Epilogue

1.6K 102 16
                                    

❝You and me in the moonlight in this night of stars, flowers and festivals.

The sound of the waves is on and we’re dancing right now. This feels so perfect❞

Twice,
Dance The Night Away

━━━━━━━━━

VANILLA's

Pagkapunta namin ni Mingyu sa dalampasigan ay bumungad sa amin ang tugtugan at sayawan ng mga Grade 10. Nagkalat rin ang mga party lights sa paligid. Wow, may gimik palang ganito?

May mini stage pa at kasalukuyang nagperperform ngayon si Jennie, Rosé, Lisa at Jisoo. Si Mingyu naman ay ngiting-ngiti. Mukhang proud na proud talaga siya sa section niya.

Hinawakan ko ang kamay niya. Ako naman proud sa kanya.

♫ You light a fire in my heart
My youth without a regret is on fire
If I’m with you like now tonight
I could die in this moment ♫

"Sobrang sarap sa pakiramdam na panoorin sila sa entablado. Hindi ko akalain na ang dami palang tinatagong talent ng section ko. Masyado ko silang kinulong causing them to limit their potential" sabi ni Mingyu.

Doon ako napangiti sa sinabi niya. Nag-mature na nga talaga siya. I'm glad that he's acknowledging his wrongdoings at ginagawa niya ang best niya para maayos na lahat 'yon.

Nahagip na ng mata ko sila Joshua kaya agad ko namang dinala si Mingyu palapit sa kanila.

"Kanina pa namin kayo hinihintay!" bungad sa amin ni Nayeon.

"Bilisan niyo at tayo na ang sunod!" sabi ni Mina bago kami hinila sa gilid ng stage.

Ha?

"H-Hoy teka anong sunod ang sinasabi niyo?" kinakabahang tanong ko.

Huwag nilang sabihin na kakanta rin kami? Teka, hindi ako ready!

"Mingyu, hindi mo ba sinabihan si Van?" tanong ni Seungcheol.

"I forgot. Masyado kaming nadala sa mga pinag-usapan namin kanina haha" nahihiyang sabi ni Mingyu.

So may ganito pala talagang plano? Hindi ako informed. Hindi ko rin naman masisisi si Mingyu at maski ako ay nadala rin sa mga pinag-usapan namin.

"Ito ang kakantahin natin. Alam mo naman 'to kasi kinanta na natin 'yan dati" sabi ni Joshua bago may inabot sa akin na lyrics.

Mabilis ko namang binasa 'yon at napangiti ako. I Just Wanna Be with You. Sung originally by Zac Efron and Vanessa Hudgens. Galing siya sa movie na High School Musical, our favorite.

"Tara na!" masayang sabi ko kaya natuwa naman sila.

Umakyat kami sa stage at pumwesto sa harap ng anim na microphones na may stand. As usual, magkakatabi ang magkakapartner. Nabibingi na rin ako sa sigawan ng kanya-kanya naming section.

Sumenyas si Nayeon sa kaklase niyang si Jihoon na nakaupo sa harap ng piano, senyales na umpisahan na niya. Mukhang ayos na nga talaga sila ng mga kaklase niya. I'm so happy for her.

The first few bars of the song played at ang excitement ko kanina ay napalitan na ng kaunting kaba. It's been a while na rin kasi since humarap ako ng ganito sa harap ng maraming tao kaya hindi ako sanay.

Pero nawala lahat ng kaba ko nang hawakan ni Mingyu ang kamay ko.

♫ I got a lot of things I have to do
All these distractions our future's coming soon
We're being pulled a hundred different directions
But whatever happens I know I've got you ♫

VANILLA / mingyuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon