Chapter 61: Five names...

22.8K 513 101
                                    

Chapter 61: Five names...

Lance's POV

Masaya ako sa binalita nung maid nila Dwight ng sabihin ni Dave na nagising na nga daw ang Mom niya. Sa sobrang tuwa ko, nakapagbiro pa ako sa pagbungad namin sa kaniya.

Pero hindi ko inaasahang ganoon siya kaseryoso. Deymm...

Hindi ko lang kasi maintindihan kung bakit ang seryoso niya. Ang inaasahan ko kasing reaksyon niya ay mugto narin ang mata tulad ng kapatid niya sa kakaiyak dahil sa sobrang tuwa! Pero mali ako. At akala ko rin naman ay may makikita akong kagalakan sa mga mata niya, pero akala ko lang rin pala.

Kanina naman, si Josh. Naknamp*cha! Ano bang meron ngayong araw na ito at bakit parang napakamisteryo? At ako nalang yata ang walang iniisip ah?

Nung una, si Dave... Parang baliw na ngingiti ngiti. Tsk. Sumunod si Josh nga, parang tangang wierd na hindi mo maintindihan, tss. Tapos eto naman! Si Dwight! Ano bang meron?!

"W-who's Edward?" utal na tanong ni Dwight. Napasulyap naman ako sa kaniya at hindi sinasadyang mapunta kay Josh ang paningin ko.

Lunok ito ng lunok na sinasabayan ng titig si tita-- w-wait! T-tama ba 'tong nakikita ko? N-nakikipagtitigan siya kay Tita?!

What the heck?!

"A-ahmm.. D-dre, u-uwi m-muna ako ha..." lahat kami ay napatingin sa kaniya na tumayo pa at tinapik si Dwight sa balikat.

"Bakit naman?" tanong ni Dave.

"B-b-ba.. K-k-kit?" nahihirapang usap ni tita.

"A-ah.. K-kasi ho, n-nagtext na sakin si halmeuni.. M-may k-kailangan daw pong p-puntahan at nagpapasama..." lumunok pa ito sa huli niyang sinabi.

Hindi ako makapagsalita. Hindi ko kasi alam kung ano bang dapat sabihin lalo na't napakaseryoso naman nitong usapan. Tapos may kung ano ano pang sinasabi si tita.

Deymm! What's really goin' on today?

"Bakit ba nauutal ka?" seryosong tanong ni Dwight.

"Ehem!" umubo ako para mabasag ang seryosong usapan, "A-ako din po hehe.. Sasabay napo ako sa kaniyang umuwi. Pano po, tita? Una napo kami ha?" ngumiti pa ako pero dedma!

Sheeet!

Mukang tangang tumayo ako at tinapik sila Dwight at Dave sa balikat saka inaya si Josh palabas. Sumunod naman siya ng walang ka-imik imik. Pagsara ko ng pinto ng makalabas na kami ay narinig ko pa siyang malakas na bumuntong hininga.

"May problema ka dre. Ano 'yon? T*ng*na! Hindi ko kinaya ang mga pinagsasasabi niyo! Masyado kayong seryoso na akala mo naman ay kapag nagsalita ka ng mali, patay ka! Pero teka nga! Maiba tayo, may problema ka nga ba? B-bakit n-nakikipag.. *lunok* t-titigan ka kay tita? A-anong meron?" takang tanong ko.

Tinignan niya lang ako at hindi sumagot. Naglakad na siya paalis na agad namang ikinasalubong ng mga kilay ko. T*ng*na! Invisible yata ako ngayon ah!?

"Hoy--! T-teka! Hoy! Aba! Hoy Josh! Josh Adrian Sabe--" natigilan ako ng mapagtanto kong...

Eisenhower na nga pala siya...

"Oh! K-kuya Lance! Pauwi napo agad kayo?" tinignan ko pa muna si Josh na patuloy parin sa mabilis na lakad bago bumalin kay Nicole.

Ngumiti ako sa kaniya, "Oo eh, pano ba yan? Mukhang kayo na muna ang bahala kay Tita ha? Hehe.. Sige na! Gutom na yun si Tita.." ginulo ko pa ang buhok niya saka siya tumango ng nakangiti.

When I Kiss A Gangster (YOU CAN READ THE BOOK 2 EVEN IF U HAVEN'T READ THIS YET)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon