Chapter 44: Blood

23.3K 568 14
                                    

Chapter 44: Blood

Nazi's POV

"Good work, everyone." sambit ng isang lalaki.

Mukhang may edad na ito pero parang pamilyar sa akin ang boses niya. Kailan ko nga ba ulit narinig ang boses na 'yon? Hays! Sumasakit ang ulo ko.

Napalingon ako sa bandang kanang gawi ko ng may magbukas na pinto, doon lang nagkaroon ng liwanag at kita kong may pumasok na tatlong lalaki.

"Well, well, well... Ang babaeng matagal ko ng hinahanap..." napalunok nalang ako sa sinambit ng lalaking iyon.

A-ano ba talagang kailangan nila sa akin?

May lumapit sa aking lalaki. Naka mask ito at sinundan pa iyon ng dalawang lalaki. Lahat sila ay mga naka face mask na itim kung kaya't hindi ko makita ang mga mukha nila.

"Hmmm..." naiiyak na sabi ko.

"Uhhh..." pabebeng saad nito. "Umiyak ka ba? Pasensya na na-late ako a? Hahaha!" tumawa ito na sinundan naman ng dalawa niyang kasama.

"Hmm! Hmm! Hmm!" masama ang tingin ko dito habang pilit akong kumakawala sa tali. Gumalaw pa ang bangkong inuupuan ko sa ginawa ko.

"Sshh... You're too much noisy and that's what I don't like." ngayon ko lang napansin na ang porma ng suot nito.

Formal attire kuno. Mukhang mayaman ito dahil ang damit nito ay yung mga nakikita ko sa t.v. doon sa may company.

Anong kailangan ng isang mayamang 'to sa akin gayung hindi ko naman siya kilala?

Umubo ito at saka inayos ang suot niya. May kinuha pa ito sa loob ng kaniyang coat at tiningnan iyon.

"I will ask you a question... Just only answer yes or no." naningkit ang mga mata ko.

"Hmmm! Hmm!" sigaw ko dito na nagsasabing 'tama na, please'.

Hanggang ngayon kasi ay naka-duck tape pa rin ang bibig ko. Sobrang ngawit na ngawit na rin ako. Hindi ko na alam kung pa'no na ang susunod kong gagawin.

"Look..." may pinakita itong picture sa akin.

Isang batang lalaki. Nakangiti ito at sobrang saya... Taka ko namang tiningnan pabalik ang lalaking naka mask.

"Do you know who is he?" hindi ako sumagot.

Anong ginagawa nila? Bakit siya nagpapakita sa akin ng litratong mga gan'yan? Akala ko ba katapusan ko na?

"You don't know? Okay... Eh eto?" may pinakita ulit itong picture ng isang lalaki.

Kunot noo ko uling binalikan ng tingin ang lalaking naka mask.

"Hmmm!" sigaw ko.

"Oh... Kilala mo siya? Wait, tatanggalin ko 'yang tape mo." lumapit ito sa akin at pabiglang tinanggal ang tape sa bibig ko na siyang nagdulot ng malakas na tunog.

A-ang sakit...

"Sino siya? Kilala mo ba siya?" masama ko siyang tinignan.

"Pakawalan niyo ko ditoooo!" sigaw ko.

Tumawa ito at tumingin sa taas, "Ako ba pinaglololoko mong hay*p ka? Ha?!" inis na sabi nito.

"Wala akong kasalanan sa inyo! Kaya please... Pakawalan niyo na ako."

"Wala akong sinabing magsalita ka! Sinabi ko lang na ang isasagot mo ay oo o hinde!" napapikit nalang ako kasabay ng bahagyang pagyuko ng sumigaw ito habang nandidilat ang mga mata.

When I Kiss A Gangster (YOU CAN READ THE BOOK 2 EVEN IF U HAVEN'T READ THIS YET)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon