Chapter 28: She's Being Curious

27.6K 603 62
                                    

📷❕PHOTO BABA ❕📷

Chapter 28: She's Being Curious

Nazi's POV

"Anong nangyari sayo, Nazi?" tanong ni Cloe sa akin habang nakayakap ako sa kaniya. Nandito kami sa garden at ako'y tila hindi mapigilan ang paghagulgol. Pilit nila akong pinapakalma pero ayaw tumigil.

"*sob* *sob* C-cloe... *sniff*"

"Sshhh... Nazi, kumalma ka muna." sambit ni Kate at tinatapik tapik ang kanang balikat ko. Si Thea naman ay sa kaliwa at si Cloe ay sa likod ko.

"Eto yung tubig." sambit ni Thea at iniabot sa akin ang isang boteng tubig.

Umalis muna ako sa pagyakap kay Cloe at ininom ang tubig na iyon. Kumalma ako ng saglit at napatungo.

"Ano bang nangyari, Nazi?"

"K-kailangan ko *sniff* na silang l-lubayan *sniff* para narin sa *sniff* kanila..." saad ko.

Napatunghay ako matapos ko iyong sabihin. Naningkit nalang ang mga mata ko ng may makita akong lalaki sa di kalayuan.

Josh?

"Bakit? Ano bang nangyare?" tanong ni Kate.

"H-hindi niyo ba napapansin? *sniff*" tanong ko sa kanila.

"Ang alin?" kunot noo namang tanong ni Thea.

"Lahat sila... Lahat sila nagagalit sa akin. Hindi ko naman kasi alam... Na may rule pala dito. B-bakit kasi hindi niyo sinabi sa akin?" tinignan ko sila isa isa.

"A-ah... G-ganito kasi 'yan.. Pinagbantaan kasi kami ni Queen Nicole na walang magsasabing kahit na ano sa mga newbie. So ayun... Tumagal tagal na rin at nakalimutan na naming sabibin sa iyo kaya hindi na namin nasabi. S-sorry." si Cloe ang nagsalita.

Ngumiti ako ng bahagya, "Ayos lang.. Pero simula ngayon, lalayuan ko na sila. Kayo na dapat lagi ang kasama ko. Okay?" mabilis silang nagtanguan.

"Mabuti naman at natauhan ka na rin." napatawa ako ng bahagya sa sinabi ni Thea.

"Bakit? Nagseselos ba kayo kasi hindi ko kayo laging kasama?" nakangiting sambit ko.

Sabay sabay silang tumango, "Aysus! Hahahahaha!" kiniliti ko sila at nagtawanan kami. Nagyakapan kaming apat at nangako sa isa't isa na hindi kami mag-iiwanan.

This is my real friend.

"La... Namimiss ko na po sila Mama't Papa..." yakap yakap ko ang unan sa sofa habang nakadapa sa sofa na sinabi iyon kay Lola.

"Aba!" napatingin ako kay Lola. Gulat rin itong napatingin sa akin.

"Bakit po?"

"Bakit yata tila nanumbalik ang pagkamiss mo sa iyong mga magulang?"

"Siyempre po, magulang ko e."

"Diba't sinabi ko sayo---"

"Alam ko po 'yon, La."

"Oh iyon naman pala e."

"Pero gusto ko pong alamin yung huling sinabi sa akin ni Mama noon."

"Huling sinabi? Ng mama mo? Noon? Ano 'yon?"

"Hindi niyo po ba alam?" kunot noo kong tanong. Napaupo na ako.

When I Kiss A Gangster (YOU CAN READ THE BOOK 2 EVEN IF U HAVEN'T READ THIS YET)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon