Chapter 22: Approved The Condition
Dave's POV
Palinga linga ako dahil kanina pa ako naghahanap kung saan ba nagpunta si Nazi. This is sh*t! Saang parte ba ng BSU siya nagpunta? Kanina pa ako naghahanap sa kanya!
"Dave!" Napalingon ako sa tumawag sa akin.
"Oh, Lance?" Lumapit ito.
"Nakita mo na ba si Nazi?" Mabilis akong umiling.
"Hindi pa nga e. Ikaw ba?" Umiling rin to.
"Hindi rin. Pero saan ba natin hahanapin yun? Baka--" napatingin ako sa kaniya.
"What?"
"Hindi kaya... nakuha na sila ng BZW?" Natigilan ako sa sinabi ni Lance.
"No.. hindi pwede!" Napasigaw ako ng marahan.
"Dave, Lance!" Pareho kaming lumingon sa tumawag sa amin.
"Sa garden!" Agad kaming nanakbo papuntang garden sa sinabi ni Josh.
Ganito kasi ang nangyari samin kanina, may biglang dumating na mga babae sa PR(private room) at tarantang taranta sila.
"Prince Dwight! Mayro'n pong nanampal kay Queen! Kailangan niyo po siyang puntahan ngayon, dahil kawawa po si Queen!" Pagsusumbong ng isa sa kanila. Agad napatayo si Dwight sa kaniyang upuan.
"What?!" Galit at may pag-aalalang sigaw ni Dwight.
"Opo. At ang pangalan po nung babaeng yon ay Nazi--"
"Wait.. ano?! Si Nazi?" Gulat na singit ni Lance.
"Opo.. kaya po bilisan niyo--"
"Where they are?" Agad na singit ni Dwight at nagpunta na sa pinto. May sinabi yung babae pero hindi namin narinig hanggang sa nanakbo na palabas si Dwight. Sabay sabay kaming napatayo para sundan sana siya.
Pero nanakbo rin ang lahat ng mga babae paalis kaya hindi na namin natanong kung nasaan sila Nazi.
Kaya ng hinahanap namin ay hindi namin makita at ngayon ay nalaman na ni Josh kung nasaan sila. Papunta na kami roon ilang segundo nalang sa pagtakbo.
"How could you slapped her?!" Natigilan kami ng may marinig kaming sigaw.
Boses 'yun ni Dwight.
Inunahan ko na sila sa pagtakbo at agad na nagpunta doon sa garden. Nakahawak si Dwight sa kaniyang kapatid habang si Nazi ay nahuli kong umaatras. Siguro ay dahil sa sigaw ni Dwight.
"Tell me! Why?!" Gigil na sambit ni Dwight.
Nanakbo na ako at gulat na napatingin sa akin si Nazi. Nilapitan ko si Nazi at magsasalita na sana ako ng biglang magsalita si Nicole.
"Kuya.. wala siyang kasalanan. Saan mo naman nakuha 'yan? Ako nga ang sumampal sa kaniya eh. Bakit siya yung sinisigawan mo?" Napatingin ako kay Nicole sa sinabi niya.
"W-wala naman akong kasalanan.. S-self defense lang ang ginawa ko," utal utal na sabi ni Nazi.
Hinawakan ko ito sa dalawa niyang balikat habang nanatili ako sa kaniyang tagiliran.
"Ayos ka lang?" Tanong ko sa kaniya.
Tumingin sya sa akin, "O-oo.." sagot nito.
Napatingin ako kay Dwight. Nakita ko ang pagtiim ng bagang nito at kumuyom rin ang kamao niya.
"Sino. Ang. Mga. Babaeng. 'Yon!" Word by word na sabi nito at tila sasabog na sa galit.
Yeah.. mali ang sumbong ng mga babaeng 'yon kaya aksidenteng nasigawan niya si Nazi.
Nilingon ko sina Josh at Lance. Nakatayo lang sila doon at nanatiling hindi lumalapit dito.
"Sinong mga babae?" Tanong ni Nicole.
"Yung nagsumbong sa amin," ako ang sumagot.
"A-anong sinabi nila?" Tumingin ako kay Nazi ng magtanong siya.
"Sinampal mo daw si Nicole at kailangan na daw puntahan ni Dwight kasi kawawa na si Nicole," sambit ko dito.
"Shems!" Mahinang sambit nito sapat na para marinig ko.
"You mean yung kasama ko kanina? Naku! Mga sumbungera talaga ang mga 'yon! Miski nga si Nazi ay isinumbong din sa akin dahil masyado daw niyang nilalandi si Kuya at kayo. Kaya ayun nasampal ko si Nazi ng hindi sinasadya. Kaya napaganti rin siya. Ako ang may kasalanan at hindi siya. Malinis na ba? Maliwanag na ba?" Kay Dwight ito nakatingin.
Napatungo si Dwight, "Yeah. And I'm sorry for Nazi," nakatungong sambit nito.
"Deretsahan mong sabihin sa kaniya kuya. Wag sakin, haha!" Tumawa ito.
"Wag na. Hindi rin naman niya sinasadya eh. Masyado lang mali yung sumbong ng mga sipsip na 'yun kaya niya ako nasigawan. Sige, mauna na ako. Miss na miss ko narin kasi ang mga kaibigan ko," binitawan ko na siya.
"Sige," sambit ko.
Bago pa tuluyang makaalis si Nazi ay nagsalita pa si Dwight, "Sorry.." sambit nito.
"It's okay. Saka nga pala.. 'yung kondisyon mo. Pumapayag na ako. Bye!" At nanakbo na ito paalis.
K-kondisyon? Ni Dwight? Ano 'yun?
BINABASA MO ANG
When I Kiss A Gangster (YOU CAN READ THE BOOK 2 EVEN IF U HAVEN'T READ THIS YET)
Novela JuvenilA/N: YOU CAN READ "WHEN I BE THE ONE" EVEN IF YOU HAVEN'T READ THIS YET. [COMPLETED in Dreame app] Nang dahil sa isang dare, nag-kagulo ang buhay ko. Hindi ko alam pero mas nakabuti yatang magkita-kita kaming lima. Maraming nakaraan ang nabura sa is...