Chapter 65: Josh's Flashback

13.4K 276 19
                                    

Chapter 65: Josh's Flashback

(This is a flashback... I'll repeat, THIS IS THE FLASHBACK!)

Josh's POV

(Age: 10 years old)

"Josh, baby... Ikaw munang bahala sa bahay at kay Krint, ah? Bye~" nakangiting tumango nalang ako kay Mommy sa paalam niya.

Kasama niya ang asawa niyang si Edwardo at naiwan ang tunay nilang anak na si Krint. Mabait si Mommy at si Krint. Pero si Edwardo? Hindi.

Ang apelyido ni Mommy ay Saber at Malimutin naman yung kay Edwardo. Hindi pumayag si Edwardo na gamitin ko ang apelyido niya kung kaya't yung kay Mommy nalang daw.

'Bakit ba kasi galit na galit sakin 'tong Edwardong 'to? Tss...'

﹏≦

Tatlong taong gulang ako nung simulang mapunta ako sa bahay na ito. Malaki siya at maganda. At ngayong sampung taong gulang na ako, wala na akong magagawa kung hindi ang tanggapin nalang lahat kung ano mang sasalubong sakin ngayong kasalukuyan.

Mahal ko si Mommy at si Krint. At alam kong mahal rin nila ako, itinuturing ko narin silang tunay kong pamilya, pero si Edwardo? Tss. Ayaw niyang tawagin ko siyang Daddy dahil hanggang ngayon? Hindi niya parin ako tanggap.

'Pulot lang kasi ako, haha...'

"Kuya! Kuya!" agad akong napalingon sa likuran ko kung saan nandoon ang sala namin.

"Oh, Krint?" lumapit ako doon.

"Kuya pano ba 'to? Nakakaasar eh!" agad naman akong napangiti sa iniaasta nitong si Krint.

Naglalaro siya ng DOTA sa computer dito sa may sala sa gilid. Agad akong lumapit sa kaniya at nanatili doon sa likod.

"Blink while the other meepos are channeling, Krint."

"Ah what the heck! Hahahaha! Tengkyu, Kowya!"

"Haha! Bilisan mo! Mamamatay ka na!"

At ayon nga, naglaro na siya. Haha!

Pero miya miya lang...

"Hoy, Josh!!!" mabilis akong napatingin sa likuran ko dala ang katawan ko. At si Krint naman ay agad na napatayo sa kinauupuan niya at humarap din kay Edwardo.

Narinig ko na naman kasi ang boses ni Edwardo na kinasusuklaman ko.

"P-po?" nakatungong sabi ko habang palapit sa kaniya.

"Bilisan mo at kunin mo yung nakalimutan kong wallet! Bilesssss!!!!" malakas na sigaw nito.

"O-opo! S-sandali lang po..." at mabilis akong nanakbo papunta sa kwarto niya upang kunin nga yung wallet niya. At doon ko yon nakita sa table niya.

Dali dali na akong bumaba at agad iyong inabot kay Edwardo ng nakatungo.

"Eto na po..." padaklot niyang kinuha iyon at sabay alis. Humagis ang kamay ko doon sa ginawa niyang iyon pero hindi ko na pinansin pa.

'Tss.. Lagi naman...'

﹏ ̄

"Kuya, ayos ka lang?" binalingan ko ang nagtanong na si Krint sa gilid ko.

"Oo naman. Bakit naman hindi?" nakangiting tanong ko dito.

"Pagpasensyahan mo na si Dad ha---"

"Haha! Ano ka ba, Krint... H'wag mong isipin, yun. Ganun lang 'yun kasi nga diba? Alam mo na... Kaya bumalik ka na doon sa computer at pupunta lang ako sa kwarto ko ha?" ginulo ko ang buhok nito.

When I Kiss A Gangster (YOU CAN READ THE BOOK 2 EVEN IF U HAVEN'T READ THIS YET)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon