Mina's POV
Tahimik akong naglalakad ngayon sa corridor ng Grade 10. Christmas party na namin ngayon at lahat ng rooms (bukod kila Mingyu dahil likas na tamad yon) ay todo ang decorations. Iba-iba rin ang theme namin.
Nagsasaya dapat ako ngayon kasama ang section ko pero hindi ko magawa. Masyadong mabigat ang pakiramdam ko kaya naisipan kong maglakad-lakad muna nang mag-isa.
Nakasuot ako ng blue na blouse, yellow na palda tsaka headband na pulang ribbon. Fairytale kasi yung theme ng 4A at naisipan kong mag-Snow White. Naisip ko tuloy na kung magkakaaway parin kaming lahat ay pati simpleng party na ganito ay gagawin din naming kompetisyon.
Naka-onesie lahat ng 4B at yung suot ni Vanilla ay Baymax. Nakita ko pa sila Chen, Baekhyun at Chanyeol na nakasuot ng powerpuff girls onesie ??? Minsan hindi ko na talaga alam kung anong nangyayari sa mundo.
Ang 4C naman ay anime. As expected from Joshua, kaso hindi ko nakita yung suot nya since maaga syang umalis ng dorm. Kaya pala ang dami kong nakikitang nakapang-cosplay kanina.
Ang 4D ay costume party. Sumilip ako sandali sa room nila at nakita ko si Seungcheol na nagsasalita sa unahan habang nakasuot ng orange and white striped t-shirt tsaka blue shorts. Phineas ang trip ng lolo nyo, akala mo namang creative.
Ang 4E naman ay may disco ball kuno pa na nakasabit sa kisame nila. Kaya pala nakasuot si Nayeon ng button-down skirt, loop earring at striped-shirt kasi 80s yung theme nila. Akala ko gusto nya lang talaga na matchy sila ni Seungcheol kaya sya naka-stripes e.
Gusto kong matawa nang mapadaan ako sa room ng 4E. Wala man lang talagang decorations sa room nila at ang mas nakakatawa pa, lahat sila naka-pajama. Hay nako Kim Mingyu.
Hindi muna ako bumalik sa room namin at sa halip ay dumungaw muna ako sa grills at pinagmasdan yung quadrangle mula sa second floor. Kahit anong distraction talaga ang gawin ko ay naaalala ko na naman yung pag-uusap namin ni Joshua noong isang araw.
Masakit, aaminin ko. Sa palagay ko wala na lang ako para sa kanya. Mukhang napagod na talaga sya. Sinayang ko lang naman kasi sya e.
Ganito pala yung pakiramdam ng binabaliwala ano ? Kung alam ko lang sana na ganito pala kasakit yun, edi sana hindi ko na
' Mina '
Bumilis ang tibok ng puso ko. Agad naman akong lumingon at nagbabakasakaling si Joshua yun pero nagkamali ako.
Si Bambam lang pala.
Nakasuot sya ng pang-prinsipe at maayos na naka-style yung buhok nya. Ayoko mang aminin sa sarili ko pero bagay sa kanya yung costume nya. Mas lalo syang gumwapo.
' Hindi ko alam kung anong paborito mong bulaklak kaya binili ko nalang lahat '- sabi nya habang may inaabot na bouquet sakin.
Gulat naman akong napatingin doon. Oo nga, iba-ibang klaseng bulaklak ang laman ng bouquet na yon. Halatang mamahalin din.
Ang ganda.
' Bambam, hindi mo naman ako kailangang bilhan ng ganito '- nahihiyang sabi ko sa kanya.
' Ayos na sakin yung thank you mo, mahal na prinsesa. Tsaka worth it ka naman e. Merry Christmas, Mina '- nakangiting sabi nya sakin.
Ngumiti nalang ako sa kanya. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin. Masyado akong nahihiya. Wala pa man din akong regalo sa kanya.
Isa pa, hindi ko inakalang may magbibigay pala sakin ng bulaklak sa buong buhay ko.
' Free ka ba pagkatapos nitong party ? Yayayain sana kitang lumabas e. Tayong dalawa lang ? '- nahihiyang sabi nya.

BINABASA MO ANG
VANILLA / mingyu
FanfictionIn which the presidents from six different sections are caught between a clash and since all of them acts so competitive, expect this fight to not end so soon V A N I L L A ㅡTzuGyu Epistolary © 2017 SALTYPASTRY