034

1.8K 134 52
                                    

Choi Seungcheol
• Active Now

9:23AM

Seungcheol: Umiiyak ka ba?

Nayeon: Sinong umiiyak?

Nayeon: Pinagpapawisan lang ako

Seungcheol: Nayeon bumabagyo

Seungcheol: Nakikita mo ba ang mga kasama natin sa bahay? Halos ibalot na nila sa kumot ang sarili nila dahil sa sobrang lamig

Nayeon: . . .

Nayeon: Oo na umiiyak na

Nayeon: Bakit ba kasi ganito? Parang lagi ko na lang kailangang patunayan ang sarili ko sa iba

Nayeon: Sa bahay wala silang tiwala sa akin, tapos pati ba naman dito sa school?

Nayeon: Nakakapagod na

Seungcheol: Gusto mo bang magkwento?

Seungcheol: Makikinig ako

Nayeon: . . .

Nayeon: Ayaw ng mga magulang ko na dito ako mag-aral kasi daw wala kaming pera at mahirap makipag-sabayan sa mga mayayaman

Nayeon: Akala ko nga magiging masaya sila once na maging scholar ako kasi at least wala na kaming poproblemahing tuition pero mas lalo lang nila akong ni-down

Nayeon: Mahihirapan lang daw ako. Mapapaligiran daw ako ng mga mayayaman at mapag-iiwanan sa isang tabi. Hindi ko daw kakayanin ang paraan ng pamumuhay nila

Nayeon: Gusto ko pang patunayan sa kanila na kaya ko talaga kaya noong elections ng class officers ay ni-nominate ko ang sarili ko bilang president

Nayeon: Akala ko madali ko lang 'tong magagawa kasi desidido naman ako kaso mahirap pala. Laging sumasabay ang problema sa bahay sa problema sa school

Nayeon: Napapabayaan ko na ang section ko. Sinasabihan na nila ako ng walang kwenta at hindi daw worthy

Nayeon: Tama naman siguro sila

9:39AM

Seungcheol: Mali sila

Seungcheol: Hindi kasi nila alam ang pinagdadaanan mo kaya ganyan na lang sila kung makapanghusga sa'yo

Seungcheol: Huwag mo na lang silang masyadong isipin. Nandito naman ako e, kaibigan mo na ako

Seungcheol: Hindi lang pala ako ang nandito para sa'yo, nandyan din sila Mina

Nayeon: Kung kayo-kayo nga na matagal nang magkakaibigan hindi magkasundo, kami pa kaya?

Seungcheol: Labas ka naman sa away namin e. They're actually really nice kung makikilala mo sila ng lubos

Seungcheol: Magaling mag-comfort si Joshua, tapos si Mina at Vanilla naman sobrang palaban kaya malamang reresbak ang mga 'yon

Seungcheol: Pwede mo silang kausapin at kaibiganin, wala namang mawawala

Nayeon: Susubukan ko

Nayeon: Pero Seungcheol, salamat talaga ha?

Seungcheol: Wala 'yon

Seungcheol: Pero may hihingiin sana akong pabor

Nayeon: Ano?

Seungcheol: . . .

Seungcheol: Pwede bang tulungan mo ako kay Vanilla?

VANILLA / mingyuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon