na talaga, edi wala

Nayeon: Hindi mo naman mapipilit ang nararamdaman ng isang tao e

Seungcheol: Hay

Seungcheol: Tama ka

Nayeon: Madami pa namang babae d'yan sa tabi-tabi

Nayeon: Tsaka 'wag mong madaliin ang mga bagay-bagay

Nayeon: Malay mo hindi pa nakatakdang makilala mo na agad ang babaeng para sa'yo

Seungcheol: Kasama ka ba doon sa mga babae d'yan sa tabi-tabi na sinasabi mo?

Seungcheol: Yiee nagbibigay ng hint

Seungcheol: Crush mo ako 'no?

Nayeon: . . .

Nayeon: Gago ka ba?

Nayeon: Anong pinagsasabi mo

Seungcheol: HAHAHAHAHA

Seungcheol: Woah easy lang

Seungcheol: Hindi ka naman mabiro

Nayeon: Bwisit

Nayeon: Muntik na

VANILLA / mingyuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon