Chapter 31: Selfie!

28.6K 730 73
                                    

Chapter 31: Selfie!

Nazi's POV

Matapos naming mamili doon sa bookstore, nag-uwian na kami. Nandito na ako ngayon sa bahay at nakatulala. Kanina ko pa kasi iniisip kung anong nakain ng uwak na 'yon at kung bakit nag walk out.

Sa tingin niyo? Bakit kaya? Hmm...

"Hija..." mabilis akong napatayo sa sofa ng tawagin ako ni Lola.

"Po!" sigaw ko dahil nasa kusina ito. Pinuntahan ko si Lola.

"Bakit po, La?" sambit ko.

"Sabi mo sinigang ang lulutuin?" tumaas ang dalawa kong kilay.

"Opo, bakit po?" takang tanong ko.

"Paano ako magluluto ng sinigang kung walang mga rekado?"

"Ay? Hehe!" ngiwing tumawa ako.

"O siya! Dalian mo ang pagbili ha---"

"Saan po ako bibili?"

"Aba'y saan pa? Alangan namang sa bookstore aba'y! Ikaw hija, ha!" napakamot nalang ako sa ulo habang nakanguso.

Ano bang tanong ko? Tch.

Dali dali na akong lumabas at bumili sa palengke ng rerekaduhin para sa sinigang. Medyo binilisan ko na dahil babasahin ko na yung librong binili ko.

Ilang minuto pa akong naghanap para doon sa mga rekadong bibilhin ko bago ako nakauwi.

Matapos ko iyong ibigay kay Lola ay sinimulan ko ng basahin 'yung libro.

'An Unexpected Love.'

Title nung libro, sabi kasi ni Cloe maganda daw 'to. Gusto ko sanang humiram sa kaniya pero naibigay niya na daw sa pinsan niya. Tsk! Kung alam ko lang sana na ibibigay niya edi sana hindi na ako bumili.

"Uh!" gulat at kunot noo akong napatingin sa mga libro ko.

Hindi ko muna kasi binasa. Tinignan ko muna yung mga librong binili ko at...

"Kulang ng isa?!" magkasalubong na mga kilay na sigaw ko.

"Ano iyon, hija?" sigaw ni lola mula sa kusina.

"Ah lola! Babalik po muna ako sa mall. May nakalimutan po akong bilhin! Bye po!" sigaw ko at nag 'sige' nalang si Lola saka ako umalis.

Dali dali na akong nagcommute papuntang mall. Jusmiyo marimar! Sa dinami dami ba naman ng librong makakalimutan ko... Iyon pa?!

Yung THE FOUR BAD BOYS AND ME! Huhu! May libro ako ng book 2 at 3 pero 1 wala?! Ano yun?!

Nanakbo na ako papasok sa mall ng makababa ako ng jeep. Hays! Gutom nako!

Dali dali akong pumasok sa bookstore at palinga lingang nililingon ang mga nakahanay na libro. Nakalimutan ko kasi kung saan ko iyon nakita.

"Aha!" malapad na ngiti ang inilabas ko ng makita ko ang librong iyon.

Papunta na ako ngayon sa cashier ng may malapad na ngiti. Nang dahil sayong libro ka bumalik pa 'ko dito! Alam mo na siguro kung gaano kita ka mahal 'no?

"Eto po!" sambit ko at inilapag ang libro doon sa may cashier-an.

"Pasabay na rin nung sakin." napatingin ako sa nagsalitang napakalamig ng boses.

"A-angry bird?!" gulat na tanong ko with matching big eyes.

"Stealer?!" gulat rin tanong nito.

When I Kiss A Gangster (YOU CAN READ THE BOOK 2 EVEN IF U HAVEN'T READ THIS YET)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon