Chapter 58: Clue...
Dwight's POV
"Doon ako sa tabi ni Mom matutulog." sabi ko ng makasalubong ko si Dad.
"Why? Ayaw mo na ba sa room mo?" tanong naman nito.
"Wala akong sinabe." saka na muling naglakad at nilagpasan siya.
"Saan ka matutulog doon kung doon ako matutulog sa tabi niya?" tumigil ako.
Humarap ako sa kaniya at walang kwentang tinitigan siya, "She's my Mom. And your only a fiance! Kaya diyan ka matulog sa sala!" sigaw ko dito.
Tinalikuran ko na ito at saka na nagpatuloy sa paglalakad patungo sa kwarto kung saan nandoon si Mom.
Pinihit ko na ang seredura ng pinto at dahan dahan iyong isinara. Bumuntong hininga muna ako bago lumapit sa kaniya.
Umupo ako sa upuang maliit para makapantay siyang nakahiga. Hinawakan ko ang kaliwang kamay nito gamit ang dalawa kong kamay. Hinalikan ko iyon.
"Mom.. It's been 9 years since you lie on that bed. Don't you want to stand up? Nakamulat ka nga, pero hindi ka naman nagsasalita. Ano ba kasi talagang nangyari, Mom? May kinalaman ba ang hay*p mong fiance?! Kung ako sayo, Mom.. Paggaling mo, palalayasin mo na yan! Bakit kasi dinala dala mo pa yan dito?!" lumunok muna ako bago napatungo at doon tumango tango.
"Alam mo ba, Mom? Kung gaano kami naghihirap ng anak mo. Matapos maging gobyerno ng hay*p mong fiance! Naging mataas na siya at para bang ang liit liit ng tingin niya sa amin. Si Lola naman... Yung nanay mo, Mom. Hayun! Mangingibang bansa na kasi may bago na daw siyang asawa!" tumungo ulit ko habang pinipigilan ang mga luhang nagbabadya ng pumatak.
"Una si Dad.. Pangalawa si Grandma.. Sumunod kayo.. Tapos yung isa pa naming lola iiwan kami? What the f*ck!" pasinghal na napatawa ako.
"Mom.. Come back now, please.. Wake up.." tinignan ko siya kasabay ng pagtulo ng luha ko sa isang mata.
Mas lalo kong hinigpitan ang pagkapit sa kamay niya. Mga ilang segundo lang ay binitawan ko na iyon at saka inayos ang kumot niya.
Nagpunta na ako sa kabilang side nung kama at saka doon sumampa at humiga. Nagkumot na din ako at tumitig sa kisame.
Sumunod si Ella... T*ngina!
Nakatadhana na ba talaga sa akin na iwan ako? Ano bang ginawa kong mali?! Bakit ba nangyayari 'toh?! P*ta!
"Kuya.." agad akong napatingin sa may pintuan at nakita ko si Nicole.
Bumangon ako at, "Oh bakit?" tanong ko rito.
Lumapit siya sa akin, "Tatabi rin ako kay Mom.. Namimiss ko na kasi siyang katabi eh. Saka diba? Sa isang araw na birthday niya?" bumuntong hininga muna ako bago tipid na tumango.
Malawak naman yung kama at kasyang kasya ang limang tao rito. Eh bali, tatlo lang naman kami kaya hindi na ako umangal pa. Tumayo ako at pinasampa si Nicole sa kama para siya ang katabi ni Mom at doon nalang ako sa tabi ni Nicole.
Yung maid nga pala namin ang naglilinis at nagbibihis kay Mom. At siya rin ang naghihilot sa buong katawan nito para kahit papaano naman ay ma-exercise ang katawan ni Mom.
"Goodnight.." tumango ako.
"Uhm.. Goodnight di--"
"Nga pala kuya.. Kamusta na kayo ni ate Ella? Hindi ko na kayo nakikitang magkasama ah?"
"Hindi ba't sinabi ko sayo na h'wag mo nang babanggitin ang pangalan niya?"
"Ano bang nangyari?"
BINABASA MO ANG
When I Kiss A Gangster (YOU CAN READ THE BOOK 2 EVEN IF U HAVEN'T READ THIS YET)
Novela JuvenilA/N: YOU CAN READ "WHEN I BE THE ONE" EVEN IF YOU HAVEN'T READ THIS YET. [COMPLETED in Dreame app] Nang dahil sa isang dare, nag-kagulo ang buhay ko. Hindi ko alam pero mas nakabuti yatang magkita-kita kaming lima. Maraming nakaraan ang nabura sa is...