Chapter 88: New Plan
Josh's POV
Kasalukuyan kaming nandito na ngayon sa bahay namin matapos ang kahapon. Kalalabas ko lang rin kaninang umaga at pinauna ko na ang mga ka-gang namin na mag-si-uwi muna dahil... Haha! May pamilya rin naman sila, kaya kailangan rin nilang umuwi.
Ilang araw na rin silang nasa hospital katulad ko. Mga naka tatlong araw din pala... So, ayun na nga. Nandito na kami ngayon sa bahay at kulang kami.
Malala ang kalagayan ngayon ni Dave at hanggang ngayon ay nasa ICU parin siya, matapos ang operasyon niya kahapon. Nandoon din ang Mom niya dahil kailangan na talaga naming ipaalam sa Mom niya ang kalagayan ni Dave pero wala ni isa sa amin ang nakapagsabi kung ano talaga ang tunay na nangyari.
"Kuya, ayos ka lang?" napalingon naman ako kay Nazi na nagtanong. Nakangiti naman akong tumango at saka ulit itinuon ang atensyon sa papel na hawak ko.
Nandito kaming tatlong magkakaibigan. Ako, si Dwight at si Lance. Nandito rin naman sina, Kate at Cloe. At kumpleto rin ang ka-gang namin. Wala si Thea dahil nandoon siya sa tabi ni Dave. Ipinagpaalam narin namin siya sa Mom niya at pinayagan naman siya pero kailangan daw niyang umuwi sa gabi.
"Nasira ang unang plano dahil sa hindi malamang nangyari. Pero ngayong okay na si Dave... Magsisimula ulit tayo ng panibago." sabi ni Halmeuni na nakatayo.
Yeah, nasira ang unang plano dahil sa pagdukot kay Dave. Nasayang ang tatlong araw ng dahil doon. Kaya naman ngayon, may mga hawak kaming papel na iisa lang ang laman. Iyon ay ang gagawin namin.
"Base sa nakasulat jan sa papel, ginawa yan ng kasamahan ni Roger at kailangan namin ng tulong niyo. Kailangan nating maging maingat dahil sinabi sa akin ni Edwardo na nalaman ni Stephen na may plano tayo dahil sinabi daw sa kaniya ng anak niya." pagpapatuloy ni Lola.
'A-anak?'
*"Eh sino naman po yung mayabang na lalaking kumokontrol sa lugar niyo?"*
*"Stephen Quiterro... At alam kong may anak siya dahil isang beses na niya itong naisama doon.. Pero hindi ko na matandaan kung sino ang batang iyo--"*
*"Zierre ang pangalan no'n, Lo!"*
*"Z-zierre?!"*
Bigla kong naalala ang matanda sa eskinita na dinala namin sa hospital. Base narin sa pag-uusap namin noon ay si Zierre nga pala ang anak ni Stephen! Sh*t! Nakalimutan ko!
"S-sinong anak ni Stephen?" tanong ni Dwight.
"Hindi niyo ba alam?" biglang tanong ni halmeuni.
"K-kuya... T-totoo bang si Z-zierre?" bulong sa akin ni Nazi at nagkibit balikat lang ako dahil hindi ako sigurado.
"Sino pong anak ni Stephen, La? Si Boss Dwight po ba?" tanong ni Nash.
"Hindi..." -halmeuni.
"K-kung ganon, sino po?" -Felix.
"May anak si Stephen ng hindi ko alam?!" biglang inis na tanong ni Dwight kaya napatingin kaming lahat dito na katabi ni Nazi. Bale si Nazi ng pagitan namin at nasa kanan ko naman si Kate.
"H-hindi sinabi sa atin ni Lola na may anak pala si Stephen..." bulong sa akin ni Kate.
"May ideya nga ako kung sino eh." bulong ko naman sa kaniya.
"Eh? Sino?!" biglang gulat na tanong niya kaya naman nagkatinginan silang lahat sa amin.
"Ano yun, Josh?" tanong ni halapeoji.
BINABASA MO ANG
When I Kiss A Gangster (YOU CAN READ THE BOOK 2 EVEN IF U HAVEN'T READ THIS YET)
Teen FictionA/N: YOU CAN READ "WHEN I BE THE ONE" EVEN IF YOU HAVEN'T READ THIS YET. [COMPLETED in Dreame app] Nang dahil sa isang dare, nag-kagulo ang buhay ko. Hindi ko alam pero mas nakabuti yatang magkita-kita kaming lima. Maraming nakaraan ang nabura sa is...