Chapter 3: Angry Bird

47.2K 1K 36
                                    

📷❕PHOTO BABA❕📷

Chapter 3: Angry Bird

Nazi's POV

Gangster siya..

Gangster siya?

Gangster siya..

Gangster siya?!

Oo nga sabi e! Hindi mo ba narinig kanina?

Sorry bingi si ako.

Hindi ako bingi 'no!

Gangster nga siya..

Oo gangster nga siya.

Waaaaaah! Ano ng gagawin ko?! Bakit gangster pa nahalikan ko?! Huhuhu!

"Nazi, alis ka na. Ako na bahala dito. Alam kong napa-praning lang 'tong kaibigan ko. Hehe."

Ayon ang huling sinabi ni Dave sa akin kaya nakaalis ako doon. I'm so dead na talaga.

"Nazi!" Natauhan nalang ako bigla ng sigawan ako ni Kate.

"Oh?" Iritang sagot ko.

"Hanggang ngayon parin ba ay iniisip mo iyon?" Natatawang sabi ni Thea.

"Oo naman! First kiss ko 'yon!" Napahilamos nalang ako at napasabunot sa sarili ng maipatong ko ang dalawa kong siko sa mesa.

Nasa canteen kami ngayon dahil lunch. Wala akong ganang kumain. As in wala.

Naalala ko pa tuloy yung sinabi nya.. hays!

"Mag-ingat ka kapag nagkita tayo, stealer!"

Hays! Hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko. Huhu!

"Dahil nagawa mo ang dare namin, you're done. Bayad ka na sa lahat ng utang mo," malapad na ngiting sabi ni Cloe.

Napabuntong hininga nalang ako imbis na maging masaya sa kanilang sinabi.

"Salamat sa inyo. Salamat dahil napagbintangan akong stealer," walang gana kong sabi.

"HAHAHAHAHA!" Sabay sabay nilang sa tawa sa akin.

"Nakita namin ang lahat. Hahahaha! Ang epic mo doon Nazi, infairness!" Natatawa paring sabi ni Thea at nakipag-apir kay Kate.

"Anong nakakata--" mag-sasalita pa sana ako ngunit hindi ko na iyon natapos pa dahil sa sigawan ng mga babae dito sa loob ng canteen.

'Kyyaaaaaah! Si fafa Dave!'

'Omeged! Si prince Dwight!'

'Ang hot ni Josh!'

'Ang pogi mo Lance!'

Agad akong napabalikwas ng tayo at agad na nagtago sa ilalim ng mesa para taguan si Angry bird. Bakit Angry bird? Lagi kasing nakakunot ang noo na akala ko laging may kaaway! Tsk.

"Hoy, Nazi. Anong ginagawa mo jan?" Nakasilip na tanong ni Cloe.

"Takluban niyo ako! Kailangang hindi niya ako makita!" Agad na napatunghay si Cloe sa sinabi ko. Sinilip ko ang ilalim para tignan ang mga paa nila Angry bird.

'Waaaah! Omygod! Bakit dito sila papunta?!'

"H-hi!" Rinig kong bati ni Cloe.

Hindi ko alam kung ano ang reaksyon ngayon ni Angry bird dahil hindi ko naman siya kita. Hindi ko rin alam kung nakakunot pa rin ba ang noo o hindi.

"Nasaan si stealer?" Rinig kong tanong ni Angry bird. Agad namang nagsi-tayuan ang mga balahibo ko sa katawan ng marinig ko ang kanyang sinabi. Ako 'yon, shet!

"H-ha?" Sabay na sabi ng tatlo kong kaibigan. Makisama naman kayo ngayon please! Wag niyo akong ituturo.

"Si Nazi," rinig kong sabi ni Dave kaya nakagat ko na lamang ang ibabang labi ko. Bakit pa kasi ako nagpakilala sa kaniya e kaibigan naman pala niya si angry bird.

"A-ah. W-wala siya dito! Hindi siya sumabay sa amin,"  nauutal na sabi naman ni Thea.

"Are you kidding me? Nakita ko siya. Ilabas niyo 'yon kung ayaw niyong madamay!" Nakahiyaw na sabi ni Angry bird. Napakapit naman ako ng mahigpit sa palda ko dahil sa takot na makita niya ako at pagbuntungan ng kanyang galit.

"Dre, wala nga daw dito. Wag mo ng idamay 'yang mga yan, kawawa naman. Tsk!" Rinig kong sabi ng isang lalaki. Isa sa kasama nila na hindi ko kilala kung sino. Siguro ay isa ang pangalan niya kila Lance at Josh. Narinig ko lang naman ang pangalan nila dahil sa tilian ng mga babae. Mga hipa! Chour!

"Don't me, dre. Nakita ko siya. Kaya ilabas niyo na!" Napatakip nalang ako ng bibig sa kaba na baka makita na niya ako. Baka mapasigaw pa ako dito sa takot pagnagkataon.

Ramdam ko na ang tulo ng aking pawis na nagmumula sa aking noo. At sumabay pa ang kaba't takot ko sa angry bird na 'to kaya ganito na lamang ang aking pagpapawis.

"W-wala talaga siya dito, p-prince Dwight.." malumanay at kinakabahang sabi ni Kate.

Prince? Kailan pa naging prinsipe ang isang angry bird na tulad niya?

"Tayo!" sigaw ni angry bird na ikinanlaki ng mga mata ko. Oh my god. P-paanong--

"Ang sabi ko tayo!" Mas malakas na sigaw niya. Agad naman akong napapikit dahil sa sobrang tensyon na aking nararamdaman.

Mabilis na nagsitayuan ang mga kaibigan ko na mas ikinabilis ng tibok ng puso ko.

Napapikit nalang ako ng mariin ng may biglang sumipa sa mesa ng pagkalakas lakas na nakagawa ng napakalakas na ingay. At heto ako nakahawak sa ulo ko at nakatungo para hindi ako madali.

"See?"

Unti unti kong iminulat ang aking mga mata at tumambad sa akin ang isang nakangising lalaki. Si angry bird.

Jusko! Ano nang gagawin ko?!







https://m.facebook.com/groups/421165578451141?group_view_referrer=profile_browser

"Bwiders Home" is our group page. If you are my reader, join us! Search nyo lang po sa facebook ang Bwiders Home. Hihihihi!

Meet KIM CLOE NAPIZA... Nazi's best friend..

 Nazi's best friend

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
When I Kiss A Gangster (YOU CAN READ THE BOOK 2 EVEN IF U HAVEN'T READ THIS YET)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon